Jobos at Polbo Teaser

247 11 1
  • Dedicated to Karen Isabelle de Leon
                                    

        Inis na inis si Diana nang malamang sa Sitio Monicayo, isang remote Aeta village, sila magko-conduct ng kanilang klase ng kanilang immersion program para sa kanilang NSTP o National Service Training Program for ten days na required sa bawat college students. May-ari ng isang resort ang kanyang ama at di siya sanay sa ganoong hirap ng buhay.

        

        Nabadtrip pa sa kanya si MJ, ang binatang anak ng pamilyang Aeta na kanyang tinutuluyan dahil sa panlalait na ginawa ni Diana sa Sitio Monicayo. Humingi ng tawad  si Diana kay MJ at nangako siya na susubukang makibagay sa mga Aeta. Ngunit hindi nakumbinsi ang binata na kaya niyang makibagay sa mga Aeta. Ngunit nagawang makisalamuha ni Diana sa mga Aeta para patunayan si MJ na mali ito sa inaakala nito sa kanya.

        At doon umusbong ang matamis na pag-iibigan ng dalawa. Sa sampung araw na pananatili ni Diana sa Sitio Monicayo ay unti-unti siyang binago ng pag-iibigan nila ni MJ.

        Ngunit hindi smooth sailing ang kanilang relasyon dahil tutol pareho ang kani-kanilang pamilya sa relasyon nila dahil sa agwat ng estado nila sa buhay. Mayaman at unat si Diana samantalang mahirap lamang at isang Aeta si MJ. Isa pa, may ibang babae ang gusto ng ina ni MJ na ipakasal sa anak.

        Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang pag-iibigang tinututulan ng marami? At makatulong kaya ang jobos at polbo upang matanggap ng kanilang pamilya ang kanilang pag-iibigan?

Jobus at PulbosWhere stories live. Discover now