2 | Hana

213 20 8
                                    

• • •

Critic: Suzainie
Author: kitty_van_gogh

(((TITLE)))

Simple lang siya, at hindi siya gaanong catchy. But when I read the story, I slowly understood the meaning of Hana. Sa tingin ko ay kailangan mo lang i-connect itong title sa blurb. Para sa una pa lang ay magkaroon ng understanding ang readers sa kung ano ang meaning ng Hana. And para maging catchy sa kanila.

(((BLURB)))

Gaya nga ng sabi ko no'ng una ay hooking talaga ang blurb. I like this one.

(((BOOK COVER)))

I suggest to visit the Facebook page: Tate Graphics. Hindi ka magsisisi kapag nagpagawa ka sa kanila. Magagaling silang editor doon at talagang maganda ang quality ng book cover. Kung mapapansin mo iyong book cover ko sa Chasing Death, sila ang may gawa no'n.

Hindi ako kasing galing nila pero marunong naman ako. Plain ang book cover mo at hindi clear kung ano ang ini-emphasize mo. Kung iyong picture ba o iyong title. Medyo eye-catching kasi iyong font sa laki at style niya, pero plain lang siya at kaunti ang design so hindi siya masyadong nag-balance kasi plain din iyong picture. Search ka ng mga font combination ganyan at tsaka mga filter.

Pero okay siya kasi madaling makita. Ang book standard talaga is iyong madaling mababasa.

(((PROLOGUE)))


Sa tingin ko ay nalilito ka sa meaning ng Synopsis.

Synopsis is a short description of the contents of something such as film or book (Cambridge Dictionary).

Sa may Prologue, actually nalilito rin ako rito, but then what I know ay dito mo ise-set-up ang tone at theme. Maliban pa doon, ay ito rin ang magagamit mo para ma-hook mo ang reader mo sa story.

Well, hooking naman ang umpisa mo dahil sinimulan mo siya sa isang goddess at sa pagbubuhay nga ng lalaki. That's good. Alam mo kung bakit? Dahil binigyan mo ng madaming tanong iyong mga readers mo. By that, iisipin nila kung paano nila narating ang ganoong situation. Tapos sa Chapter 1 mo pa, medyo close sila, so medyo mas nagdadag ng thrill dahil nga sa relasyon nila.

My concern in this Prologue is that hindi ko siya naramdaman. Actually, in writing fantasy kailangan magaling ka sa pag-describe ng senses. Kasi hindi mo lang gusto na ipakita iyong nangyayari, pero gusto mo ring maramdaman nila.

Medyo redundant ang liwanag sa paragraph na ito. I'll give you an example:

"Nabalot ng puti ang paligid. Nang may aninong pumukaw ng kaniyang atensyon. Tila bumibilya ito kung saan nagmumula ang kakaibang liwanag. Tindig pa lamang ay mapapayuko na nito maging ang pinakamatayog na bundok. Pero hindi nagpatinag ang dalaga, sa halip ay nabuhayan pa siya ng pag-asa."

Alam mo ba na ganiyan din ako magsulat katulad mo? In my Chasing Death, inaabot ako ng dalawang oras sa pagsulat ng first draft, then 2 hours naman kapag editing. Sa first draft ko, ganiyan na ganiyan din ang pagsulat ko. Then, edit ko siya for 2 hours and the TA DA! Ganiyan na ang mangyayari. Kaya editing is the key lang sis. Play with words ka lang and use metaphors. Pero ingat ka rin doon, ah.

So, paano mo mabibigyan ng emosyon ang story mo? Ang gawin mo lang ay i-establish mo iyong setting. Maglagay ka ng details like, may chandelier ba? May golden staircase ba? May torch?

Wordsmith Lobby [CLOSED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt