Chapter 19

169 26 2
                                    


Chapter 19

Andito na naman kami ngayon sa bahay nila Rhai, parang naging paboritong tambayan na nga namin ang bahay nila.

May inilapag na brochure si Spencer sa mesa kaya ay napatingin kaming lahat do'n.

"Ano 'yan?" tanong ni Pia sabay nguso do'n sa brochure.

"May bagong bukas na camping area, 1 hour drive lang, medyo malapit-lapit na rin," sabi ni Spencer.

"Tapos?"

"Ayaw n'yo mag-camping?" tanong ni Spencer kaya ay nagkatinginan kaming anim.

"Camping sounds good," wika ni Keios at kinuha n'ya ang brochure sa mesa.

Binasa ni Keios ang nakasulat sa brochure at tumango-tango pa s'ya habang nagbabasa, "Sabi rito sa brochure perfect daw ang camping site na 'to para sa barkada outing. Ano game kayo? Kahit isang gabi lang, let's go and enjoy the camp."

"Game ako!" sabi ni Rhai sabay taas ng kamay.

"Sino pa ang game? Raise your hands," sabi ni Spencer and the five of them raised their hands.

Nang mapansin nila na ako lang ang di nag-aangat ng kamay ay napatingin sila sa 'kin.

"Ayaw mo mag-camping, Lyra?" tanong ni Alas at agad akong umiling.

I slowly raised my hands as I say, "I'm in."

"Yon naman pala eh! So bukas agad tayo magca-camping, ayos ba 'yon?" sabi ni Spencer and he sounded really excited.

"Bukas? Agad?" Gulat na tanong ni Rhai.

"Ako na ang bahala para sa reservation natin sa campsite na 'yon." Keios volunteered and we all just agreed.

"So bukas by 8:00 a.m, magkita na lang tayo sa convenience store namin para do'n na lang tayo mamili ng mga pagkain natin and some other stuffs. Ayos ba?" sabi naman ni Alas.

"Ayos!"

-

Ngayon ang araw ng camping namin and I already packed up at nakabihis na rin ako.

Truth be told ay hindi ako nagpaalam kay Aunt Sally na may camping kami ngayon, buti na rin at may out of the town trip s'ya, she's trying to discover new menus and recipes para sa coffeeshop.

Dumiretso na agad ako sa convenience store nila Alas at pagpasok ko sa loob ay sobrang tahimik, wala pang tao. Tanging ang cashier lang sa counter ang ando'n at ang janitor na nagma-mop sa sahig.

"Lyra!" Biglang may nanggulat sa 'kin kaya ay bahagya akong napatalon.

It was Alas who startled me at tumawa pa ito, ang aga-aga namba-bad trip na.

"Wala pa sila?" I asked, kaming dalawa pa kasi ang andito.

"May nakikita ka bang iba dito bukod sa'tin?"

"Wala."

"Edi, wala pa sila. Simple answer to your simple question."

Inilapag ko muna ang mga gamit ko sa table at kumuha ng isang chocolate drink at sandwich, after kong magbayad sa counter ay bumalik ako sa table para kumain.

"Di ka ba kumain ng breakfast?" tanong ni Alas, na ngayon ay nakaupo sa harap ko.

"Nakikita mo akong kumakain 'di ba? Obviously ito na ang breakfast ko. Simple answer to your simple question." I flashed a smirk dahil nakaganti ako sa kan'ya.

"Gaya-gaya, linya ko 'yon eh," sabi n'ya habang nakasimangot.

"Hey." Sabay kaming napalingon ni Alas sa kararating lang na si Keios.

Sky Full Of StarsWhere stories live. Discover now