Chapter Eleven

56 7 5
                                    

HINDI sinasadyang magkita sa Starbucks sina Diana at Brenda isang Lunes ng hapon. Kasama ni Diana si Nathan. Nahagip ng mga mata ni Brenda ang pagkakahawak ng kamay nila ni Nathan bago niya nabawi sa lalaki ang kamay niya.

“Brenda, join us!” aya niya sa kaibigan.

“Hindi na, baka nakakaabala pa ko sa inyo,” may ibig ipahiwatig na sambit ni Brenda.

“Sige na, Brenda,” wika ni Nathan na naka-uniporme pa. “Actually, paalis na rin ako. I have a class in 30 minutes.” Nathan is studying at Angeles University Foundation taking up Hotel and Restaurant Management. Nais nitong sundan ang yapak ng mga magulang sa larangan ng pagmamahala ng mga hotel.

Umupo na rin si Brenda. Pagkatapos ay nagpaalam na si Nathan. Bago magpaalam, hinalikan pa ng lalaki si Diana sa magkabilang pisngi.

“Tell me, what is going on between you and Nathan?” direktang tanong sa kanya ni Brenda nang makaalis na ang lalaki.

Napainom ng Frappe si Diana bago sumagot, “We’re exclusively dating,” masiglang tugon niya.

It’s been five months since they started dating each other.

            “Then I guess you are now over with MJ?”

Muling napainom ng Frappe si Diana bago sumagot. Halos magli-limang buwan na rin mula nang hiwalayan siya ni MJ.

“Nathan is a nice guy. He’s fun to be with. Ang sarap niyang kausap. May sense ang mga sinasabi niya about anything and everything. We have many things in common. We both love---”

“Get straight to the point, Diana. Hindi mo na ba mahal si MJ?”

Matagal bago siya nakasagot. Pagkatapos ay sinabi niya, “Brenda, thank you for helping me moving on. Kung di mo ko niyayang mag-club nang gabing iyon, I will not meet Nathan. And because of Nathan...  well I guess... naka-move on na ko kay MJ. Hindi ko na siya mahal.”

Tiningnan niya ang kaibigan. Bakas ang pagdududa sa mukha nito. Ngunit sa halip na magtanong pa, sinabi na lang ni Brenda sa kanya ay “Diana, I’m glad you recovered from your heartbreak. It’s good to hear na nakatulong ako in your moving on process.”

Napangiti na lang si Diana.

ARAW na ng kasal nina MJ at Sarah. Puno ng kasabikan ang buong sitio. Dahil pawang may posisyon sa tribo ang mga magulang nilang dalawa, talagang pinagkagastusan ang kasalang ito. May malaking handaan sa basketball court na naghihintay sa mga taga-sitio pagkatapos ng kasal.

Inimbita rin ni MJ ang Tatay Butch niya at si Brenda. Na-appreciate ni MJ na kahit may lagnat ang ama nang araw na iyon ay pinilit nitong makadalo sa kasal niya. At nababatid naman ni MJ na hindi sinabi ni Brenda kay Diana na ngayon ang kasal niya.

Tulad ng nakagawiang tradisyon ng mga Aeta Mag-Antsi, sa pinakamataas na bahagi ng Sitio Monicayo idadaos ang kasal. Nakahanda na ang altar kung saan may isang plato na may dalawang binilog na kanin. Halos lahat ng mga taga-sitio ay naroon na at nasasabik na sa pagsisimula ng kasal.

Nagsimula nang tumugtog ng du-nu-ra ang koro sa saliw ng gitara at flute. Nagsimulang maglakad si Sarah sa aisle kasama ang ama nitong tribal chieftain. Suot nito ang traditional Aeta dress na wrap-around skirt. Nakabahag namang naghihintay sa harap ng altar si MJ.

Balisa si MJ habang hinihintay ang pagpunta ni Sarah sa altar. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin siya sigurado sa buhay may-asawa. Nabigo siya sa inaasahan niyang matututunan niyang mahalin si Sarah, dahil mula noon, hanggang ngayon ay isang babae lamang ang pilit na isinisigaw ng kanyang puso.

Jobus at PulbosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon