16| Vampire's Endless War

96 6 0
                                    

•••

Critic: Suzainie
Author: SeekerWrites

Vampire’s Endless War
By SeekerWrites

       Minor edit lang naman ang need mo for your story. I like the flow. You give that question and answer thingy, may build-up din ng tension sa story mo. You stated their goal which is to win the suicide maze and protect Vinz the leader at all cost.

       When you give answer in your story – flashback – kung saan ine-explain ang nangyari sa buhay noon ni Theia. You give the reader some clue para masundan nila at maintindihan ang susunod na mangyayari sa story mo. By that I can say na maayos ang flow ng iyons story. Since you can correctly execute questions and answer naman.

       In your first chapter, I am amazed agad kay Theia. Sa pagiging manghuhula niya at pag-alam sa kamatayan ng mga tao sa mall. In that moment, you build so much expectation to your reader. Dahil na-amaze ako sa character ng story mo. Parang gusto ko mag-keep up at basahin ang mga susunod na mangyayari. Your character is one stop ahead, she has a wound (or a strength that she treat as a curse), a good belief and a weakness.

       Which means, that you are also good when it comes to characterization. Mayroon pang conflicting traits iyong grupo kaya mas lalong dumagdag iyong tension sa may story. The rules in your world also gives tension, pati na rin ang kanyang wound.

       Here are some things that I suggest to improve your story.

       First, show and tell. I want you to learn on how to evoke emotions in your story. Medyo madami kasi ang filter words mo like “naramdaman”, “nakita”, “pakiramdam”, and so on. This kind of words will slow down the pace of your story. Hangga’t maari paikli mo ang story mo. Ang word count per chapter rin nakakaapekto rin iyan sa pacing. Ang suggest ko ay bisitahin mo ang WriTip ko at basahin mo iyon Narration: Show and Tell. Copy-paste ko lang sa net iyon but that research is very helpful when it comes to showing the story.

       Example: From the prologue of Chasing Death.
       Tell: Kumidlat!
       Show: Gumuhit ang putting liwanag sa madilim na kalangitan.

       Second, figure of speech. Pansin ko kasi napapadalas ang pagsulat mo ng “Napangiti ako ng mapait”, “Matang malallim ang tingin”, “Napalitan ng isang takot ang kanyang ekspresyon”. Actually more on telling ang mga ganyan. Kaya search for figure of speech na puwede mong magamit para maihalintulad mo sa mga descriptions na iyan. Figure of Speech is also useful for evoking emotions. Search for emotional cues pala. Emotional cues. A facial expression, body movement, or tone of voice indicative of emotion.

       Third, Pacing. Mukhang alam mo naman na kinakailangang  focus lang sa character at plot, hinay-hinay lang sa settings. Pansin ko iyon sa story mo and its good na na-apply mo iyon. For the pacing, medyo bumabagal nga lang dahil sa filter words. Mahaba at umuulit ang paliwanag mo sa iisang bagay. Atsaka, I suggest you to read another chapter in my WriTip wherein I discussed Narration: Pacing. Mostly naman ng tips ko na mababasa mo ro’n ay searched sa internet atsaka galing sa mga kilalang author naman na.

       Fourth, technicalities. You need to learn about dialogue and action tag atsaka some filipino words.

       Ano nga ba ang dialogue tag? 
“Maganda si Suzainie,” bulong ko.
“Maganda si Suzainie!” hiyaw niya.
“Maganda si Suzainie,” sabi ni Wookie.
“Maganda si Suzainie?” tanong ko.

     Ang dialogue tag ay iyong: hiyaw, sabi, tanong, sigaw, hirit, biro, etc. Search ka lang sa net for more dialogue tag. But my understanding in here is ang dialogue tag ay kung paano nila sinasabi o inahayag iyong dialogue.

Basic formula for Dialogue Tag:

      “Dialogue,” (lower case first letter)
“Maganda ako,” (s)abi ko.

      “Dialogue(? !)” (lower case first letter)
“Maganda ako!” sigaw ko.
“Maganda ako?” pag-aalinlangan ko.

Kailan dapat gamitin ang dialouge tag?

     -Kapag hindi klaro iyong emosyon sa dialogue tag.
Hal:
“Hindi ko alam,” bulong niya.
“Hindi ko alam!” sigaw niya.
“Hindi ko alam,” natatawa niyang saad.

     -Kapag hindi sigurado kung sino ang nagsasalita.
Hal.
“Maganda si Suzainie.”Natahimik ang lahat sa kanyang rebelasyon.
“Paano mo naman iyan nasabi, Wookie?” saad ni James Reid.
“Iba talaga kapag tinamaan ng pag-ibig!” biro ni Daniel.

Ang action tag naman ay ang kilos. Ang katabi ng dialogue ay isang action.

“Maganda si Suzainie.” Tumayo si Wookie.
“Maganda si Suzainie.” Sinuklay ni Wookie ang kanyang buhok paitaas.

Basic formula for Action Tag:

      “Dialogue.” (upper case case first letter)
“Maganda si Suzainie.” Sinuklay ni Wookie ang kanyang buhok paitaas.

      “Dialogue(? !)” (upper case first letter)
“Maganda si Suzainie!” Tumayo si Wookie.
“Maganda si Suzainie?” Hinarap ako ni Wookie.

For more dialogue and action tag lesson, read Twelve Makabuluhan-kuno Writing Tops (Baguhan Edition) by pilosopotasya. For Technicalities lesson, read Writing Mistakes You’re Making by iumiumiumium. For narration, read Lucha’s Writing Guide cum Critique Shop by Lucha_Mia.

       Fifth, now let us talk about your story. This section ay kung ano ang mga nakita ko as a reader. I’m not satisfied sa may character ni Vinz. Para siyang asshole actually, at para siyang kuto na ang sarap tirisin. I mean, when you truly loved someone. Kahit na anong manyayari ay may care pa rin ang tao na iyon sa iyo. Well, I think you indeed have a good job kung ang plano mo talaga ay painisin kaming reader sa una sa ugali ni Vinz. Though, you show us kung sino siya noon which is good dahil kahit papaano ay naintidihan namin siya. Pero tip ko lang sa dulo ng story na pahirapan mo rin si Vinz when the time comes na kailangan niyang suyuin si Thea na huwag mawala sa kanya. Say for example ay iyong mga stoy ni RainbowColoredMind, iyong Ruthless Seduction niya. Hindi bas a first part ay parang kawawa si girl? And then sa dulo, biglang bumagligtad ang mundo at si guy naman ang kawawa. That’s because the hero and its love interest must be equal. Dapat ay kung gaano naghirap ang isa, dapat ganoon din naman iyong isa.

       Pansin ko rin pala sa story ang ilang mga bagay tulad ng si Thea ay hindi man sabihin ay poprotektahan niya si Vinz at protektahan siya at all cost. Sa mga sentences na ito you gave us an expectation na mamamatay si girl dahil sinubukan niyang iligtas si Vinz. If this is a foreshadowing or a clue. Then here is my tip. Siyempre I suggest you to read my WriTip about Mystery Thriller: Creating Suspense. Kung mapapansin mo ay nag-discuss ako about red-herring. If you think na nahuhulaan ng readers mo ang nangyayari. Go with the flow, make them assume and the bang! Plot twist! What they assume is not true and something bigger is going to happen. What I mean in here is kung iyong hula ko ay talaga nga clue o foreshadowing. Then, you should do something para magkaroon ng unique and intense plot twist ang story mo. I added cliffhanger lesson din pala doon sa Creating Suspense ko. Try mo ring gawin sa story mo.

       I enjoyed reading your story. Minsan ko na ring nagustuhan ang vampire genre. But then I find myself na mas mahal ko pala ang mga werewolves. At dahil nga sa magkatunggali ang vampire at werewolf ay hindi ako nadadayo sa genre na iyon. But then, nang basahin ko iyong story ay medyo bumata (iyong edad na paborito ko pa ang vampires) at nagustuhan ko talaga ang story mo.

       An avid fan of vampires will definitely read your story. Dahil maganda ang concept mo. The teamwork you’ve made at mukhang punung-puno pa ng backstories iyong mga extras. I’m pretty sure na sobrang nakakiyak ang story. Just makes sure pala na since gumawa ka ng own world mo. May rules ang magical world na iyon at never break it! Iyon kasi ang common mistake ng mga world builder, eh. But read Taste of Blood by KnightInBlack. Pansin mo sa story niya na kahit na sobrang gipit na iyong bida ay tuloy pa rin sila sa pag-ful fill ng kanilang mission. That’s my favorite vampire story, btw. Pati na rin iyong Change of Heart and Change of Blood ni Luna_King.

       Well, that would be all of my critic. Hope that this would help you to improve your story. Pasensya ka na kung hindi masyadong explained ang ginawa ko, and I only suggested you some lessons na puwede mong basahin. Kapag kasi napapansin kong may karaniwang nagkakamali na ang writer sa pagsusulat sa area na iyon. Kaysa paulit-ulit kong i-explain ay nilalagay ko na lang sa WriTip.

       Remember na hindi lahat ng suggestion ko ay applicable naman sa iyo. Learn to filter it. See what is needed and what is not. Though, everything I suggest to you ay based naman lahat sa research at sa natutunan ko.

       While editing, basahin mo ng malakas at paulit-ulit para makita mo kung awkward iyong pagkakasabi o hindi.

       Well, that’s all. Thank you for signing up and trusting your work to us.
  
•••

Badge: Silver

Note: To find out what the badges signify, kindly check the chapter intended for rules.

Wordsmith Lobby [CLOSED]Where stories live. Discover now