Chapter 14

161 27 0
                                    


Chapter 14

Another day passed by and as usual ay Rapunzel na naman ang peg ko dito sa loob ng k'warto. It's 2:00 p.m. already at natapos ko nang mapanood ang isang series at dalawang movie, napaka-unproductive ng araw ko ngayon.

Kanina pa ako naghihintay ng message mula sa Gumdrops, hoping na sana man lang ay bigla nilang maisipan na gumala ngayon. We could do another adventure for today, but super tahimik ng gc. I bet they're taking a rest kasi sunod-sunod ang mga gala na ginawa namin.

I heaved a deep sigh at niligpit na lang ang gamit sa study table ko, my things are messy and so am I, super messy. While in the middle of arranging my stuffs ay biglang tumunog ang phone ko which is nasa bed ko kaya ay napatalon ako pabalik sa kama.

I hope this one is a good message. Sana naisipan na nilang gumala.

I opened my phone only to see a message from Alas, why would he message me?

Alastaire Jasper Enriquez

Alastaire:
pssttt
Lyraaaa
baba ka
bikis
bilis*

Lyra:
why?

Alastaire:
no more questions
andito ako sa labas ng bahay n'yo

Kahit naka-pajamas pa ako ay agad akong lumabas ng bahay, at nang makalabas na ako ay nakita ko si Alas and his bike.

"What are you doing here?" I asked out of curiosity.

"You sound so rude," sabi n'ya at nag-pout pa.

I just rolled my eyes at him, "Well, I didn't mean to be rude. So, why are you here?"

"I'm here because I'm not there?"

Galing, the most nonsense answer I've ever heard.

"Bahala ka d'yan." Papasok na sana ako ulit sa bahay namin pero agad n'ya akong pinigilan.

"Come with me," sabi n'ya habang mahigpit na hinawakan ang braso ko.

"Kidnap ba 'to?" I asked which made him laugh.

"Ang gwapo ko namang kidnapper," sabi n'ya at kumindat pa. Grabeng self-confidence, Spencer the second ata 'tong si Alas.

"Seriously ano nga ba ang ginagawa mo dito?"

"Basta, come with me."

I crossed my arms and I looked at him, "Come with you? Saan naman?"

"Come with me and you'll be in a world of pure imaginations," sagot n'ya and he answered me in a sing-song way.

"What?"

Pinitik n'ya ang noo ko at hinila n'ya ako papalapit sa bike n'ya.

"Sakay na," he said pointing sa backseat ng bike n'ya.

"Seriously?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Wait, aalis tayo tapos naka-pajama pa ako? Teka lang, magbibihis muna ako!" I protested.

"Sakay na, eh ano naman kung naka-pajama ka? Baka mamaya 'pag nagbihis ka hindi ka na bumaba ulit."

Aba, may trust issues din pala ang isang 'to, mukha ba akong scammer?

Sky Full Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon