Chapter Ten

63 9 5
                                    

HINDI alam ni Brenda kung matutuwa ba siya o magagalit sa ibinalita sa kanya ng kanyang Tatay Butch na kapatid niya si MJ. Nakakaramdam siya ng galit dahil sinaktan nito ang kaibigan niyang si Diana.

“Brenda, hindi ka ba masaya at nalaman mong kapatid mo pala si MJ?” nagtatakang tanong ng ama niya.

“Dad, walang kaso sa akin na kapatid ko pala si MJ, pero sinaktan niya si Diana. Minahal siya nito, pero anong ginawa niya? Hiniwalayan niya ito at magpapakasal na ito sa ibang babae!” galit na wika ni Brenda.

Minabuti ni Brenda na huwag munang sabihin kay Diana ang rebelasyong ito nang nag-clubbing sila kinabukasan ng gabi. Alam niyang masakit pa rin para sa kaibigan na marinig man lang ni pangalan ni MJ.

MASAYANG nakipagsayawan at nakipag-inuman si Diana nang nag-club sila ni Brenda. Sawa na rin siya sa ilang linggong pagmumukmok kaya nahikayat siyang lumabas ni Brenda. Gusto niyang magpakalasing upang maibsan kahit paano ang sakit na dinulot ni MJ sa kanya.

“Girl, let’s party!” sigaw niya habang nagsasayaw sila.

Hindi nag-atubili si Diana na magpakasaya at magpakalasing nang gabing iyon. Si MJ ang una niyang minahal nang totoo pero sinaktan lang siya nito. Hindi lang alam ni MJ kung gaano ang sakit na dinulot nito sa kanya. Naisip ni Diana na sana ay hindi niya na lang ito nagawang mahalin upang hindi siya nakakaranas ngayon ng sakit na dulot ng pag-ibig. Sana ay di na lang niya ito nakilala kung iiwanan din pala siya nito.

Wala nga talagang forever.

“Wag kang magpapaka-emo ngayon, girl. Isipin mo na hindi mo siya kawalan,” masiglang wika ni Brenda upang pasayahin siya.

Maraming nagpakilalang mga lalaki kina Diana at Brenda. Halos mga guwapo at may maipagmamalaki ang mga ito. Ngunit wala sa mga lalaking iyon ang natipuhan ni Diana.

Napansin naman ni Brenda ang discontentment ni Diana.

“Diana, why that sad face? Ang dami-dami nang nagpapakilala sa’yo and yet, malungkot ka pa rin? Just look around, there are so many fishes in the sea,” ani Brenda.

Napabuntong-hininga siya sabay wika, “But I want a particular fish...” na ang tinutukoy ay si MJ.

“Mahal mo pa rin siya, ano?”

“Oo... mahal na mahal...” at nangilid ang mga luha niya.

Hindi alam ni Diana sa sarili na kahit sinaktan na siya ni MJ ay patuloy niya pa rin itong minamahal. May katiting pa kasing pag-asa sa puso niya na sakali man ay balikan siya ng dating nobyo.

“Makaka-move on ka rin sa kanya. As the popular saying goes, ‘Walang forever.’ Kaya hindi ka forever magmumukmok, okay? Darating din ang time,” masiglang payo sa kanya ni Brenda.

Sumipsip muli si Diana sa kanyang cocktail drink.

“Well, I think the time to move on is now...” wika ni Diana. Her words were now slurred.

May isa pang lalaking nagpakilala kay Diana. This time, she showed more interest with this guy than the previous ones. His name is Nathan. Tsinito ito at maputi... kabaligtaran ni MJ na moreno. Nagkapalagayan agad sila ng loob ni Nathan. Taliwas sa mga lalaking unang nagpakilala sa kanya kanina, walang ere o yabang si Nathan kung makipag-usap kaya nagustuhan niya ito agad.

Mayaman ang pamilya nito ngunit he doesn’t brag about that much. Nathan Pamintuan’s parents owned a chain of luxury hotels around the country. Diana and Nathan talked, drank, and danced all night till they dropped.

Ngayong gabi ay naging masaya si Diana nang hindi iniisip kung paano siya sinaktan ni MJ. And she sensed that she is feeling something more toward Nathan.

MADALAS na ang pagsasama nina MJ at Sarah. Nakatakda na ang kasal limang buwan mula ngayon. Pinilit ni MJ na maging masaya kapag kapiling si Sarah. Tuwing gabi, nakahiga silang pareho sa damuhan, pinagmamasdan ang mga bituin, at parehong nagpaplano kung ano ang gagawin nila kapag mag-asawa na sila.

            “Gusto ko, magkaroon tayo ng kahit apat na anak. Ikaw ba, MJ?” untag ni Sarah sa kanya.

Subalit hindi siya nakikinig. Ang kanyang gunita ay na kay Diana. Kahit na masaya siya sa piling ni Sarah ay di naman niya madama ang higit na kasiyahang nadarama ng puso niya noong kapiling pa ang dating kasintahan.

“MJ, nakikinig ka ba?” ani Sarah nang hindi siya sumagot.

“Ah, eh... Oo. Nakikinig ako. Ano nga pala ulit sinabi mo?”

“Ang sabi ko,” panimula ni Sarah. Ngunit hindi na naman nakatuon ang atensyon niya rito. Marahil ay napansin ni Sarah ang hindi niya pakikinig kaya sinabi na lang nito, “Wag na, di bale na lang. Umuwi na lang tayo.”

Pagkatapos ay madaling tumayo na sa damuhan si Sarah at naglakad na paalis. Saka lang napansin ni MJ na nakaalis na pala si Sarah kaya nagmadali siyang habulin ito.

NAGPUNTA sina Tatay Butch at Brenda sa Sitio Monicayo kinabukasan upang pagkitain ni Tatay Butch ang mga anak na sina MJ at Brenda. Magkakilala na ang mga ito ngunit gusto nito na magkita sila ngayong alam na nila na magkapatid na sila.

Naisip ni Brenda na kaya pala magaan ang loob niya noon kay MJ ay dahil magkadugo sila. Ngunit kung ano ang ikinagaan noon ng loob ni Brenda sa binata ay napalitan ng galit dahil sa ginawa nito kay Diana. Kahit na kapatid niya ito, di niya ito mapapatawad sa ginawa.

Hinayaan sila nina Tatay Butch at Aling Ruby na makapag-usap ng sarilinan. Kasalukuyan silang nasa likod-bahay.

“MJ, masaya ako na malaman na kapatid kita,” wika ni Brenda.

“Masaya rin ako, Brenda. Nakakagulat pero masaya,” sagot ni MJ.

“Pero hindi ako nasisiyahan sa ginawa mong pananakit kay Diana. Paano mong nagawa iyon sa kanya gayong minahal ka niya nang lubos? Niloko mo siya,” panunumbat niya rito.

“Brenda, hindi ko gustong saktan si Diana...”

“Pero sinaktan mo siya! Nakipaghiwalay ka sa kanya!”

“Hindi ko ginustong hiwalayan siya. Kung puwede ko lang sanang sabihin sa’yo kung bakit... pero nangako ako.”

“Hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin ang rason. Magpapakasal ka sa iba kaya mo iyon nagawa. Niloko mo si Diana! You disgust me!”

Napabuntong-hininga si MJ. “Brenda, hindi mo man ako paniwalaan pero sasabihin ko na rin sa’yo. Minahal ko si Diana... at hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya.”

“Pero ikakasal ka na sa iba.”

“Kailangan kong gawin ito para na rin sa ikabubuti namin. Kahit na magkalayo na kami at ikakasal na ko sa iba, siya pa rin ang mahal ko at ang tanging minahal ko.”

“MJ, galit pa rin ako sa’yo. At hindi muna kita matatawag na kuya dahil sa ginawa mo kay Diana.”

Nilisan ni Brenda ang kapatid. Nagpaalam na sila kina Aling Ruby at tumulak na ang kotse paalis ng Sitio Monicayo. Iniisip pa rin ni Brenda ang pinag-usapan nila ni MJ kanina. Tila may ayaw sabihin sa kanya ang binata. Napatingin siya sa entrance ng Sitio Monicayo. Napansin niya na wala na ang tarpaulin doon ng Dolores Paradise Resort.

“Dad, hindi na itutuloy ni Tito Danilo ang plano niyang pagtatayo ng resort dito?”

Umiling si Tatay Butch. “Hindi na, Brenda. Isa rin yun sa mga dahilan kung bakit nagkaayos na kami ng Tita Ruby mo ngayon. Nagtataka nga ako kung anong nakain ni Danilo at naisipan niyang huwag nang ituloy ang planong pagpapatayo ng resort,” wika ni Tatay Butch.

Bigla namang bumalik sa gunita ni Brenda ang sinabi sa kanya ni MJ kanina.

            “Hindi ko ginustong hiwalayan siya. Kung puwede ko lang sanang sabihin sa’yo kung bakit... pero nangako ako...”

Natigilan si Brenda. Wari ay may nakikita siyang koneksyon sa sinabi ni MJ at sa pagbabago ng isip ni Mr. Sandoval na huwag nang tayuan ng resort ang sitio.

Jobus at PulbosWhere stories live. Discover now