Chapter 19: Babae

348 6 0
                                    

Chapter 19: Babae

Dalawang taon ang lumipas. Sinubukan kong kalimutan, palitan, at hindi pansinin ang pagkamatay ni Maya pero imposible itong magawa. Tuwing gabi ay naiisip ko kung kailan ulit mulang kakalmot sa likod ko ang kanyang mga kuko at itutuskot ito sa mga ugat kong sabik na sabik sa aming pag-tatalik. Iniisip ko kung kailan ulit ko maririnig ang mga kakaibang pananaw n’ya sa buhay. Iniisip ko kung kelan ko ulit susubukang hulaan ang mga susunod n’yang galaw. Iniisip ko kung kailan ko ulit makikita ang ngitni n’yang unti unti mong matatanaw sa unti unting nag-lalahong usok na galing sa kanyang bibig  Iniisip ko... Iniisip ko na lang si Maya. Dahil wala na si Maya, at hindi na mauulit ang mga dati naming nagawa. Si Maya ay pumanaw na. Si Maya, wala na s’ya. Ang mga patay ay nanatiling patay. Ala-ala nalang si Maya, ala-alang hindi mabibili na parang sigarilyo. Ala-ala.

Namatay si Maya nung hapon ng huli kaming mag-kita galing sa Enchanted Kingdom. Matagal n’ya na i-pinlano ito dahil nalaman n’yang nakalaya na pala ang kanyang naturingang ama sa bilangguan. Hindi ko alam kung paano n’ya ginawa, kung anong hakbang ang mga ginawa n’ya dahil sigurado ako, si Maya lang ang makaka-isip noon.

Sumiklab ang lumang bahay ni Maya kasama ang sarili n’ya doon, at nabaling ang bintang sa kanyang ama na bumalik na naman sa bilangguan at nag-pakamatay na rin doon. Hindi ko alam kung ano rin ang pakay ng ama kay Maya at hindi ko na ito malalaman. Ki-nremate na lang ang katawan ni Maya at inilibing ito sa tabi rin ng kanilang bahay, iyon ay sa hiling ko na na inaprubahan naman nila ng walang problema. Hindi ko alam kung paano nila nalaman, pero dumalo ang mga madre na nagpalaki kay Maya dun sa bundok na sinasabi n’ya. Nalaman kong sa Banahaw pala yung sinasabi n’yang bundok, malapit lang sa amin iyon, sa Bae. Mabubuting dalaga naman ang mga madre, matatanda na at hirap mag-lakad pero sinigihan parin nilang dumalo sa puntod ni Maya, ang minsan nilang naging anak. Makikita mo ang pighati sa mga mata ng madreng ito, hindi makapaniwalang ang batang dati nilang sinagip ay wala na at:

“Kapiling na ng D’yos.”

Nabugnot ako sa sinabi nung Madreng yon pero hindi ko na lang pinatulan. Dahil alam kong may sarili silang paniniwala at pinili ko nalang irespeto iyon, alang alang narin sa pag-respeto sa kanila bilang magulang ni Maya.

Mag-hapon hanggang alas-nuwebe ng gabi ay nandoon lang ako sa tabi ng puntod ni Maya. Hindi kami naimik pareho. Bago ako umalis ay nag-lapat muna ako ng labi sa lupang kanyang pinagpapahingahan ngayon. Pumatak ang dalawang luha ko sa lupa, agad ko naman itong pinunasan bago pa man ako sigawan ni Maya ng “ang alat ng luha mo!”. Tumayo ako, nag-lakad ng onti, tumingin ulit sa puntod at tuluyan ng lumisan.

Pinili kong mag-lakad pauwi. Kahit isang kilo ang mga tambay, at alam kong kahit anong oras ay pwede narin akong sumunod kay Maya. Pero sa pag-iisip ko nun, mas pipiliin ko pa nga sigurong sumunod.

Nag-lalakad ako ng medyo pamilyar na ang mga nakikita kong lugar, malapit na ako sa aking pinagtutuluyan kasalukuyan. Nakita ko ang Iglesia ni Cristo, matarik at maganda ang pintura. Napatigil ako at napatingin dito ng ilan pang minuto.

“Masaya ka na ba ngayon?” sabi ko, kung kanino ko man sinabi yon ay hindi ko na alam. “Kung pag-sasalitain ako ng malaya, isa lang ang sasabihin ko sayo: ‘Hindi karapatdapat mapasayo si Maya, hindi man akin, pero lalong hindi sayo’.” Matapos kong sabiihn yun ay linisan ko ang sinasamba nilang banal na pinagpatong patong na kahoy.

Pag-karating ko ng bahay ay nakita ko si Zombie at Vampire na mukhang alam na rin ang balita. May kandila sa mesa. Tahimik ang dalawa, pareho silang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Tumango na lang ako kay Zombie at umakyat na para tumulog. Bago pa man ako maka-isang hakbang sa hagdanan ay agad na akong niyapos ni Vampire. Napa-tigil ako at bumalik at lalo pang humigpit ang yakap sa akin ni Vampire. Tinapik naman ni Zombie ang balikat ko.

Kwento ng TaoWhere stories live. Discover now