Chapter Twelve

128 9 5
                                    

NAG-AALALA na si Diana kung bakit wala pa ang kaibigang si Brenda. Magsisimula na ang kasal niya pero wala pa rin ito. She wanted her bestfriend to be there when it happens.

Hindi siya makapaniwala na ikakasal na siya kay Nathan. Nang ipakilala niya ang lalaki sa ama niya, laking tuwa nito. Nakita ng ama niya ang oportunidad na maging business partners ang mga magulang ni Nathan dahil nagmamay-ari ang mga ito ng chains of hotels all over the country. At ang pagpapakasal nina Diana at Nathan ang magiging daan to seal the business partnership deal among their parents. Their parents planned a civil wedding for them in the resort. Saka na raw ang church wedding kapag pareho na silang graduate ng kolehiyo. Ang ama na ni Diana ang nagprisinta na gamitin ang resort for the wedding venue na sinang-ayunan naman ng mga magulang ni Nathan.

Nagsimula na ang seremonya. Nagsasalita na ang judge na nagkakasal sa kanila ngunit wala doon ang gunita ni Diana. Sa mga oras na iyon ay di pa rin niya nasisiguro kung tama bang ituloy pa ang kasalan nila ni Nathan. Within five months of their relationship, she found Nathan a good boyfriend, yet at the back of her mind, she feels that there is something missing. Pakiramdam niya ay may kulang.

Bigla na lang ay bumalik sa alaala niya si MJ. Matagal-tagal din na nawaglit sa isipan niya ang dating kasintahan. At sa pagbabalik nito sa kanyang alaala, unti-unting narinig at nadama niya ang malakas na pagtibok ng kanyang puso na huli niyang nadama noong kapiling niya pa ang binata.

“Diana, do you take Nathan as your lawful husband, and promise to be a faithful wife, in sickness and in health, for better or worse, till death do you part?” tanong ng judge.

Natigilan si Diana at napapaisip. ‘Yes’ and ‘No’ are the two shortest words and yet they are often the ones that require the most thought before they are spoken... tulad ngayon. Tiningnan siya ni Nathan na may bakas ng pag-aalinlangan. Naririnig na rin ni Diana na nagbubulungan na ang mga bisita.

“Diana...” untag ng judge na hinihintay na ang kanyang kasagutan.

“Ye—”

“Diana!” sigaw ng isang pamilyar na boses na kahit kailan ay di niya malilimutan.

Napalingon siya pati na rin ang ibang mga tao.

“MJ...” usal niya.

Unti-unting lumapit sina MJ at Brenda sa harapan papunta kay Diana. Hindi makapaniwala si Diana na kaharap niyang muli ngayon si MJ. Halo-halong emosyon ang gumulo bigla sa puso niya. Hindi niya alam ang gagawin o mararamdaman man lang, magagalit ba siya rito o yayakapin ito?

Ngunit malamang ay wala na sa choices niya ang yakapin ito dahil punung-puno ng pulbos si MJ sa buong katawan, mula ulo hanggang paa. Nakabahag pa ito na sa wari niya ay ang traditional na damit ng mga Aeta.

“Anong ginagawa mo rito?” nasambit ni Diana.

Sa pinakalikod ay nakita niya ang isang humahangos na guard. Marahil ay galing ito sa pagtakbo. Tumayo bigla si Papa Danilo mula sa kinauupuan nito sa harap na bakas ang galit sa mukha.

“Sir, pasensya na po. Sinubukan ko pong pigilan sila pero...” hinihingal na paliwanag ng guwardiya. Mahigpit kasi ang bilin ni Papa Danilo rito na huwag magpapapasok ng mga hindi imbitado ngunit nalusutan ito ni MJ.

“Inutil,” wika ni Papa Danilo. “Ano pang ginagawa mo? Dakpin ang lalaking iyan!” malakas na sabi ni Papa Danilo sabay turo kay MJ.

“Sandali lang po! Bago niyo ako paalisin, Mr. Sandoval, hayaan niyo po muna akong makapagpaliwanag kay Diana,” matatag na sabi ni MJ.

Nabalot ng katahimikan ang paligid. Ang mga tao ay nakamasid na sa kanila ni MJ.

“Diana, alam kong nagkamali ako at nasaktan kita sa ginawa kong pakikipaghiwalay sa’yo. Kaya nandito ako ngayon, humihingi ng tawad...”

Jobus at PulbosWhere stories live. Discover now