Chapter 6

184 29 2
                                    


Chapter 6

After making our plans ay lumabas kami ng coffeeshop dahil pupunta raw kami sa bahay nila Rhai para kunin ang mga paintings n'ya.

Kaming tatlo ni Rhai at Pia ang naiwan dito sa harap ng coffeeshop, dahil kinuha ng boys ang sasakyan sa parking area.

Biglang may huminto na itim na van sa harap namin kaya ay napahigpit ang hawak ko kay Pia at Rhai, dahil do'n ay sabay silang tumawa.

“Baka kidnapper 'yan,” bulong ko sa kanila na mas lalo nilang ikinatawa.

“Don't worry, Lyra. 'Yan ang service ng gumdrops. Van 'yan nila Keios,” sabi ni Pia at biglang bumukas ang pinto ng van.

“Pasok na kayo,” sabi ni Spencer at agad akong pumwesto sa may bintana.

May kalakihan ang van nila Keios. Pagpasok namin ay agad din s'yang nag-drive, katabi n'ya si Spencer na nasa front seat.

“Ang van na 'to ang sinasakyan namin tuwing gagala kami,” sabi ni Alastaire na nakahiga sa likod.

“Talaga, Alas? Sino nagtatanong?” pambabara ni Spencer sa kan'ya.

“Share ko lang naman, ano pake mo?”

“Guys, please 'wag kayong magbangayan ng magbangayan. Hindi kaya pleasing tingnan 'pag gan'yan kayo, dapat kind words lang ang lumalabas sa bibig natin,” suway ni Pia sa kanila na ikinatahimik nilang dalawa.

Huminto kami sa isang bahay, sakto lang ang laki nito at parang hindi pa tapos ang pagkakagawa. Sa labas ng bahay ay may vulcanizing shop.

“Ito ang bahay namin,” sabi ni Rhai at lumabas na kami.

“Kami ang may-ari ng vulcanizing shop na 'yan at dahil nasa hospital si Papa ay sarado muna ito.”

Agad kaming pumasok sa bahay nila at tumambad agad sa'min ang makalat na sala.

“Pasensya na, wala kasi kaming time na maglinis. Si Mama kasi most of the time ay nasa hospital,” sabi ni Rhai sabay ligpit sa kalat kaya ay tinulungan namin s'ya.

Pagkatapos maglinis sa sala ay nagsi-upo na kami sa sofa. Napatingin ako sa isang picture frame, picture ito ng limang bata, at kasama si Rhai sa picture. Apat silang babae at isang lalaki, parang si Rhai ang pinakamatanda.

“Mga kapatid ko 'yan sila,” sabi ni Rhai, napansin ata n'ya na nakatitig ako sa picture.

“Asan sila?” I asked, pansin ko kasi na walang bata dito sa loob ng bahay nila.

“Nasa bahay ng Tita ko, 'di kasi sila maalagaan ni Mama kasi busy din 'yon sa pag-aalaga kay Papa.”

“Asan na mga paintings mo, Rhai?” tanong ni Keios.

“Ay oo nga pala, kukunin ko lang sa k'warto.”

“Samahan ka na namin,” sabi ni Keios kaya ay sumunod kami sa k'warto ni Rhai.

Agad akong namangha pagpasok sa k'warto n'ya, plywood lang ang pader ng kwarto n'ya pero pinapalibutan ito  ng maraming paintings.

“It's a total of 100 paintings,” sabi ni Rhai sabay libot ng paningin n'ya sa kwarto n'ya.

“Anong plano mo sa price ng paintings mo?” tanong ni Pia sa kan'ya.

“'Yong mga luma, I'll sell it for 100 pesos, 'yong mga sakto lang ang ganda 250, tapos 'yong mga pinaghirapan ko talaga at may value sa'kin na mga paintings I'll sell it for 500-700 pesos.”

Sumang-ayon naman kami sa prices na ibinigay ni Rhai. Worth it na kasi 'yon, hindi naman kasi gano'n kadali ang pagpipinta at may value pa sa kan'ya ang mga paintings kaya siguro ay napipilitan lang s'yang ibenta ang ilan sa mga paintings n'ya.

Sky Full Of StarsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin