20| My Adorable Doctor

120 4 2
                                    

Critic: GGeraldinous
Author: jindoodle_fairy

SUGGESTIONS for your improvements: Dun ako nagfocus sa technicalities, emotion from the story and then sa plot.

1. Minimize the using of " ... " Gawin mo siyang isa lang or palitan mo ng comma.

Example: Parang bata.... naku.
Change this to
Parang bata. Naku! Namp*cha ka!
Or
Parang bata, naku!

Hindi formal for novel kasi ang appoarch kapag palagi kang gumagamit ng ...
And redundant rin ang paggamit mo ng punctuation marks. You can just use one (?) when character is asking and one (!) kapag sumisigaw para mas malinis tignan.

2. And when you write dialouges, gan'to approach niya:

"Doc, ayaw mo papigil eh," sumbong niya sa akin.

- lagyan mo ng comma then quotation mark ta's dialouge tag.

"Pakiayos ng papeles at lalabas na ako sa impiyernong ito!" utos niya.

-tama naman ang ginawa mo dito, just maintain spacing between dialouge and the action.

3. Capitalization and spacing:

"Doc naman, dito ka nalang po."nabigla ako....

Revise this to:

"Doc naman, dito ka na lang po." Nabigla ako...

Lagyan mo ng space after each dialouge. Capitalize first letter of first word after each sentence.

More Examples: "Oyy ayoko gumamit niyan!...maglalakad ako."umalis siya sa kama.

Revision: "Oy, ayoko gumamit niyan! Maglalakad na lang ako." Umalis siya sa kama...
Or
"Oy, ayoko gumamit niyan! Maglalakad na lang ako," umalis siya sa kama...

Example 2: "Oh!! Ang yabang kasi eh!"inalalayan ko siya paupo...

Revision: "Oh! Ang yabang kasi eh!" Inalalayan ko siya paupo...

4. Since medical profession kinuha mo para sa story, research ka ng mga bagay tungkol doon para iwas semplang. Remember that you are writing a literary piece and factual details are  proofs for the story's credibility. And para na rin may matutunan ang mga medical aspirant na gaya ko or para may makalap na impormasyon ang readers mo, not just from a mere opinion.

Example: This line,
"May emergency po, nasa operating room kailangan ng operahan, mag nakita pong tumor sa utak kaya kailangan maoperahan agad."

I think hindi minamadali ang operation ng tumor kagaya ng ginagawa sa mga aksidente. Nagra-rundown testing atah sila para ma-study ang development ng tumor sa utak bago gumawa ng consent for operation.

5. Elaborate mo feelings ni Joycel. I mean sa Chapter 4, nag I love you siya kay Josh. Mas maganda kung sa previous chapters ay mas naipakita ni doc yung feelings sa guy para masupport ang stand. Tapos damihan mo yung perspective ni Joy since siya ang may ari ng point of view para hindi lang namin binabase sa dialouges yung feelings niya.

Halimbawa:

"Yan yung doctor na may tumor diba."
"Gwapo sana pero baka biglang mawala."
Di ko na pigilang komprontahin sila.
"Ano ba, wala na ba kayong magawa sa buhay."

Revision: "'Yan yung doctor na may tumor diba."

"Gwapo sana pero baka biglang mawala."

Natigilan ako. Tama sila. Kahit ano'ng iwas ko sa katotohanan, may posibilidad na mawala nga si Josh sa akin. At ang isipin pa lang ang posibilidad na iyon, nakakatakot. Nakakatakot din pala.

Wordsmith Lobby [CLOSED]Where stories live. Discover now