Chapter 30

145 19 0
                                    


Chapter 30

Andito na naman kami sa bahay nila Rhai ngayon, pinagmamasdan ko sila na busy sa paghahanda ng mga requirements para sa enrollment. Ga'non kabilis ang takbo ng oras, parang kailan lang ay nagbinta kami ng artworks para makatulong sa Papa ni Rhai tapos ngayon ay enrollment na nila.

"Ikaw Lyra, 'di ba homeschooled ka? Kailangan mo pa bang mag-enroll?" tanong ni Alas at tumango-tango ako.

"Of course naman," I simply answered.

"Nakapag-enroll ka na ba?" Pia asked.

Tumango ako. "Oo, no'ng nakaraang araw lang. Inenroll na ako ng Aunt ko."

"Teka guys, maliligo muna ako tapos ay diretso na agad tayo sa school," pagpapaalam ni Rhai.

"Kaya pala ang baho 'di ka pa pala naliligo!" pang-aasar ni Spencer sa kan'ya na ikinatawa namin. Agad namang sumimangot si Rhai, pinulot n'ya ang isang pillow na nakapatong sa sofa at binato ito kay Spencer, sakto namang tumama ito sa mukha n'ya.

"Headshot!" Humalakhak naman si Rhai at agad na tumakbo papuntang c.r. dahil akmang gagantihan s'ya ni Spencer.

"Parang mga bata," bulong ni Pia sa gilid na narinig naman ni Spencer.

"Sorry na po Lola Piaree, ito na po magbi-behave na ako," ani ni Spencer na parang isang bata at nginiwian lang s'ya ni Pia.

Napatingin naman ako kay Alas na seryosong-seryoso sa phone n'ya, naka-landscape ang cellphone n'ya at tila may nilalaro s'ya.  Kaya pala kanina pa tahimik ang isang 'to, may pinagkakaabalahan pala.

"Ano 'yan Alas? Nagmo-mobile legends ka na pala?" tanong ni Spencer at akmang sisilip sa phone ni Alas kaso ay agad n'ya itong iniwas.

" 'Wag kang magulo, rank game 'to," seryosong sabi ni Alas at nagkibit-balikat naman si Spencer.

Sumilip naman si Keios sa phone ni Alas nang hindi n'ya namamalayan ilang saglit pa ay binatukan ni Keios si Alas.

"Gagi, rank game ka d'yan zombie tsunami lang naman 'yan!" bulalas ni Keios at agad tinago ni Alas ang phone n'ya. Agad namang humalakhak si Spencer.

"Galing, may rank game na pala sa zombie tsunami," pang-aasar ni Spencer kay Alas.

Napasimangot naman si Alas, at humiga na lamang sa sofa tinakpan naman n'ya ang mukha n'ya gamit ang unan. Problema no'n?

Maya-maya pa ay lumabas na si Rhai, nakabihis na s'ya at agad na rin kaming umalis papunta sa school nila.  Like the usual ay nasa driver's seat si Keios, si Spencer naman ay nasa front seat, tapos kaming tatlo ni Rhai at Pia ay andito sa likod ng driver's seat at si Alas ay nasa panghuling row.

Nilingon ko naman s'ya, at saktong nakatingin din pala s'ya sa gawi ko kaya ay nagkatinginan kami.

"Are you ok?" tanong ko sa kan'ya.

He just smiled at me sabay nagthumbs-up. "Ayos lang ako."

Sa totoo lang ay ayaw ko sanang sumama sa enrollment nila kasi baka maka-istorbo lang ako, but they insisted na pasamahin ako dahil may pupuntahan daw kami pagkatapos ng enrollment nila. Sinusulit na lang kasi namin ang remaining days ng summer, hindi kasi natin namamalayan ang bilis ng takbo ng oras.

Huminto ang van sa tapat ng admin building ng school nila, nagsilabasan naman sila at nagpaiwan lang ako sa loob.

"Ba't 'di ka pa bumababa, Lyra?" tanong ni Keios at napatingin na rin ang iba sa 'kin.

"Dito lang ako, maghihintay na lang ako sa inyo," I casually said.

"Sigurado ka? Baka mainip ka rito," Alas said at tumango lang ako.

Sky Full Of StarsWhere stories live. Discover now