Chapter 32

122 22 0
                                    


Chapter 32

Nagising ako dahil naramdaman kong may nakatakip sa bibig ko, dahan-dahan akong bumangon at bahagya akong nagulat dahil nandito ako ngayon sa sarili kong k'warto.

Napahawak naman ako sa nakatakip sa bibig ko-oxygen mask pala. Ang naalala ko ay ando'n kami sa castle nila Keios kagabi, tapos lumabas ako sa k'warto para pumunta sa c.r. pagkatapos kong gumamit ng c.r. ay babalik na sana ako sa k'warto pero hindi na natuloy dahil biglang tumugtog ang kanta na 'yon sa speaker at umatake na naman ang phobia ko. Pero pagkatapos no'n ay wala na akong maalala, sila Keios kaya ang naghatid sa 'kin dito sa bahay?

"Lyra! Thank God you're already awake!" Nagulat naman ako sa biglaang pagpasok ni Aunt Sally. Agad n'ya akong niyakap, tinanggal ko naman ang oxygen mask at hinarap ko s'ya.

"Aunt Sally, ano po ang nangyari? Ang mga kaibigan ko ba ang naghatid sa 'kin dito? Nakilala n'yo ba sila?" I asked, pero bakas sa mukha ni Aunt Sally ang pagtataka.

"What do you mean, Lyra? Ikaw dapat ang tanongin ko n'yan, kung ano ang nangyayari sa 'yo!" halatang pinipigilan ni Aunt Sally na 'wag tumaas ang boses n'ya.

"B-bakit po?" Kinakabahan kong tanong, pakiramdam ko kasi ay may sasabihin s'yang hindi maganda.

"You triggered your own phobia, Lyra," Aunt Sally seriously said, taka naman akong napatingin sa kan'ya.

"What? I didn't trigger my own phobia po, kasama ko ang mga kaibigan ko kagabi tapos aksidente kong narinig ang kanta na 'yon, that's why ay na-trigger ang phobia ko. Hindi ko naman intentionally talaga na pinakinggan."

"L-lyra, what are you saying? Anong kasama mo ang mga kaibigan mo? Nasa k'warto ka lang no'ng umatake ang phobia mo!" Tumigil si Aunt Sally sa pagsasalita at itinuro n'ya ang bedside table ko, napatingin naman ako do'n at may nakita akong isang maliit na speaker. "Nagulat na lang kami ni Manang Hilda because we suddenly heard a loud music coming from you're room, at natakot kami pareho kasi pinapatugtog mo ang kantang 'yon. Lyra, we were so worried about you last night. Nakaupo at nakatulala ka lang sa kama mo, nahihirapan kang huminga, nahihirapan kang magsalita, we were trying to talk to you pero tila hindi mo kami nakikita! And then you suddenly fainted, kaya ay agad akong nagpatawag ng Doctor kaya ay naka-oxygen ka ngayon para bumalik sa normal ang paghinga mo."

Para naman akong nanlamig sa sinabi ni Aunt Sally. Ano raw? Nasa k'warto lang ako kagabi? Pa'no nangyari 'yon?! Sigurado ako, siguradong-sigurado ako na kasama ko ang Gumdrops kagabi.

"Aunt Sally, that is not a good joke. Pa'nong nangyari 'yon? Kasama ko po ang mga kaibigan ko kagabi."

"May mga kaibigan ka ba talaga? Magkakaroon ba ng kaibigan ang isang taong-bahay na kagaya mo? May makikipag-kaibigan ba talaga sa 'yo?" Napatigil ako dahil sa sinabi ni Aunt Sally. Ewan ko ba, pero parang sobrang sakit naman ata ng mga salitang binitawan n'ya. Hindi ba talaga s'ya naniniwala na may mga kaibigan ako.

"Lumabas na po kayo, Aunt Sally. I just wanna be alone, please umalis na kayo," I tried to sound calm para maitago ang inis ko dahil sa sinabi n'ya. Para namang bigla n'yang na-realize kung ano ang sinabi n'ya, her expression softened at sinubukan n'yang lumapit sa 'kin pero agad na along humiga sa kama at nagtaklob ng kumot.

"I'm sorry for what I've said, Lyra," rinig kong sabi ni Aunt Sally pero hindi ko s'ya kinibo hanggang sa namalayan ko na lang na lumabas na s'ya ng k'warto.

Hanggang ngayon gulong-gulo pa rin ako sa mga nangyayari, parang mababaliw na ata ako. Isa lang ang makakasagot nitong mga tanong ko.

Agad kong tinext si Tita Madi, I told her na kailangan kong makipag-usap sa kan'ya ngayon. Sa ngayon kasi sa tingin ko ay she's the only person who can clear all the mess inside my mind right now.

After an hour of waiting ay dumating na si Tita Madi, dumiretso kami sa veranda and the weather for today is calming.

"How are you, Lyra? I'm a bit shocked kasi biglaan ang pagtawag mo sa 'kin."

"Did I disturbed you then?" walang gana kong tanong habang blankong nakatingin sa mga puno sa labas.

"Hindi naman sa gano'n. Is there any problem? How can I help you?" malumanay na tanong n'ya, bumuga naman ako ng hangin at seryosong napatingin sa kan'ya.

"Can you please tell me the truth," I said calmly habang pinaglalaruan ang isang tasa ng kape na nasa table.

"What do you mean?"

"May sakit ba ako sa pag-iisip? Tell me, please tell me. May kutob ako, may kutob ako na baka imahinasyon ko lang ang mga kaibigan ko, na baka hindi sila totoo! Natatakot ako. I'm damn scared dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa 'kin if nalaman ko na ang mga tinuturing kong kaibigan ay kathang-isip lang pala."

Para akong batang nagta-tantrums habang sinasabi ang mga salitang 'yon, habang si Tita Madi naman ay pilit akong pinapakalma.

"Calm down, Lyra."

"Please, tell me honestly. Base sa mga sinasabi ni Aunt Sally pakiramdam ko may sakit ako sa pag-iisip. Psychiatrist ka 'di ba? Ilang beses mo na rin akong nakausap, impossible namang wala kang napapansin tungkol sa 'kin? 'Di ba ikaw dapat ang unang makaalam kung may mali ba sa pasyente mo? Magaling ka ba talaga ha? Ah, baka hindi ka magaling, kasi kung magaling ka talaga maybe right now ay wala na akong phobia!" Hindi ko na na-control ang sarili ko at nasigawan ko na si Tita Madi, bahagya naman s'yang napaatras dahil sa pagkakasigaw ko at bakas sa mukha n'ya ang gulat.

"Enough, Lyra," she said coldly.

Tiningnan ko naman s'ya ng diretso sa mata n'ya. "Then tell me, is there something wrong with me? Do I have some psychological problems?"

Tinititigan din ako ni Tita Madi at parang binabasa n'ya ang pagkatao ko, umiling-iling pa s'ya at tila nag-iisip.

"Wala," sambit n'ya kaya ay napatingin ako sa kan'ya.

"Wala? What do you mean by wala?"

She sighed. "Wala kang sakit sa pag-iisip."

"Pa'no sila Keios? Sila Rhai, Alas, Spencer, Pia? Imahinasyon ko lang ba sila?"

Parang nagda-dalawang isip si Tita Madi pero tipid s'yang ngumiti sa 'kin. "Totoong tao sila, Lyra. Pa'no mo naman nasabing imahinasyon mo lang sila? 'Di ba ikaw na mismo ang nagsabi sa 'kin dati na Grade 7 pa lang ay tinatanaw mo na sila mula sa bintana ng k'warto mo."

Para naman akong nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ni Tita Madi. Bakit ko nga ba kasi naisip na imahinasyon ko lang sila? E, halos araw-araw ko nga silang kasama. At the same time ay nakaramdam din ako ng guilt dahil sa mga salitang nabitawan ko kay Tita Madi.

"I'm sorry po pala sa mga nasabi ko kanina, nadala lang po ako sa emosyon ko," nakayuko kong wika.

"It's fine, walang kaso 'yon sa 'kin. Parte na ng trabaho ko ang sigaw-sigawan ng pasyente, s'yempre dahil psychiatrist ako hindi ko trabaho ang patulan sila ang trabaho ko ay intindihin sila. Kahit nasasaktan ako, kahit pagod na ako, trabaho ko ang umintindi dahil gusto kong makatulong," para namang nanlambot ang puso ko sa sinabi n'ya. Mas lalo tuloy akong naguilty.

Lumapit sa 'kin si Tita Madi and she tapped my shoulders. "But Lyra always remember to control your emotions, may mga salita talaga tayong nabibitawan dahil sa emosyon na nararamdaman natin at hindi lahat ng tao ay nakakaintindi. Kung nakapagbitiw ka ng masakit na salita sa isang tao na 'di marunong umintindi, p'wede ka n'yang gantihan ng masasakit din na salita at magkakasakitan lang kayo. Self control Lyra, you have to practice it."

Napatango naman ako dahil sa sinabi n'ya, may point din naman kasi. "Thank you, Tita Madi."

After no'n ay agad na s'yang umuwi at ako ay dumiretso na sa k'warto at humiga. Ang dami pa ring tanong sa isipan ko. Bakit ba gan'to ang buhay ko? Sana isang normal na teenager na lang ako na may normal na problema.

Teenager na hindi pinayagang gumala, bugbog ng utos sa bahay, namomroblema dahil walang jowa, o 'di kaya dahil hindi s'ya crush ng crush n'ya. Pero ito ako e, isang teenager na namumuhay ng marangya pero hindi makalabas ng bahay, walang trabaho palaging nakahiga, 'di ko nga alam if magkakajowa pa ba ako o kung may magmamahal ba sa 'kin.

And I'm worried about me, my phobia, and my mental health.

Sky Full Of StarsWhere stories live. Discover now