Chapter Five

74 8 1
                                    

VERY much in-love si Diana pagkagising niya isang umaga. Si MJ ang huling naisip niya bago siya matulog kagabi at ito rin ang unang nagunita niya pagdilat ng mga mata niya ngayong umaga. At sa palagay ni Diana, kahit na hindi sila araw-araw magkita ng nobyo, she will be more in love with him everyday.

“Sampung dekada na rin tayong di nagkikita,” malungkot na wika nito nang minsang nagkausap sila sa cell phone.

Napangiti si Diana. Naalala niya ang sinabi ni MJ na sa isang araw na hindi sila nagkikita ay katumbas iyon ng isang dekada ng pangungulila ng kanyang boyfriend sa kanya. Sampung araw na rin kasi silang hindi nagkikita.

“At least sa sampung dekada na hindi natin pagkikita, we grew to love each other more even we’re apart. I love you everyday, MJ,” tugon niya rito.

“I love you... even more,” madamdaming wika ni MJ na lalong ikinakilig ni Diana.

PAGKAKATAON naman ni Diana ngayon para sorpresahin ng dalaw si MJ. Pumunta siya gamit ang kanyang kotse sa Sitio Monicayo. Nadatnan niya si MJ na nakahubad at nagsisibak ng kahoy marahil ay para panggatong sa pagluluto.

“Wow, wala nang gift wrapper ang regalo ko,” pabirong wika ni Diana upang ipaalam ang presensya niya.

“Oh, Diana. Andito ka pala.” Bakas ang gulat at tuwa sa mukha ni MJ. Natawa rin ito sa sinabi nito tungkol sa gift wrapper joke nito.

Nang makita ni Diana ang labis na kasiyahan sa mukha ng nobyo, doon niya napagtanto kung gaano niya na-miss ang kasintahan. Parang may pagkakaunawaan sila at pareho silang tumakbo palapit sa isa’t-isa at buong pagkasabik na nagyakapan. Nag-uumapaw na kaligayahan ang nadama nila ngayong muli silang nasa piling ng isa’t-isa matapos ng matagal na pagkakawalay.

“Pasensya ka na, Diana... niyakap kita na basa ako ng pawis. Na-miss kita kasi talaga ng sobra,” wika ni MJ.

“Ayos lang yun, MJ. It makes you hotter naman,” pilyang wika ni Diana.

            Pagkatapos ay kumuha siya ng tuwalya na nakasampay sa malapit na sampayan at pinunasan ng pawis ang nobyo.

“Diana, wag na, nakakahiya naman sa’yo,” pagtanggi ng binata.

“Hayaan mo na ako. Pagod ka. Basa ka pa ng pawis. Hindi ko naman hahayaan na magkasakit ang boyfriend ko,” sabi niya habang pinupunasan ang pawis ng likod ni MJ.

“Ang sweet naman ng girlfriend ko,” wika ni MJ at hinawakan nito ang tungki ng ilong ni Diana.

“At ang hot naman ng boyfriend ko.”

“Kaya nga sa sobrang hot ko ‘eh nangitim ako ‘eh,” pabiro namang tugon ni MJ at sila’y nagtawanan.

Bigla ay nagkaroon ng ingay sa labas ng bahay nina MJ at parang nagkakagulo ang mga tao roon. Pagkatapos kumuha ng sando ni MJ mula sa sampayan at nasuot iyon, agad silang lumabas ni Diana para tignan ang kaganapan.

“SA AKIN na ang lupang kinatitirikan ng mga bahay ninyo kaya mabuti pang magsialis na kayo sa lalong madaling panahon,” wika ng isang lalaking unat sa mga Aeta. Naka-americana pa ang lalaki at halatang mayaman. Kasa-kasama ring ng lalaki ang ilan sa mga tauhan nito.

“Hindi niyo kami maaaring paalisin dito. Matagal na kaming nakatira rito!” sigaw ng tribal chieftain na si Roberto Sevilla.

“Tama ‘yon! Tama ‘yon!” pagsang-ayon ng ibang mga Aeta.

“Nakikita niyo ba ‘tong hawak ko?” At may ipinakitang papel ang lalaking unat. “Ito ang titulo na nagsasabing pag-aari ko na ang lupang ito. Kaya ako nandito ay upang sabihan kayo na magsialis na kayo rito at sa loob ng isang linggo ay babalik ako para ipa-demolish ang mga bahay niyo.”

“Sa aming mga Aeta ang lupain na ito. May Ancestral Domain Claim kaming pinanghahawakan,” sabi naman ni Aling Ruby. “Ipinagkaloob ito sa amin ng DENR kaya wala kayong karapatang palayasin kami rito,” dagdag pa nito.

Nagsisigawan ang mga Aeta laban sa mga unat na nagpapaalis sa kanila nang makarating doon sina Diana at MJ.

“Wala akong pakialam sa Ancestral Domain Claim ninyo. May nakausap na ako sa DENR para may umareglo nito. Wala kayong titulo, ako ang meron kaya magsilayas na kayo rito sa lalong madaling panahon!” galit nang wika ng unat na lalaki.

Sa puntong iyon, nagtatayo na ng isang malaking karatula ang mga tauhan ng lalaki na nakalagay ay “ON THIS SITE WILL RISE: DOLORES PARADISE RESORT.” Lalong lumakas ang sigaw ng protesta ng mga Aeta.

            Napatingin pareho sina Diana at MJ sa lalaki at nagulat si Diana nang makilala ang lalaking unat.

            Napagawi rin ng tingin ang lalaki sa direksyon nina Diana at MJ at bumakas sa mukha nito ang matinding pagkabigla at di-pagkapaniwala.

            “Diana....” usal ng lalaki.

“Papa...” sambit ni Diana.

Jobus at PulbosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon