12| Vexa

63 4 11
                                    

Critic:
Author: enirose19

Hello Enirose. Thank you for trusting us. I hope na makatulong ang critique ko sa story mo. 😊

TITLE: Maganda ang title na “Vexa”. Short and simple pero astig at may dating sa mambabasa.

DESCRIPTION

Nakaka-hook ang description mo. This is a good job for me. Sa description pa lang ay pinakilala na kung sino si Vexa. She is 17 years old, batang-bata pa ang edad niya but kinaya niyang pumatay ng mga tao. Noong binasa ko ito, napaisip ako agad kung bakit? Bakit pumapatay siya? Sa edad niyang iyon ay nagawa niya na ang mga bagay na ‘yon.

PROLOGUE

I like how you used the monologue in your Prologue, nag-expect ako ng ‘patayan scene’ or ‘bloody scene’ dahil sa description. Sa Prologue mo ay nasabi ni Vexa ang dahilan niya kung bakit siya pumapatay. Dahil gusto niyang mabawasan ang mga kriminal sa mundo.

Napaka-importante ng Prologue sa story natin dahil once na na-hook ang readers sa Prologue pa lang ay mas malaki ang tendency na ipagpatuloy nila ang pagbabasa. Mayroon din tayong dapat tandaan sa paggawa ng Prologue, depende sa genre na mayroon tayo. Halimbawa, kung ang genre mo ay Erotic Romance, puwede kang maglagay ng scene na love-making basta connected sa story. Kung action naman, puwede kang maglagay ng fighting scenes. Kung sa palagay mo na catchy iyon, why not?

Sa Prologue rin kasi natin tayo huhugot ng emosyon o driving force sa character natin. Like for example, sa Prologue ay pinakita mo ang eksena kung saan maraming mga taong pinapatay, maraming taong ginagawan ng masama o mga biktima. Kapag naipakita mo ‘yon sa Prologue pa lang, puwede mo iyong gamitin sa susunod na Chapters. Halimbawa sa Chapter 1, naging Killer ang character dahil gusto niyang mabawasan ang mga masasamang tao sa mundo para wala ng magdusa. Ang naging eksena sa Prologue ang naging driving force niya kung bakit niya ginagawa ang pagpatay.

Katulad ng sa NO TITLE ko although hindi ako naglalagay ng Prologue haha. Pinakita ko sa simula ang eksena kung paano pinatay ang pamilya ni Dale, tapos pinakita ko sa next chapters ko ang naging resulta noon. Nagsanay si Dale at nagpalakas. Ginawa niya iyon dahil gusto niyang maghiganti. Iyon ang ‘driving force’ niya.

Prologue can be a past event na malaki ang impact sa present story. Puwede ring future event as a result of present decision. Depende sa author kung ano ang style niya. May iba nga na kumukuha ng exciting scene sa gitna ng story and naging effective ‘yon para ma-curious ang readers.

Prologue can also help us to understand our character. Bakit siya naging gano’n? Bakit siya pumapatay? Bakit siya nagpalakas? Bakit gustong-gusto niyang maghiganti? Bakit naging loner siya. Bakit lumalayo siya sa tao? Doon pa lang ay makukuha na natin ang readers. Meaning magkakaroon sila ng simpatya sa character natin. “Ahh, kaya pala naging masama siya dahil sa naranasan niya.”

CHARACTER

Vexa- Intelligent and skillful. Magaling siya knowing na 17 years old pa lang siya. Para sa akin, wala namang kaso ang edad niya sa pagiging psychopath niya. In reality naman, may mas mga bata pa sa 17 years old ang nakakapatay. Age doesn’t matter as long as she has a deep and acceptable reason in killing people. Reasonable naman ang intensyon niya. Pumapatay siya dahil gusto niyang mabawasan ang masasamang tao. Also, hinahanap-hanap iyon ng katawan niya. Naalala ko ang “Death Note”.

Pumapatay si Light using the notebook dahil sa desire niyang linisin ang mundo.
Suggestion ko lang ito. Depende pa rin sa ’yo kung ilalagay mo. Puwede ka ring maglagay ng mas malalim pa na dahilan kung bakit siya pumapatay. Puwede mong i-include sa story mo na dati pala siyang naging biktima ng masamang tao like naabuso siya kaya nagkaroon siya ng desire na pumatay, pinatay ang isang member ng pamilya niya noong bata pa siya o kaya naman noong bata pa siya ay napunta siya sa isang lugar na puro karahasan/patayan ang nasasaksihan niya, iyon ang nag-influenced sa kaniya. I know and understand the desire and goal of Vexa but I want to feel it more. Pero depende pa rin iyon sa’yo. 😊

Pero nabasa ko na sinasaktan ng daddy ni Vexa ang kaniyang mommy noong 3 years old pa lang siya. Puwedeng iyon ang naging dahilan kung bakit naging ‘psycho’ si Vexa. 😊 Kung tama ako? Emphasis na lang siguro. 😊
Ano-ano pa ba ang nangyari sa kaniya sa past? Puwede mo iyong idagdag sa story.
Zinc- Serious, cool and intelligent. Nang malaman niya na si Vexa ang tinatawag na “Highschool Butcher” akala ko magsusumbong ito pero instead na magsumbong ay tinulungan niya si Vexa. Napaisip din ako kung bakit? Then I feel satisfied nang sabihin nito na pareho lang pala sila ni Vexa. They hated those bad people. Also, na-surprised din ako nang malaman ko na nakapatay na rin pala si Zinc. Magandang opportunity kay Vexa ang maging kakampi si Zinc dahil magagamit niya ang posisyon ni Zinc sa layunin niya. 😊

Mommy ni Vexa- Protective Mother. Mahal niya si Vexa at nag-aalala siya para sa anak. Pinapayagan niya ang anak na pumatay pero gusto ko pang malaman ang iba pa nitong side. Tino-tolerate niya ba ang anak dahil may mangyayaring masama kung pagbabawalan niya si Vexa? Dahil ba sa sobrang pagmamahal niya sa anak? May past event ba na muntik mamatay si Vexa kaya sa huli ay nag-decide siya na hayaan na lang ang anak. Curious ako sa iniisip na mama niya. Gusto kong ma-satisfy ang curiousity ko hihihi. 😊

TECHNICALITIES

Kaunti lang naman ang napansin ko hehe, nag-focus kasi ako sa mismong story. Pero sige ilalagay ko pa rin. Alam ko na alam mo na rin ang iba kaya ‘di ko na isasama. 😊
• Lumakad ang aking Ina―it should be “Lumakad ang aking ina.”
Gumagamit tayo ng capital letter bilang pamalit sa tiyak na pangalan, bilang pantawag o pangaraw-araw na tawag.

P

agkumparahin
Kinuha ni Ina ang baso.
Siya ang ina ko.

Napagalitan ako ni Ama.
Ang ama ni Lito ang tumulong sa akin.

Nakakainis si Ate.
Maganda ang ate niya.

Palaging ginagabi ng uwi si Papa.
Palaging ginagabi ng uwi ang aking papa.

Si Daddy talaga!
Ang daddy niya ang nakakita sa amin.

• Since maraming basurahan sa ilog―it should be “Since maraming basura sa ilog”

• Kinabukasan, nagising ako sa tawag ng aking cellphone―Rephrase this one. Nagising ba siya sa tumatawag na cellphone o sa tumatawag sa cellphone?

• Paggamit ng dito, rito, doon, roon ― d kapag nagtatapos ang sinusundang salita sa katinig (b, k, d…maliban sa w and y) r kapag nagtatapos ang sinusundang salita sa patinig (a, e, I, o, u at sa malapatinig na w at y).

• ala-ala ― it should be “alaala”.

• Maya-maya ― it should “Mayamaya”. Maya-maya ay isang uri ng isda.

O

VERALL

Gustong-gusto ko ang story mo. Gusto ko si Vexa. Ang ganda ng takbo ng story. I like the idea. Isang babae na pumapatay because of her own desire. Pumasok ang ‘Wrong things for right reason’. Maganda ang layunin niya na ma-eliminate ang mga criminal pero wrong action ang ginawa niya. Maganda rin ang magiging tandem nina Vexa at Zinc, para naman hindi nag-iisa si Vexa, mayroon na siyang matatawag na ‘partner in crime’. Then ‘yong pag-include mo ng drugs sa story ay napapanahon. Good job for that!
Keep it up! Ang ganda ng story mo. You have your own voice and you have your own way of narrating. Again, thank you sa pagtitiwala sa amin. God bless sa story mo. Patuloy ko itong susuportahan 😊



Badge: Gold

Note: To find out what the badges signify, kindly check the chapter intended for rules.

Wordsmith Lobby [CLOSED]Where stories live. Discover now