Chapter 5: Iniwang Ibon

397 12 6
                                    

Chapter 5:Iniwang Ibon

Nung una, akala ko panaginip lang to. Nakatayo si Kamiseta sa harapan ng bahay namin at nakatingin sa akin. Wala na akong hihilingin pa, nagagalak akong makita ulit sya suot ang pulang gown, gintong alahas at mapupungay na mata; mga matang tinitigan ko ilang oras palang ang nakakalipas na para bang ngayon ay mas lumalim yung balon at mas nahuhulog ako. Nakatayo lang s’ya sa harapan ko at inalok ko siyang pumasok. Agad naman syang pumasok, dahil masyado akong naka-focus kung gano siya kaganda ay hindi ko napansing may mga gasgas ang siko n’ya at nanginginig ang mga braso’t tuhod nya. Tinanong ko s’ya kung anong nangyari pero hindi siya sumasagot. Kumuha muna ako ng maiinom, nag-timpla ako ng dalawang kape para sa aming dalawa. Nilagyan ko ng krema yung kanya at asukal lang naman ang sa akin. Katahimikan lang ang binubuka ng aming mga bibig ng ilang minuto. Naubos na yung kape ko at yung kanya ay onti palang ang bawas. Inipon ko ang lakas ng loob ko at ibinuka ang aking mga bibig:

“Kamise-“

“Wala na akong ibang matakbuhan.” Sabi nya “pasensya ka na”

“Wala yun, ayos la- teka, matakbuhan?” sabi ko

“Hindi ko alam ang gagawin ko” sabi nya at nagsimulang umiyak “takot na takot ako”

“Ano bang nangyari?” tanong ko at bigla akong nag-alala

“Wala akong magawa, napilitan lang ako” sabi nya habang tuloy ang pagpatak ang mga luha nya “Di ko na kaya”

Hindi ko parin ma-proseso ang mga sinasabi n’ya sa akin.

“Makikinig ako” sabi ko nalang

“Hindi ko sya gusto, hindi ko gusto ang ginagawa ko. Si Red ay bastos, mayabang at bastos.” Sumipsip sya ng kape “napilitan lang ako kasi tatay ko mismo ang nagbenta sa akin kay Red. Mayaman sya at kayang bumili ng kahit ano, pati ang tatay ko. Kaya ako nakakapag-aral ngayon ay dahil din sa pera nya.” Sabi nya habang pinipigil bumuhos ang luha nya.

Di ko alam gagawin ko. Napakalupit ng mundo talaga. Bakit pa ang napakagandang babaeng ito ang napili pang bigyan ng ganitong problema. Inabutan ko sya ng panyo at pinagpatuloy n’ya na ang kanyang pag-kwento

“Ilang taon na ako nagtitiis. Lagi nya ako hinihipuan pag nasa jeep kami, hinahalikan ang leeg ko at pilit na pinapasok ang kamay n’ya sa aking palda. Gabi gabi na lang ako binabangungot. Pero yung ginawa nya kanina, hindi ko na kinaya” bumagsak na talaga ang kanyang mga luha at sipon. “pinilit n’ya akong hubaran at pagsalamantahan kasama ang kanyang dalawa pang kaibigan na si San Mig at si Fortune. Takot na takot na ako nun at hindi ko alam kung san ko kinuha ang lakas ko at nahablot ko ang hawak nilang bote ng beer at naihampas naman kay Red. Ta-tapos yung hawak kong basag na bote ay pinanghiwa ko naman sa mukha ni San Mig at tumakbo ako, hindi naka-abot sa akin si Fortune dahil lasing na lasing na sya. Hindi ko alam kung san ako pupunta, kaya ako nandito.”

Hindi ko alam ang gagawin ko. Awang awa ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon at galit na galit ako sa kabayong yon. Gusto ko s’yang patayin. Nang-gigilaiti ako. Tumabi ako sa kanya at hinimas ang likod nya. Bigla naman siyang yumakap sa akin at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kanyang buong katawan kasabay ng pag-init ng akin. Magkahalong lungkot at galak ang nararanasan ko ngayon. Dahil sa wakas, nayakap ko ang babaeng matagal ko ng gustong mayakap pero alam kong hindi n’ya ako mahal, hindi rin nya ako kailangan. Sadyang ako lang ang pinakamalapit na tao sa kanya ngayon.

“Magpalit ka muna ng damit, basang basa ka ng pawis.” Sabi ko sa kanya “ayaw mo naman sigurong dagdagan pa yung hirap mo ng ubo’t sipon, diba?”

Pumasok ako ng kwarto at naghanap ng t-shirt na pwedeng magkasya sa kanya, narinig kong ni-lock nya ung pinto namin. Takot na takot talaga sya, sino ba namang hindi diba? Hinalungkat ko yung damitan ko at puro Street Fighter ang damit ko, naalala ko tuloy nung pinag-ipunan ko pa ‘tong mga to. Kinuha ko yung kulay green na ang tatak ay si Cammy, Kammie kasi tawag sa kanya ni Sam kaya naisipan kong bagay ito.

Kwento ng TaoWhere stories live. Discover now