4 | A Warrior's Despair

176 16 4
                                    

• • •

Critic: oliviaaatale8
Author: bimaia

PAMAGAT

Kakaiba ang pamagat at madaling makakuha ng atensyon. Lalo na sa mga mambabasa na mahilig sa action at adventure, magugustuhan nila ito.
* KEEP IT UP!

BOOK COVER

Tama yung kulay na ginamit sa cover. Kuhang-kuha niya yung genre ng kwento sa itsura pa lang nito. Kapansin-pansin lang ay yung pangalan mo di siya masyadong makita at sobrang thin ng font.

* Suggest lang ay lakihan mo lang ng konti yung font sa name mo kasi di siya masyadong makita sa book cover.

SYPNOSIS

Magaling ang flow. Ang tapang ng mga diyalogo talagang madadala ka sa mga eksena.

*Tuloy lang yung tamang paggamit ng mga salita. Maganda rin yung consistent yung bawat eksena tsaka wala masyadong fillers na ginamit.

LANGUAGE AND STRUCTURE

English ang language ng story at maayos ang pagkakagamit ng iisang lingguwahe. Yung hinangaan ko talaga ay naging consistent yung paggamit nito. May mga salita na mahihirap siyang inilagay at sa tingin ko ay mas makakatulong yun sa ibang mambabasa par lumawak yung vocubalary nila sa pagbabasa.

Sa istruktura ng kanyang nobela ay malinis. Yung mga naka-italic na diyalogo ay napansin kong mas nabigyan nito ng pansin ang magandang daloy ng mga pag-uusap.
Naging espisipiko ang manunulat sa pagpapahayag ng bawat eksena. Nilalagay talaga niya kung anong lugar na ang eksena at maganda yung paraan para di basta basta malito yung mga mambabasa.
*KEEP IT UP

BADGE: GOLD. Walang masyadong dapat baguhin.
Tuloy lang ang pagsulat! Mabuhay ka!

Note: To know what the badge signifies, please check the rules section.

• • •

Wordsmith Lobby [CLOSED]Where stories live. Discover now