13| Class Hero

43 3 1
                                    

Critic: SuperBlueSpy
Author: yloryob

Class hero by yloryob

Pangungunahan na kita, I'm not pro at critisizing story. Inaaply ko lang ang mga natutunan ko at nalalaman ko. Kapag nagsusulat ka ng description or prologue iwasan ang maraming tanong. Okay na siguro ang dalawa or tatlo. Sa chapter 1 ay hindi dapat ikaw ang magpakilala sa characters mo sa iyong mga readers. Hayaan mong makilala sila ng readers sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya ng ibang character ganun.

I suggest na maglagay ka ng character sa part ng story mo. Yun bang mga artista na tagaportray ng roles sa character mo. Kasi kung ganyan na madami kang characters ay nakakalito talaga kaya suggest ko 'yan. At kung gusto mo lagyan ng slight description ang mga cast mo okay lang.

Kapag tumawa ang isang character mo ay mas mabuting idescribe mo na lang ito kaysa idialogue mo pa. For example, Tumawa ang mga ito na parang natauhan. Napatawa na lang din ako at maging ang aking mga kaklase. Kaysa, "ahh, hahaha," tawa ng mga ito na parang natauhan. Napatawa na lang din ako at maging ang aking mga kaklase.

Be specific. Sa chapter 2 mo nakalilito kung ano nga ba ang hinahanap nila kasi baka sinabi mo na nung una pero yung mga ibang readers kasi ay hindi makagets kaagad kaya idescribe mo kung ano man ang hinahanap nila.

Maayos naman ang pagkakadescribe mo sa mga pangyayari, lugar at bagay-bagay. Napansin ko rin na may mga mangilan-ngilan kang typos. Bago kasi mapublish ang isang part ng story ay babasahin at i-e-edit pa 'yan ng maraming beses para siguradong wala talagang typos at wrong grammar rito.

Kapag inaasahan mong maraming POV sa isang chapter ay mas mabuting gawin mo na lang third person's POV kasi minsan kasi nalilito rin ang mga readers diyan.

Ako kasi kapag nag-cri-critique ay madetalye hindi yung general.

Ang plot mo ay hindi ordinaryong nababasa dito sa wattpad. Para bang 'yung mga napapanood na movies. For your story as a fantasy, me as your reader. May konting excite kung ano bang susunod na mangyayari ganyan, ganyan. Dapat sa bawat pag-end mo ng isang chapter ay parang may cliff hanger dito. Na para bang mapapatanong sila kung bakit ganun at mas subaybayan pa nila ang susunod na chapter.

Ang isang technique kung pano ka mag-improve sa pagsusulat ay magbasa ka ng iba't-ibang genre ng story and from different authors para malaman mo din ang mga iba't-ibang paraan ng pagsusulat. Tutal first story mo pa naman 'yan so there's still room for improvement. Saka para maaply mo yun at mapractice ay try mo lang magsulat ng magsulat ng mga stories. Pansin mo rin na mas mag-iimprove ang pagsusulat mo sa mga susunod mong kwento compared sa nauna mong story. Mas stable na ang plot at ang characterization mo.

Keep writing! Aja! Aja! Aja!

Badge: Silver

Note: To find out what the badges signify, kindly check the chapter intended for rules.

Wordsmith Lobby [CLOSED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant