17| Dāku University or the Secret of the Campus Nerd

76 4 2
                                    

Critic: oliviaaatale8
Author: purple_snowball

The Secret of Campus Nerd
By. Purple_Snowball

PAMAGAT

Napansin ko kaagad na medyo clichè yung pamagat. Madalas ko na kasing marinig yung "CAMPUS NERD" sa mga kwento sa Wattpad siguro kahit mayroong ibang twist sa loob ng story yung novel iisipin ko kaagad na clichè din yung kwento na baka parehas lang din sa ibang storya sa Wattpad.

* Siguro sa susunod, kung mag-iisip tayo ng pamagat. Gawin natin itong kakaiba o iba sa pandinig ng tao. Gamit tayo ng mga salita na hindi natin lagi naririnig pero iisa lang naman ang kahulugan.

TAUHAN

Nagalingan ako sa pagpapakilala mo sa mga tauhan. Pagkatapos ng prologue ay may isang kabanata doon na para lang sa mga tauhan.

Nagustuhan ko yung desciption lalo na kay Prince Samuel tsaka kay Prince Kenji. Talagang pinagplanuhan yung bawat pangalan ng tauhan tsaka yung ambag nila sa kwento.

*Siguro sa susunod, huwag mo masyadong i-spill out yung meron sa characters. I-describe mo sila kung anong itsura nila and that's it. Siguro hayaan mo na lang na sila yung makatuklas kung sino yung tatay ni Princess ganito o bestfriend ng katauhang ito.

BOOK COVER

Base sa Anime character 'yung nasa book cover mo. Maganda 'yung background t'saka yung pagkakalapat ng character doon. Napansin ko lang na medyo hindi makita yung name mo sa baba, maganda siguro na ayusin yun para mas maging appealing yung cover.

*Try to use light shades of font and enlarge the size also. Mas makakatulong to para mas mapansin 'yung book cover mo.

GRAMMAR AND SPELLING

Napansin ko lang na 'yung ibang spelling mali tsaka may mga redundancy sa mga salitang ginamit.

Katulad nito: awtomatiko na itong lumamig at pag lumamig na...

*Gamit tayo ng ibang salita na may parehong meaning kasi mas better yun para mapalawak yung vocabulary. Sa mga maling spelling, madali lang naman itong ayusin siguro maglaan ka ng time to edit the story para maayos mo yung mga mali ang spelling and yung mga dapat pang baguhin.

SYPNOPSIS

*Yung plot ng story is medyo clichè talaga siya to be honest pero hindi ibig sabihin noon na pangit yung buong kwento mo.

*Magdagdag ka pa ng mag secrets na talagang maituturing na pasabog ng kwento mo. Yunt consistency ng story mo ayun gandahan mo din yung flow try to discover some scenes na sa tingin mo is sa story mo palang talaga siya mababasa.

DIALOGUE

Dito wala akong masyadong problema. Maayos naman ang pagkakasulat ng mga diyalogo ng mga tauhan at madali silang maintindihan kahit yung mga emosyon talagang sa letra pa lang mararamdaman mo na agad.

KEEP IT UP!

LANGUAGE and STRUCTURE

Bilingual ang language na ginamit ng awtor sa pagsulat. Dito lang napansin ko na minsan napaghahalo yung salitang Ingles tsaka Filipino.

*Suggest ko na pag gumamit ka ng Ingles tapusin mo yung pangungusap na Ingles tapos saka ka na lang magdugtong ng Filipino sa panibagong pangungusap.

*Sa istruktura, hindi siya maduming tingnan. Mahahaba ang bawat talataan. Wala akong nakitang mga symbols na nagpapadumi sa pagsulat.

CONCLUSION:
SILVER yung ibibigay ko sa kanya. Hindi naman niya kailangan i-revise yung kwento niya. Konting edit lang dahil sa mga wrong spelling na mapapansin mo sa unang kabanata pa lang.

Goodluck sayo! Keep writing!

Badge: Silver

Note: To find out what the badges signify, kindly check the chapter intended for rules.

Wordsmith Lobby [CLOSED]Where stories live. Discover now