Chapter 36

126 21 1
                                    


Chapter 36

DAY 1 OF FACING MY PHOBIA

"Lyra, anong plano mo sa birthday mo?" tanong ni Aunt Sally.

"Bibisitahin ko na lang po si Mommy sa puntod n'ya."

I remained silent habang kumakain kami ng breakfast. Busy ang schedule ko this morning kasi 8:00-8:30 ay may counseling kami ni Tita Madi, dapat mamayang hapon pa talaga 'yong counseling kaso sabi ko na agahan na lang kasi manonood ako ng practice nila Keios mamayang hapon, and after the counseling ay may klase ako.

"Are you sure you don't want to celebrate your birthday?"

"Aunt Sally, the day my Mom died was the exact day I started hating birthdays, for me my birthday doesn't exist anymore."

I excused myself at agad na pumunta sa kwarto ko. Nagkalat ang mga art materials ko sa sahig, I sketched Keios face kasi kagabi kasi 'yong sketch ng mukha n'ya na lang ang hindi ko pa naipapakita kay Tita Madi.

"Lyra, naghihintay na 'yong psychiatrist mo sa veranda," sambit ni Manang Hilda mula sa labas ng k'warto ko.

"Sige po."

Dala-dala ko ang sketch habang naglalakad papunta sa veranda, naabutan ko si Tita Madi na nagkakape at she smiled when she saw me.

Umupo ako sa tapat n'ya at inilapag ko ang sketch sa table.

"Is he your last sketch?" tanong n'ya habang pinagmamasdan ng mabuti ang sketch ko.

I nodded. "Yes. His name is Keios Jazzild Chavez, I have many things to say about him, but to sum it all up all I can say is he's the best person in the group. Parang s'ya 'yong nagpapatatag sa friendship namin."

"Rhaiza, Alas, Piaree, Spencer, Keios... Gumdrops. I listed everything you have said about them since from the start." Nakangiting wika ni Tita Madi.

"I just wanna ask, why are you asking about my friends? Para saan ang mga sketches ko? Why are you doing this?"

She just tapped my shoulders. "You'll know soon."

"But my friends exist right? Totoo sila?" I asked, alam ko na paulit-ulit na akong nagtatanong tungkol dito pero gusto ko lang makasigurado.

"They exist."

After our counseling ay agad na umuwi si Tita Madi dahil dumating na si Miss Hazel, andito kami ngayon sa study room at may pinapasagutan s'ya sa 'kin. Gusto ko nang matapos 'to, para makapunta na ako sa practice nila Keios.

"Nagmamadali ka ata." Nakangiting wika ni Miss Hazel kaya ay pilit lang akong ngumiti.

"May lakad po kasi ako mamayang hapon."

"Is that so? Hindi ko alam na pinapayagan ka na pala nila na lumabas."

Hindi ko na sinagot pa si Miss Hazel at nagpatuloy na lang sa pagsagot.

Mabilis tumakbo ang oras at natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng music room, andito ang banda nila Keios at ang Gumdrops. Nakaupo lang kami sa sahig habang nasa isang maliit na stage sila Keios, siniset-up na lang nila ang mga instruments na gagamitin nila.

"Lyra sumama ka kaya muna sa amin, balik na lang tayo if tapos na ang set-up nila Keios," sabi ni Pia kaya ay nagtataka akong napatingin sa kan'ya.

"Saan tayo?" I asked.

"Maglibot-libot muna tayo sa labas."

"Huwag na kayo lumabas, magsisimula na kami," sabi ni Marc at pumwesto na sila.

Nakaupo kami ngayon sa sahig, magkatabi kami ni Alas at Spencer habang nasa likod ko naman si Pia at Rhai.

Alas worriedly looked at me. "Kaya mo ba talaga?" he asked and I can feel his concern.

Sky Full Of StarsWhere stories live. Discover now