6 | Magic Academy: The Lost Princess of Urnea Kingdom

217 11 26
                                    

• • •

Critic: MVCabusas
Author: mitsuki_hoshimiya

Before you start reading this, gusto ko munang sabihin na hindi ako professional pero confident ako sa lahat ng mga sinabi ko. Sana makatulong ito sa’yo. Tandaan: “Knowing our weakness will become our strength.” Halos maging perpektong tao na siguro tayo kapag lahat ng weakness natin ay pinagtuuan ng pansin at inayos natin. But still, we have emotions na mahirap makontrol kung minsan na nagbibigay sa atin ng imperfectionist.

[] Title, Blurb and Book Cover

-Yung title, na "Magic Academy," masyado nang maraming gumamit nito. Kapag naman pinalitan mo yung word na "Magic" sa pangalan ng school, same pa rin. Isama pa yung "Lost Princess" kung saan masyado na ring maraming gumagamit ng mga ganito na "Long Lost Princess" o yung may mga nawawalang mga Royale blood. Dahil marami nang gumagamit ng ganitong title, inaasahan na kaagad ang plot nito.

-Ako rin sa part ko as a normal people, gusto ko rin sanang gumawa ng ganitong plot dahil parang hindi ako kuntento sa mga nabasa ko tulad ng "Charm Academy," at mga iba't ibang klase ng academy at yung may mahinang bida sa una na siya pala ang pinaka malakas. Pero ang maisusuggest ko, "what if ikaw pala ang kauna-unang tao na makakagawa ng isang plot na madami ang maiinspired at kokopya?" Pero kung ang pagsusulat ay mas nangingibabaw ang "libangan" kaysa sa "pagpapasikat" (siyempre madaming gustong maging published author at para kasi sa akin, mas nakakainspire magsulat kapag madaming nag-aabang ng kwento), bawiin mo na lang sa writing execution at twist na "kung paano mo iibahin ang gasgas na tipo ng kwento na ito, sa iba."

-Sa bookcover naman, maaaring temporary pa lang ito pero suggest ko na, kung wala ka pa masyadong oras para isipin ang nilalaman ng bookcover ay gumawa ka muna ng simple pero nakasaan ang teorya ng kulay at hindi nakalandscape yung larawan. Hindi mabasa ng malinaw ang mga letra at hindi akma ang kulay. At hindi rin maganda ang kalidad ng larawan. Siguro lumalabo ito dahil sa mababang kalidad ng pagexport sa editing apps na ginamit or yung mismong dinownload na mga larawan ang may mababang megapixel.

-Sa Blurb naman, gasgas na rin pakinggan.

[] Plot

-Ito nanaman si INTJ/INTP type of person - Cold guy.

-Gusto ko yung mga elements mo or the magic system. Kasi lagi kong naeencounter ay apat lang, ang boring. And bago sa akin yung "Rhythm" element and ok lang ba na hiramin ko yung "Rhytm element" sa Magic system ko? Hihihi.

-Nakikita ko na systematic ka sa mga ibang bagay. Mahilig ka rin magbuo ng magic system so ang tingin ko ay ang kailangan mo na lang ay magandang plot. Sa rules ng magic ay mabubuhay ka na. And padagdag din pala ng realistic rules.

-At masyado namang perfect yung nga character. Nawawala na yung balance na sana matagal na nilang natalo yung kalaban. And kung super lakas ng kalaban, edi sana matagal nang giba ang Academy.

-Hindi nakakaganda ng istorya na masyadong malakas, maganda at perpekto ang character. SIguro, nangangarap ka ng ganoog buhay at dito mo lang naitutupad pero what if itulad mo sya sa mahirap na buhay na iyong pinagdadaanan, then litle by litle niya matutupad ang kanilang pangarap/iyong pangrap. Mas worthy iyong pinaghirapan mo muna ang mga bagay bago mo ito nakamtam at nagsucceess. Hindi rin maganda na sobrang predictable ng iyong plot. Actually, nagkamali din pala ako ng predictions dahil ang over power pala ng bida which is not the majority's interest.

[] Scene execution

Chapter 2:

-What? Ganun lang kadali ang mga pangyayari? I know this is fantasy pero hindi naman pwedeng basta-basta na lang siya umalis. Paano yung nag-adopt sa kaniya? Paano yung mansion niya? Parang memes lang yung nangyayari na agad lang pumuntang portal na hindi muna inisp ang mga bagay? Hindi rin naman accident. Atsaka ilan taon ba siya noon? Hindi naman pwedeng 16 below kasi paano magiging paid model kung walang hinaharap XD.

Wordsmith Lobby [CLOSED]Where stories live. Discover now