Chapter Seven

66 8 2
                                    

DAHIL di makontak ni MJ si Diana sa cellphone nito, naisipan niyang puntahan ito. Nasabi ni Diana sa kanya minsan kung paano pumunta sa bahay nito. Hindi na siya nagpaalam sa nanay niya dahil batid niyang hindi siya papayagan nito. Dala ang isang flute, si MJ ay tumulak na pababa ng bundok.

Narating ni MJ ang gate ng village kung saan nakatira si Diana. Papasok sana siya nang bigla siyang harangin ng guard.

“Hijo, sino ang pupuntahan mo?” tanong nito sa kanya.

“Ah... eh... si Mr. Danilo Sandoval ho,” tugon niya.

“May ID ka ba?”

“Ah... eh, chief. Wala po akong ID eh. Pero may appointement po ako kaya sana ho payagan niyo na ako.”

“Naku, hijo, kung wala kang ID, mabuti pa ay umalis ka na lang. Harang ka sa daan at aksaya ka sa oras. Hala sige! Alis!” bulyaw ng guard.

Umupo si MJ sa waiting shed sa labas ng gate ng village at nagmuni-muni kung paano makikita si Diana. Nawalan siya ng kumpiyansa. Naghirap siyang bumaba ng bundok para lang makita si Diana ngunit isang matabang guard lang ang pipigil sa kanya. Hindi niya hahayaan na hindi sila magkita ng nobya dahil lang sa guard na ito.

Pero mukhang hindi nga talaga siya papapasukin ng guard. Exclusive village ito. Nawalan na siya ng pag-asa at nagbalak nang umuwi.

“MJ!”

Nilingon niya ang tumawag sa kanya. Nakasakay si Brenda sa kotse nito at nakangiti. Lumapit siya rito.

“Anong ginagawa mo rito?” usisa ni Brenda.

“Gusto kong makita si Diana. Kaya lang ayaw akong papasukin ng guard,” malungkot na wika niya.

“Tara, sumakay ka na at sabay nating puntahan si Diana. Dadalawin ko rin siya ngayon du’n.”

Nagpasalamat siya kay Brenda at sumakay sa passenger seat ng kotse.

Dinilaan ni MJ ang gwardiyang hindi nagpapasok sa kanya kanina habang tumutulak na ang sasakyan papasok ng village.

“Salamat at dumating ka.”

“Wala yun, MJ. Mabuti rin at nandito ka. Malungkot si Diana ngayon dahil grounded siya sa bahay nila. Pati cellphone, hindi siya pinapahawak ni Tito Danilo. At ako lang ang puwedeng dumalaw sa kanya. Siguradong matutuwa ‘yun pag nakita ka niya...”

            Habang bumibyahe sila, pansin ni MJ na patingin-tingin sa kanya si Brenda sa rearview mirror ng kotse nito. Tila ba may gusto itong sabihin sa kanya at hindi ito mapakali. Hinintay niya itong magsalita, pero hindi siya nito kinausap hanggang marating na nila ang bahay ni Diana.

MALUNGKOT na nakahiga si Diana sa kama. Dahil grounded, hindi na siya pinayagan ng kanyang ama na lumabas ng bahay nila. Naisip niya si MJ, marahil nag-aalala na ito. Wala siyang cell phone at hindi niya mako-contact ang nobyo. Sobra na siyang nangungulila rito.

Bigla na lang, may narinig siyang tumutugtog ng flute mula sa di-kalayuan. Nung una ay mahina lang kaya inisip ni Diana na baka imagination niya lang ang tunog dala ng sobrang pagka-miss kay MJ. Ngunit lumakas nang lumakas ang pagtugtog kaya napatayo siya at binuksan ang bintana upang silipin kung saan niya naririnig na nagmumula ang tugtog.

Agad na bumilis ang pintig ng puso niya nang makita sa labas si MJ na tumutugtog ng flute katabi si Brenda. Pinakilala ni Brenda si MJ na pinsan nito sa gwardiya ng bahay ni Diana para payagan silang pumasok at makausap siya. Nag-usap sila sa garden ng bahay kung saan may fountain na may angel sa gitna niyon.

Binabantayan sila ng isang kasambahay kaya hindi sila makapag-usap nang libre. Kaya may naisip na paraan si Diana.

“Uhm, Yaya Linda, pakigawa nga po kami ng maiinom at makakain,” utos ni Diana.

Jobus at PulbosWhere stories live. Discover now