Chapter Eight

60 9 2
                                    

HINATID na ni Brenda si MJ sa terminal ng jeep na ang biyahe ay papasok ng Clark kung saan madadaanan ang paanan ng Sitio Monicayo. Nagpasalamat siya kay Brenda pero bago tuluyang magpaalam ay may ibinilin siya rito.

“Brenda, pakisabihan na lang si Diana na magkita kami bukas sa Astro Park ng alas-singko ng hapon.”

“MJ, alam mo namang hindi papayagan si Diana ni Tito Danilo.”

“Kinausap ko nang maayos si Mr. Sandoval kanina. Sinabi ko na malinis ang intensyon ko sa anak niya. Ipinagpaalam ko na rin sa kanya na magkikita kami ni Diana bukas at pumayag naman siya,” paliwanag niya rito.

Napangiti si Brenda sa sinabi niya. “Ibig sabihin... payag na si Tito Dan sa relasyon ninyo?”

            Hindi siya makasagot. Hindi niya maaaring sabihin sa kaibigan ni Diana ang binabalak niya bukas. Isang pilit na ngiti na lang ang tinugon niya kay Brenda at siya’y nagpaalam na.

KINABUKASAN ng hapon, nauna pang dumating si MJ sa Astro Park. Nilibot niya ng tingin ang parke. Sa bawat tingin niya ay sinasariwa niya ang panahon na masaya nilang pinagmamasdan ni Diana ang paglubog ng araw. Kapwa silang masaya noon. Ngunit sa ilang sandali ay mananatili na lamang iyon na isang masayang alaala sa piling ni Diana at hindi na muling mauulit pa. 

Animo’y tinutusok ang puso niya sa gagawing pakikipaghiwalay kay Diana. Magiging masakit para sa kanya ang gagawin, ngunit kailangan.

            May tumigil na kotse at iniluha niyon si Diana sa passenger seat. Ang drayber nito ang nagmaneho rito papunta sa parke. Isang maluwag na ngiti agad ang salubong na iginawad sa kanya ng babae. Mami-miss ko ang ngiting iyan, Diana.

            Handa na si MJ sa sasabihin niya kay Diana upang makipaghiwalay. Wag lang sanang mahalata ng nobya na hindi bukal sa puso ang gagawin niya.

“I CAN’T believe na pumayag si Papa na magkita na tayo. Ano bang sinabi mo kay Papa nung nag-usap kayo kagabi? Sabi ni Brenda ipinagpaalam mo raw ako. Payag na ba siya sa relasyon natin?” tuloy-tuloy na tanong ni Diana pagkalapit niya kay MJ.

Napansin niya na tila walang pagkagiliw sa mukha ni MJ. Nabagabag siya.

“Is there something wrong, MJ?” nag-aalalang tanong niya rito.

Huminga nang malalim ang binata bago nagsalita, “ Diana, naaalala mo pa ba si Sarah?”

“Yes,” tugon niya. Hindi niya alam kung ano ang gustong tumbukin ni MJ sa tanong nito.

“Pumayag na ako sa kasunduan ng mga magulang namin na kami ang magpakasal,” pahayag nito.

            Tila pagsabog ng isang bomba ang sinabi ni MJ. Hindi siya makapaniwala sa narinig... o inakala na narinig dahil alam niyang hindi masasabi ni MJ ang ganoon.

“MJ... tapos na ang April Fools’ Day. Come on, if it’s just a joke, it’s not a good one!” napalakas na wika ni Diana dahilan para magtinginan ang mga tao na malapit sa kanila.

“Hindi ko nga rin alam sa sarili ko kung bakit nagpapakapagod ako na bumaba sa bundok para lang makita ka. Nakakapagod hindi lang ang pagbaba-baba ko sa bundok kundi pati ang mahalin ka, lalo na’t maraming tutol sa atin. Akala ko hindi ako mapapagod na ipaglaban ang pag-ibig natin sa mga tumututol sa atin. Mali ako, dahil nakakapagod din pala...”

Hindi inaakala ni Diana ang mga sinasabi ni MJ ngayon. Kagabi lang ang saya-saya nila ba’t ngayon...

“Kagabi nung magkasama tayo, du’n ko napatunayan na nakakapagod kang mahalin,” wika ni MJ na animo’y nabasa nito ang tanong sa isipan niya. “Dumating pa ang ama mo na tutol sa atin. Hindi na kita kaya pang ipaglaban sa ama mo. Sumusuko na ko sa’yo, Diana.

“Hindi tulad ni Sarah na pabor sa amin pareho ang mga magulang namin. Walang tututol, walang babawal, at higit sa lahat, magkalapit lang kami at andyan kami parati kung kailangan namin ang isa’t isa.”

Naninikip ang dibdib ni Diana sa labis ng sama ng loob at sakit na nadarama. After all this time, ibabalewala lang nito ang pinagsamahan nila at napakadali nitong sumuko.

“Minsan nga naiisip ko kung mahal nga ba kita ‘eh. At sa pag-iisip ko, napatunayan ko na hindi kita minahal... nagandahan lang ako sa’yo, kaya nga sumusuko na ko ngayon pa lang. Itigil na natin ang kalokohang relasyon natin,” dagdag pa ni MJ.

Isang malakas na sampal ang iginawad ni Diana kay MJ. Hindi niya sukat akalain na ganoon na lamang kung isuko siya ni MJ. Akala niya mananatiling matatag si MJ alang-alang sa pag-ibig nila. Akala niya kaya siyang mahalin ni MJ hanggang sa huli... akala niya ay kaya siyang ipaglaban ni MJ... puro siya akala... at napatunayan niyang mali ang kanyang mga akala.

Pinigil ni Diana na huwag maluha sa harap ni MJ. Ayaw niyang makitang apektado siya. Sa halip ay tinalikuran niya ito at naglakad palayo at agad na pumasok sa kotse. Pinagmadali niya ang drayber sa pagmamaneho at iniutos niya na dalhin siya nito sa resort ng ama niya.

Pagtapak niya sa resort ay agad niyang pinuntahan ang ama niya sa opisina nito.

“Diana, iha... napadalaw ka. What’s wrong---” bungad ng Papa niya.

Dagli niyang niyakap ang ama niya at doon bumugso ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan tumulo.

“Papa, sana noon pa man nakinig ako sa inyo... na hindi karapat-dapat si MJ. Papa, tama pala kayo, he’s not the worthy guy for me,” pahikbi-hikbing wika ni Diana habang hinahagod siya ng ama sa kanyang likod.

Samantala, lihim na napangiti si Papa Danilo. Tinotoo nga ni MJ ang pakikipaghiwalay kay Diana. May isang salita ang Aeta na iyon, naisip niya. May isang salita rin naman siyang tao. Hindi na niya itutuloy pa ang pagpapatayo ng resort sa lupain ng mga Aeta sa Sitio Monicayo.

NANANAHI si Nanay Ruby nang pumasok si MJ sa bahay nila. Kauuwi lang niya. Hindi siya nagsabi kung saan siya nagpunta kaya hindi nito alam kung saan siya galing.

“Oh MJ, andito ka na pala. Saan ka ba galing anak? Kumain ka mu--”

“Nay, sinunod ko na ang nais niyo. Nakipag-break na ko kay Diana. Tama kayo, mali kung ipagpapatuloy pa namin ang relasyon namin,” bungad agad ni MJ sabay pasok sa kwarto niya.

Jobus at PulbosWhere stories live. Discover now