Chapter 10: Paalam

280 7 2
                                    

Chapter 10: Paalam

Nakita ko si Tita. Nakabalot ng kumot. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Sobrang wala. Hindi ko alam kung totoo ba ‘to. Wala na si Tita. Ang nag-alaga sa akin, wala na. Patay na s’ya. Nakapapanghina. Matagal na pala s’yang may malubhang sakit. Hindi ko nahalata. Hindi naman s’ya mukhang may sakit. O siguro lang, hindi ko napansin kasi hindi ko naman lagi s’ya pinapansin at sa loob ng isang araw, nakikita ko lang s’ya pag nagkakasabay kami kumain. Pero bakit ganon, nakakalungkot. Sobrang nakakalungkot. Lumapit ako sa kanya, sa bangkay ni Tita, napakasakit banggitin ang mga katagang “bangkay ni Tita”. Binuklat ko na yung kumot. Nakita ko na may sugat si Tita sa leeg. Sugat, hiwa, hiwa ito ng kutsilyo.

“She killed herself.” Sabi nung Amerikano. “Oh-sorry, I’m Simon.”

Di ako sumagot. Hindi ko maintindhan. Wala akong naiintindhan sa mga oras na to.

“The doctor said she has cancer.”

“Cancer?” sabi ko.

“It’s the cancer you don’t eventually get better from. To put it simply.”

“She killed herself.” Sabi ko. “Why is there a slit on her neck?”

“She said she doesn’t want to waste more money.” Sabi ni Simon. “On medications, and other hospital bills.”

“Here.” Sabi nya. “It’s a letter she wrote for you.”

Binuklat ko yung papel at binasa ko yung mga nakasulat.

Aking pamangkin,

Pasensya ka na at dito ko masasabi ang huli kong paalam. Sabi ng doktor ay may cancer daw ako kaya nagpagpasyahan ko nalang na magpakamatay upang hindi na madagdagan pa ang gastusin dito sa ospital. Kunin mo kay Simon yung Bank Account na iniwan ko katabi ng sulat, nagsulat rin ako para sa kanya at alam kong ibibigay niya sayo yung account ko. Mabuti s’yang tao. Hindi ko lang sigurado kung magkano pa yung naipon ko para sa pagkokolehiyo mo pero medyo malaki pa naman ‘yon at siguro ay iaakyat ka hanggang 3rd year. Pero hindi ko sinasabing gamitin mo yung pera mo sa pagkolehiyo. Gamitin mo s’ya kung san mo gusto. Basta magpakasaya ka. Pero sana naman ay wag mo gamitin yung pera sa masama at hindi kaaya-ayang gawain. Gamitin mo ‘yan upang maging maligaya ka sa buhay. Pasensya ka na at kailangan na kitang iwan. Pasensya kana kung hindi maganda ang ginawa kong pag-trato sayo ‘non. Gusto ko lang naman na lumaki kang matapang at malakas. At ngayon, sigurado matapang at malakas kana. Pasensya na kung wala ako sa darating mong graduation ngayong Marso. Pero malaman mo lang na natutuwa ako para sa iyo.

Ikaw narin ang bahala sa bahay natin. Sayo na iyon. Ibenta mo s’ya kung gusto mo para makadagdag sa perang iiwan ko sa iyo. Kakailanganin mo yan. Tandaan mo lagi na matapang at malakas ka. At kung manghina ka man, wag kang magdalawang isip na humingi ng tulong sa mga kaibigan mo; kay Million, isa s’yang malusog na bata. Darating ang panahon na lahat masakit, lahat hindi maganda, at lahat ay mali. Pero wag kang bibigay. Isa kang matapang at malakas na tao.

Hanggang dito nalang ang masasabi ko. Maraming salamat at pinagbigyan mo akong madanasan ang may anak na pinapalaki. Mahal na mahal kita.

                                                                                                            Tita Ellie.

Hindi ko alam ang iisipin ko pagkatapos kong basahin ang sulat. Hindi ko parin alam kung ano talaga ang iisipin ko. Umupo ako sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya. Ang mga kamay nya na wala nang buhay. Lumapit naman si Simon sa akin at inabot na yung ATM Card kung saan naglalaman ang mga inipong pera ni Tita para sa akin. Tinignan kong mabuti ‘yon. Pagkatapos non ay inuwi na namin si Tita sa bahay. Dinala muna s’ya sa purenarya at inayusan. Bumili narin ng kabaong kaming dalawa at mga kagamitan para sa burol. Hindi ko gusto ang burol, malungkot. Nakakagulat rin na pinaghandaan na ni Tita yung burol nya. May nakatabi s’yang pera para sa pambayad ng lahat ng gastusin sa burol. Binili ko na lahat ng pwede kong bilhin kay Tita. Binili ko s’ya ng relo at bag. Alam ko na gusto ng mga babae ang relo at bag. Tinabi ko to sa kanya habang nasa loob s’ya ng ataul. Pero nakakalungkot nga lang na yung ginamit kong pera don, ay yung iniwan n’ya rin sa akin.

Kwento ng TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon