Chapter 23

191 28 2
                                    


Chapter 23

2 weeks na lang at matatapos na ang summer. Like the usual ay andito na naman kami sa bahay nila Rhai, nakatambay at kumakain ng pambansang snack—pancit canton.

"Ilang weeks na lang at may pasok na naman, tapos heto tayo nakatambay lang sa bahay. Akala ko ba we'll make some adventures to make this summer memorable?" bored na sambit ni Spencer na nakahiga sa sofa at nakatitig lang sa kisame.

"Oo nga 'no, pasukan na naman. Lyra, for this school year ba ay homeschool ka pa rin?" tanong ni Alas na nagpatigil sa 'kin.

I heaved a deep sigh and I nodded. "Oo eh."

"Kailan mo balak pumasok sa normal na school?"

"Sa college siguro."

"Guys may sasabihin daw si Piaree!" sabi ni Rhai kaya ay napatingin kami sa gawi nila.

"Ano 'yon Pia?" Keios asked.

"May bagong bukas kasi na restaurant ang Tita ko, may opening party, punta tayo? Para naman ma-enjoy natin ang remaining days ng summer," Pia said and it sounded like a good idea.

"Sige ba! Saan ba 'yan? At kailan?" excited na sambit ni Spencer, napaghahalataan na bored na bored na talaga ang isang 'to.

"Sa La Casa Florencio, one-hour drive mula rito, malapit lang ang restaurant ng Tita ko do'n sa pinag-campingan natin."

"At kailan naman tayo pupunta do'n?" Alas asked na inuubos ang natitirang pancit canton.

"Bukas agad."

"Sige, game! Game ako, kayo ba?" Spencer said, halata pa naman kanina na game na game talaga s'ya.

"Game." We all answered.

"But first, we have to buy old fashioned clothes para sa party," Pia shyly said.

"Bakit kailangan pa bumili ng old clothes? Marami akong lumang damit sa cabinet namin," Rhai said which made Pia laugh.

"Hindi gano'n ang ibig kong sabihin, we need to buy clothes na sinusuot ng mga tao during the year 1800, 'yon kasi 'yong theme ng restaurant kaya 'yon din ang theme ng party."

"Kung gano'n, hindi na pala kailangan ng costume ni Spencer!" Alas said which made us wonder.

"At bakit naman?" tanong ni Spencer at may bahid ng pagsusungit ang boses n'ya.

"Kasi mukha ka namang lumang tao kaya hindi mo na kailangan mag-effort para sa costume," sabi ni Alas at tumawa pa.

"Payag ka no'n Spencer lumang tao ka raw sabi ni Alas?" wika ni Rhai na tila nang-aasar lang naman.

Nilapitan naman s'ya ni Spencer at binatukan n'ya si Alas, gumanti naman si Alas at nag-wrestling na sila sa sofa. Mga sakit sa ulo talaga.

"Wow mukhang magandang laban 'to! team Spencer ako!" sabi ni Keios na tila nag-eenjoy habang pinapanood ang nagbubugbugan na si Alas at Spencer.

"Wala, team Alas pa rin ako, pusta ko si Alas mananalo rito," sagot naman ni Rhai.

"Guys tigil na nga kayo, para kayong mga bata. Alam n'yo naman na hindi maganda na nagkakasakitan 'di ba?" pagsasalita ni Pia na nagpatigil sa kanila.

"Opo teacher Pia!" pagbibiro ni Rhai.

"Tara na nga, we still need to buy some clothes."

"Let's play a game," sabi ni Spencer at may nakakalokong ngiti ang sumilay sa kan'yang labi.

"Anong game na naman 'yan?" I asked, paalis na sana kami ngayon pa n'ya naisipang maglaro.

"Ang huling makapasok sa van ay s'ya ang magbabayad sa lahat ng bibilhin natin sa mall ngayon!" sabi n'ya, ayaw ko sanang pumayag pero pumayag silang lahat.

Sky Full Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon