Chapter 26

153 21 1
                                    


Chapter 26

It's a cold morning today, agad akong tumayo para patayin ang aircon. Napasilip ako sa bintana at sobrang lakas ng ulan sa labas, agad akong bumalik sa kama at humiga.

Rainy days is a perfect time to sleep, 'yong tipong nakahiga ka lang sa malambot na kama while hugging your fluffy pillows. It's also a perfect weather for drinking a cup of hot coffee while watching every raindrops fall from the sky.

Nakaramdam ako ng gutom kaya ay agad akong bumaba papuntang kusina para kumain ng breakfast. I was expecting to see Aunt Sally sa dining area pero the table is empty.

I searched for Manang Hilda, pero wala s'ya, late siguro 'yon dadating dahil maulan. So basically there's no breakfast served yet.

I just grabbed some cereals from the kitchen cabinet, and I pour a glass of chocolate milk. Dumiretso ako sala to watch cartoons, I'm alone again, as always.

"Lyra, sorry na-late ako hija, nahirapan kasi akong maghanap ng masasakyan dahil maulan," wika ng kadadating lang na si Manang Hilda.

"Okay lang po," I answered.

"Teka, ipagluluto kita ng breakfast."

"Wag na po, may breakfast na po ako," I said habang itinaas ko ang bowl of cereals and the chocolate milk para makita n'ya.

"Buti naman, sige maglilinis na lang muna ako."

Manang Hilda was about to walk away pero pinigilan ko s'ya.

"Manang, may tanong po ako."

"Hmm, ano 'yon?"

"Hindi po ba nagtatampo ang mga anak mo sa 'yo?" tanong ko na ikinataka n'ya.

"Anong ibig mong sabihin?"

I sighed. "Kasi po 'di ba, araw-araw kayong andito sa bahay namin para magtrabaho, umaalis ka nang maaga tapos uuwi ka naman ay gabi na. Wala po kayong time sa kanila."

Tumawa si Manang Hilda, and she smiled at me. "Alam naman ng mga anak ko na kaya ako nagtatrabaho para sa kanila. At kahit gabi na ako umuuwi ay bumabawi pa rin ako sa kanila."

"Hmm, mabuti po pala kung gano'n."

"Bakit mo pala naitanong?"

"Wala lang po," I answered.

Manang Hilda excused herself immediately dahil maglilinis pa raw s'ya.

Sa totoo lang kaya ko 'yon naitanong because I'm curious how would a busy parent make time for their children. Buti pa si Manang Hilda, bumabawi sa mga anak n'ya samantalang ang Daddy ko ay parang kinalimutan na ako.

After eating breakfast ay pumasok ulit ako sa k'warto, sumalampak agad ako sa kama and I hugged my pillow as I was busy scrolling on my phone, just checking some messages. Rhai's name popped on my phone, she sent me a message.

Rhaiza Mendoza:
Lyra, susunduin ka raw nila Keios d'yan sa inyo

Lyra Celestia:
bakit? may lakad ba tayo ngayon?

Sa pagkaka-alala ko kasi ay wala naman kaming napag-usapan na lakad ngayon.

Rhaiza Mendoza:
Tambay lang tayo sa bahay namin
ako lang kasi mag-isa.

After reading Rhai's reply ay agad na akong naligo, I don't really have plans to take a bath now because of the cold weather pero buti na lang talaga at may hot shower.

-

Andito na kami sa bahay nila Rhai ngayon, sobrang lakas pa rin ng ulan sa labas. Naglatag kami ng foam sa sala nila at do'n kami humiga lahat, while watching a horror movie.

Sky Full Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon