Chapter 4: JS like that

530 18 8
                                    

“Ayoko ngang pumasok!” sabi ko “Uuwi na ako!”

Kapit kapit ni Million ang kanang braso ko at hinihila na ako papunta sa gitna. Pinagtitinginan na kame ng mga estudyante at guro kaya nahiya na ako at di na pumalag pa. Nandun na sila sa formation ng kutilyon, nakita ko na walang partner si Sam (short for Sampaguita, asar sa kanya kasi dati nung bata sya nagbebenta sya ng sampaguita). Kinawayan nya ako at sinensyasang lumapit, kabado ako, nakausap ko na naman mga kaklase ko dati pero di talaga kami close. Nakangiti sya at pati ang kanyang mga mata na may naghahabaang kilay, “Tagal mo” sabi nya “Kala ko mawawalan na ako ng partner.” Hinawakan nya ako sa balikat at sumenyas syang hawakan ang kanyang mga bewang. Ginawa ko naman ang nasabi.

“Dito magandang sabihin yung part na aaminin mong di mo alam kung pano mag kutilyon” asar nya habang tumatawa

“Di ako marunong mag kutilyon” sabi ko naman

“Wag kang mag-alala, dancer ata to”

Di ako sumagot, nagsimula na ang tugtog at nagsimula na gumalaw ang lahat. Sinasabayan ko lang sya, magaling sya tulad ng sabi nya at ako naman ay parang tanga lang na ginagalaw lang ang paa ng atras at abante. Nakakahiya, gusto ko na matapos to. Bumulong ako at tinanong kung malapit na ba ito matapos? Napatawa sya at sinabing hindi pa. Hiyang hiya na ako talaga, sino bang nagimbento ng pagkukutilyon?! Pag nagka-time machine ako babalik ako sa oras at hahanapin kung sino mang adik ang nagimbento neto tapos babatukan ko ng sobrang lakas. Hiyang hiya na ako at bigla nalang nag-form ng circle yung buong grupo at eto daw yung part na magpapalitan ng mga partner habang nasayaw, para bang ginanahan ako dito, kasi makakasayaw ko si Kamiseta! Hindi ko pa sya napapansin pagpasok ko ng school. Sana nandito sya. Umikot ng umikot yung mga babae, nakausap ko ang onting mga kaklase ko at para bang nag-sisi ako na hindi ko sila kinakausap dati, mabubuti silang tao at masasarap naman kadaldalan kahit onting Segundo lang sila sa harap ko.

Si Tina Pie, alam nyo na siguro kung anong hilig nya, pero hindi sya obese, chubby lang.

Si Heyna, yung pinakamagaling sa exams sa amin, pinakamamagaling magrecite, pero tingin ko hanggang dun lan g ang kaya nya. Pero mabuti syang tao.

Si Amazing Grace. Tipong nagsusulat lang lagi sa kanyang mini-diary at laging nasa sariling mundo.

Si Nanny, isang tranny. Babae na daw sya ngayon, mayaman kasi sya at ayun. Pero maganda sya, kung di mo sya kilala, mapagkakamalan mo talagang babae to 100%.

Madami pang napasang babae sa akin, di ko na kakilala yung iba at di rin nila ako kakilala. Mejo nangangalay na ako kaya di na ako sumayaw at nakaatayo nalang pero hawak ko parin mga kamay nung mga babae.

Bigla nalang nag-slow motion yung paningin ko, para bang nahihilo ako pero good hilo sya. Yung tipong hilo na parang gusto mo pa. Good hilo, andito na sya. Suot suot ang pulang gown, gintong kwintas, gintong hikaw at hindi naman ginto, pero makikintab na mata. Para bang may balon sa mata nya at nahulog ako, eto ang una kong beses na naramdaman to. At pagpatong ng kamay nya sa balikat ko at pag suot ng bawat daliri ko sa pagitan ng daliri nya, ramdam na ramdam ng mga ugat ko na at nagsasabi sa utak ko na eto na sya, ang babaeng pinakahihintay mo ay hawak mo na, tinitignan ka sa mata. Hindi ako makaimik, hindi ako makagalaw, ayoko na matapos to. Walang salitang makakapagpaliwanag ng kasiyahan ko at kagalakang nadarama. Hinawakan ko ng mahigpit ang bewang nya at pinisil ng bahagya ang kanyang kamay. Pero nagpupumiglas sya, bakit? Ayaw nya ba sa akin? Hindi nya ba nararamdaman ang galak na pilit pinapasa ng mga init ng palad ko sa palad nya? Hindi ko naiintindihan, mabuti naman akong tao, bakit nalang hindi naming parehong ikagalak ang nangyayaring ito ngayon?

Yun pala ay lilipat na sya ng partner. Andami kong inisip agad, nahihiya na ako sa sarili ko. Di pa nagtagal ay bumalik na sa harapan ko si Sam. Natapos na ang kutilyon at umupo na kami ni Sam. Nakangiti parin sya tulad ng kanina. “Gusto mo si Kammie?” tanong nya habang nakatitig sa akin ng sobrang galak.

Kwento ng TaoWhere stories live. Discover now