Chapter Four

84 8 2
                                    

“SO PAANO mo ipapakilala si MJ sa Papa Danilo mo?” tanong ni Brenda kay Diana habang lulan sila ng coaster bus.

Natigilan siya sa tanong ng kaibigan at bumaha ng pag-aalala ang puso niya. Matanggap kaya ng kanyang ama si MJ bilang boyfriend niya? Batid niyang gusto ng kanyang ama na may sinasabi rin sa buhay ang maging kasintahan niya. Ngunit ni isa man sa mga nanligaw sa kanyang ka-estado nila ng buhay ay wala siyang natipuhan.

Until unexpectedly, MJ came to her life. Para bang biglang nagkaroon ng kahulugan ang dati’y isang walang kuwentang bagay kay Diana na tinatawag na “pag-ibig.”

“Hindi ko pa alam, Brenda. Saka na siguro pag handa na ako.”

“Paano kapag hindi niya kayo tanggap. Kapag hindi niya tanggap si MJ? Kaya mo ba siyang ipaglaban? Kaya niyo bang ipaglaban ang pag-ibig niyo?”

“Mahal namin ang isa’t-isa. At sapat na ang pagmamahalan namin para maging matatag kami,” sagot ni Diana.

“HOW’S your NSTP class, hija?” tanong ni Papa Danilo habang kumakain sila ng hapunang dalawa ni Diana.

“More than fine, Papa. Ang dami ko pong natutunan,” tugon ni Diana. Hindi na niya dinetalye pa sa Papa niya ang tungkol sa mga Aeta at ang pag-akyat nila ng bundok. Batid niyang walang pakialam rito ang ama niya. Ang pinaalam lang niya rito noon bago siya umalis ay magka-camping sila para sa NSTP class niya. At hindi na ito nagtanong pa.

Hindi sila naging masyadong malapit ng Papa Danilo niya. She regarded her father as a stern figure. Nang mamatay kasi ang Mama Dolor niya nung siya’y limang taong gulang dahil sa sakit na leukemia ay binuhos na ng ama niya ang halos lahat ng oras nito sa pagtatrabaho sa resort na pag-aari nila upang marahil ay malimot ang kalungkutan. But on the process, tila yata nalimutan ng kanyang Papa Danilo na may anak pa ito.

“Oo nga pala, Diana, I found an excellent location na puwede kong pagtayuan ng isang luxury resort. I will name it after your late mother,” kwento bigla ng ama niya.

Ikinabigla niya ang biglaang pagkukwento ng kanyang ama. Minsanan na lang sila nagkakasalo sa pagkain at kung magkasalo man sila ay hindi ito nagkukwento ng kung anuman, liban ngayon. So, Diana grabbed the chance to chat with her father. Minsanan lang mangyari ito at ayaw niya itong palampasin.

“Saan po’ng location ang sinasabi niyo, Pa?”

“It’s a mountain somewhere in Clark.”

Naalala bigla ni Diana si MJ at ang Sitio Monicayo. Nasa isang bundok din kasi ang sitio. Malamang ang tinutukoy ng Papa Danilo niya na location ay malapit lamang sa nasabing sitio.

“It’s an excellent location because you can get the panoramic view of Clark, Mount Arayat, and Mt. Pinatubo.  Naisip kong magpatayo ng resort doon dahil alam mo naman, hija, that Clark is an economic zone. All businesses there are not taxed by the government. And I think Clark will be a resort hub in the near future. May Fontana Resort na du’n. I want Dolores Paradise Resort to be the next luxury resort there. My resort will have an ambiance of a pure paradise,” paliwanag ni Papa Danilo.

“That’s great, Papa.”

Nabibilib talaga si Diana sa ama niya. His father has a good nose on resort business. Lahat ng resort business nito ay kumikita nang malaki.

“Diana, you know you’re my unica hija. When the time comes that I want to retire, gusto kong ma-instill sa’yo ang nakaatang na responsibilidad mo sa ating negosyo. I want your future to be secured and I want you to mind our resort business starting now. Isang taon na lang at gagraduate ka na... kayo ni Brenda,” wika ni Papa Danilo.

Jobus at PulbosWhere stories live. Discover now