Chapter Six

72 8 2
                                    

LUMAPIT kina Diana at MJ si Papa Danilo. Kita sa mukha nito ang galit.

“Anong ginagawa mo rito, ha, Diana?”

“I can’t believe you can do this apalling act to the Aeta people, Papa,” galit at di-makapaniwalang sambit ni Diana.

“At sino itong lalaking kasama mo?”

“Magandang a—araw po,” nagawa pang bati ni MJ kahit na kabado ito. “A—ako po si MJ, ang kasintahan ng anak ninyo...”

Lihim na bumilib si Diana sa katapangan na iyon ng nobyo. Naningkit naman ang mata ni Papa Danilo.

“At nakikipagnobyo ka pa sa isang Aeta! Hala! Sige Diana! Pumasok ka sa kotse!”

At agad-agad na hinila siya ng ama papasok ng kotse nito. Pagkapasok naman ni Papa Danilo ng kotse ay saka matulin na pinaandar ng driver ang sasakyan palayo.

“LAPASTANGAN kang bata ka! Sa dinami-dami ng makakarelasyon mo, ‘yun pang Aeta na ‘yun na mukhang walang pinag-aralan!”

            Kasalukuyan silang nasa salas ng kanilang bahay. Nakaupo si Diana sa sofa habang palakad-lakad naman ang ama niya habang kinakausap siya.

“Papa, mahal ko po si MJ. At hindi siya isang Aeta na walang pinag-aralan. May pangarap siya, may prinsipyo, at may dangal.” Di na mapigilan pa ni Diana ang mapaluha.

“Diana, hindi ka maaaring makipagrelasyon sa lalaking iyon. Naiintindihan mo ba ang agwat ng estado ninyo? At isa pa, sagabal ang tribo nila sa negosyo ko!” galit na wika ni Papa Danilo.

            “Papa, I’m really disappointed in you. Alang-alang lang sa negosyo mo ay ipagtatabuyan mo ang mga Aeta sa lupa nila. Pathetic!”

            Tumayo si Diana sa sofa upang layasan ang ama dahil sa labis na inis niya rito. Hindi pa man siya nakakalakad ng malayo ay nahawakan siya nito sa kanyang braso.

“Nagiging bastos ka na rin ngayon, Diana! Mula ngayon, binabawalan na kitang makipagkita sa lalaking iyon. Palagi na kitang isasama sa resort para mabantayan kita! Isa pa, mamadaliin ko ang pagpapalayas sa mga Aeta na ‘yun para tuluyan na kayong magkalayo!” mariing wika ni Papa Danilo. Pagkatapos ay marahas na binitiwan siya nito at umalis.

Nakaramdam nang matinding pangamba si Diana sa sinabi ng ama niya. Iniisip pa lang niya, wari ay hindi makakayanan ni Diana na mawalay kay MJ.

TULAD ng sinabi ni Papa Danilo, isinama si Diana ng kanyang ama sa resort. Maaaring maglakad-lakad si Diana sa paligid niyon pero binilinan ng kanyang ama ang mga gwardiya at tauhan na huwag na huwag siyang palalabasin. Mabuti na lang at isinama rin ni Tito Butch si Brenda nang araw na iyon sa restaurant. Dumalaw si Brenda sa resort at ikinuwento ni Diana rito ang banta ng ama sa madaliang pagpapalayas sa mga Aeta at ang pangamba niyang baka tuluyan na silang magkalayo ni MJ.

“I think we should talk to my dad. They are friends. Maybe Dad can help us para mapigilan ang Papa mo sa pagpapatayo ng resort,” suhestiyon ni Brenda pagkatapos nilang mag-usap. Kasalukuyan silang nasa cottege ng resort.

“Pero hindi ako pwedeng lumabas ng resort. Binilin ni Papa sa mga gwardiya.”

“Para saan pa at ipinanganak tayong magaganda?” nakangising wika ni Brenda.

Pinakausap nina Diana at Brenda ang gwardiyang nagbabantay sa resort na payagan siyang lumabas.

“Diyan lang naman ako sa katabing restaurant pupunta. Hindi ako lalayo,” sabi pa ni Diana.

Jobus at PulbosWhere stories live. Discover now