Chapter 7

168 30 1
                                    


Chapter 7

First thing in the morning ay mukha agad ni Aunt Sally ang bumungad sa 'kin.

“Good morning,” I greeted her, but she didn't greet me back.

Oo nga pala, late na akong umuwi kagabi.

“I'm sorry,” tanging wika ko na lamang.

I can notice that Aunt Sally's face is confused.

“Why are you saying sorry?”

“Kasi late na akong umuwi kagabi.”

“Oh? I didn't notice late na rin kasi akong nakauwi kagabi, but when I checked you sa room mo ay natutulog ka na.”

“Ah, gano'n po ba, pero 'wag po kayo mag-alala kasama ko naman po ang mga kaibigan ko,” I said at bakas sa mukha ni Aunt Sally ang gulat.

“Kaibigan? Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan, Lyra?”

I took a deep breath, and lumabas ako sa k'warto agad akong bumaba at dumiretso sa kusina, while Aunt Sally is following me.

“Answer my question, Lyra,” Aunt Sally said with a hint of authority in her voice.

“I met them in the coffeeshop, regular costumers po sila do'n,” I answered nonchalantly.

“At sila ba ang nagturo sa 'yo na umalis nang walang paalam?”

“Aunt Sally, if you're saying na bad influence ang mga kaibigan ko, I'm telling you that they are not. It's my choice na tumakas, you don't have to put the blame on them.”

Aunt Sally unbelievably looked at me, “Kailan ka pa natutong sumagot sa 'kin, Lyra?”

“I'm just explaining myself po.”

I'm tired of being misunderstood. Palagi na lang. Parang kontrolado ang buhay ko.

“Aunt Sally, please 'wag mong sabihin kay Dad ang tungkol dito panigurado mas lalong magiging strict 'yon sa 'kin.”

Kapag nalaman ni Daddy na lumalabas ako ng bahay ay ikukulong na naman n'ya ako sa k'warto.

“Sasabihin ko pa sana.”

“Aunt Sally, kung p'wede po sana 'wag mo na lang sabihin sa kan'ya? Aunt Sally, please? Kahit ngayong summer lang po, let me live normally. Kasi sa pasukan, makukulong na naman ako dito sa bahay.”

Aunt Sally just stared at me and it seems like she's thinking deeply.

“Fine, Lyra. Papayagan kitang lumabas kasama ang mga kaibigan mo, but promise me that you'll take care of yourself?”

Agad ko s'yang nilapitan, and I hugged her so tight.

“Thank you po! And I promise, I'll take care of myself.”

“Lyra, alam mo naman na ikaw na lang ang natira sa Daddy mo. 'Pag nawala ka, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa Dad mo. So please, take care of yourself.”

“I promise...”

“And Lyra, I just want to remind you, your phobia can kill you. If your phobia attacks again, it can lead you to death.”

I faced Aunt Sally with a smile, “I'm ready to face death anytime, that's why habang nabubuhay pa ako, I'm trying my best to live a beautiful life.”

Bumalik na ako sa k'warto ko and I immediately took a quick shower. May usapan kasi kami ng gumdrops ngayon, bibisitahin namin sa hospital ang Papa ni Rhai.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay sakto namang nakarinig ako ng busina mula sa labas.

Sumilip ako mula sa bintana ng kwarto ko, and I saw a black van waiting outside. Dali-dali akong tumakbo pababa at muntik pa akong matapilok dahil sa haba ng dress ko.

“Good morning, Lyra,” they all greeted me nang makalabas ako sa bahay.

“Ang laki pala ng bahay n'yo,” sabi ni Spencer, and I just smiled.

Pumasok na ako sa loob, at umandar na ang van.

“Kumusta na ang Papa mo, Rhai?” I asked.

“Na-operahan na s'ya kaninang madaling-araw. At ngayon ay nagpapahinga na lang,” sabi ni Rhai and she sounded so happy.

Pagdating namin sa hospital ay dumiretso sila Keios, Spencer, Alastaire at Pia sa canteen ng hospital, hindi pa raw kasi sila kumain ng breakfast.

Habang ako naman ay sinasamahan ko ngayon si Rhai papunta sa room ng Papa n'ya.

“Alam mo Lyra, hindi suportado ni Papa ang pagpipinta ko,” wika ni Rhai sa malungkot na boses.

“Bakit daw?”

“Sabi n'ya kasi ay wala akong mararating sa sining, hindi raw ako kikita sa pagpipinta. Tuwing nakikita n'ya akong nagpipinta sa bahay ay pinapagalitan n'ya ako, aksaya lang daw 'yon sa oras. Mas gusto n'ya na tumulong ako sa vulcanizing shop.”

She pointed herself, and let out a bitter laugh, “Kaya rin siguro lumaki akong boyish dahil lumaki ako sa vulcanizing shop, pinapalibutan ng mga lalaki.”

Huminto kami sa isang kwarto, and Rhai opened the door.

“Pasok ka, Lyra.”

When I entered the room ay naabutan ko na natutulog sa sofa ang isang payat na babae, s'ya siguro ang Mama ni Rhai.

“Rhai.” The guy lying on the hospital bed called Rhai's name, at tila ay naiiyak pa ito.

“Papa, buti naman po at ayos na kayo.”

Lumapit si Rhai sa Papa n'ya at niyakap n'ya ito ng mahigpit.

“Sinabi ng Mama mo sa 'kin na ibinenta mo raw ang mga paintings mo,” sabi ng Papa n'ya.

“Opo.”

“I'm sorry, anak. Sorry dahil pinagbawalan kita na magpinta. Sobra ang pasasalamat ko ngayon, dahil ang pagpipinta mo ang nagligtas sa buhay ko.”

“Susuportahan mo na ba ako sa pagpipinta ko?”

Agad tumango ang Papa ni Rhai, “Suportado na kita sa lahat ng gusto mong gawin, basta ay para ito sa ikabubuti mo.”

Biglang nagising ang Mama ni Rhai and the three of them hugged each other.

I smiled as I stared at them, I suddenly missed our family being complete. I miss the hugs of my Mom and Dad.

Tahimik akong lumabas sa k'warto because I don't want to ruin their moment.

Paglabas ko ay naabutan ko sila sa waiting area ng hospital.

Spencer is playing games on his phone. Si Pia naman ay nagbabasa ulit ng bible. Habang si Alastaire ay kumakain na naman.

Agad akong umupo sa tabi nila.

“Lyra,” tawag ni Keios sa akin kaya ay napalingon ako sa kan'ya.

Bigla n'ya akong inabutan ng sandwich at iced coffee, “Baka kasi gutom ka.”

“Thank you,” I shyly replied, at tinanggap ko ang pagkain.

Rhai must be really happy right now. Kasi suportado na s'ya ng Papa n'ya sa pagpipinta.

Ako kaya? Kailan kaya susuporta sa'kin si Dad? When will he allow me to go to a normal school?

“Lyra, ayos ka lang? Ba't ka tulala d'yan?” tanong ni Pia kaya, and I gave her an assuring smile.

“Ayos lang ako.”

Pia held my hand gently as she said, “Do not be anxious about anything, but in everything by prayer and supplication with thanksgiving let your request be made known to God. Philippians 4:6”

“The power of prayer can solve your worries, Lyra.”

Sky Full Of StarsWhere stories live. Discover now