Chapter 5

220 30 3
                                    


Chapter 5

Nagising ako dahil sa tunog ng notifications mula sa phone ko. First thing in the morning ay message agad ng gumdrops ang sumalubong sa 'kin—sinali na kasi nila ako sa group chat nila.

Medyo mahaba-haba ang pinag-usapan nila sa gc kaya ay nagback-read muna ako.

Gumdrops

Spencer the pogi:
andito na ako sa coffeeshop
asan na kayo?

Rhai-rhai:
nasa bahay pa

Alas:
otw na

King Keios:
utot mo Alas
baka otw sa c.r.

Spencer the pogi:
change mo nga nickname mo Keios

King Keios:
bakit may problema ba sa nickname ko?

Spencer the pogi:
Kingkong kasi pagbasa ko sa nickname mo

King Keios:
humanda ka sa 'kin mamayaaaa!

Spencer the pogi:
aw wild
gusto ko 'yan boss

PiaTtos:
Keep enduring. Keep fighting. What looks like 'pain' is actually a step forward to a 'greater joy' that is coming. (Romans 8:18)

Alas:
manahimik kayo andyan na si Pia

Rhai-rhai:
ilag Spencer baka masunog ka

A smile escaped from my lips, nakakatuwa naman sila. Medyo nahihiya pa akong mag-chat sa kanila kaya ay nag-seen na lang ako.

Agad akong naligo dahil may usapan kami ng gumdrops ngayon. Ngayon kasi namin gagawin ang first day ng "operation" kuno namin.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin, ang alam ko lang ay gusto kong mag-enjoy sa araw na 'to. Kasi nga ay mabilis ang takbo ng oras, pagdating ng pasukan ay baka hindi na kami magkita. For sure, magiging busy sila sa school at ako naman ay mabubulok lang dito sa bahay.

After taking a bath ay agad akong nagbihis. I just chose to wear a black velvet dress, mas comfortable kasi ako magsuot ng dress, hindi 'yong above the knee dress, pero 'yong mga long dress na hanggang paa.

Sunod-sunod na notification ang lumabas sa phone ko, tadtad na naman ang message mula sa gumdrops.

Gumdrops

Spencer the pogi:
@Lyra Adeline Celestia
ikaw na lang ang kulang
kumpleto na kami

Alas:
hoy wala pa ako!

Spencer the pogi:
kasali ka pala sa 'min?

Rhai-rhai:
grabe Alas, kanina ka pa on the way
sa'n ba bahay n'yo?
sa pluto?

King Keios:
@Lyra Adeline Celestia

Agad akong napatigil dahil minention ako ni Keios.

Shems, bakit ba bumibilis ang tibok ng puso ko pagdating sa kan'ya?

Rhai-rhai:
@Lyra Adeline Celestia darating ka pa ba?

Lyra:
Just wait for me guys.
I'll eat breakfast first.

Agad akong bumaba at nakita ko si Aunt Sally na kumakain ng breakfast.

“Aunt Sally, sasama ako sa coffeeshop ngayon.”

Napatingin s'ya sa 'kin saglit bago s'ya tumango. Hindi na s'ya nagtanong ng kung ano-ano pa at nagpatuloy lang s'ya sa pagkain.

After eating ay agad na kaming pumunta sa coffeeshop. Nang makarating kami sa tapat ng cafè ay agad akong lumabas sa sasakyan at dumiretso sa second floor.

Sky Full Of StarsWhere stories live. Discover now