Kabanata 3

8.4K 259 60
                                    

03 – Gold

I froze with what he said. Nanatiling awang ang labi ko sa pagkabigla. Hindi nawala ang maliit na ngiti sa labi niya habang pinagmamasdan ako.

I gulped when his eyes didn't leave me. I bit my lower lip because of feeling uncomfortable. Tuluyan akong bumalik sa wisyo nang marinig ko ang mahina niyang tawa.

"Speechless, Anastasia?" He chuckled again.  "Missed me?"

Pinilit kong patatagin ang loob ko dahil pakiramdam ko'y nanghihina ako. Damn it! Where's the brave Anastasia Elissa now?

"Missed you?" I laughed. "In your dreams, maybe?"

Umangat ang kilay niya. Hindi nawala ang kaba sa dibdib ko at lalo lang lumakas iyon nang ilang hakbang ang ginawa niya palapit saakin. Hindi ako natinag kahit na nagwawala ang puso ko. Nanatili akong naka-upo sa duyan habang hawak ang baso ko.

Umangat ang tingin ko nang tuluyan siyang makalapit. I clenched my jaw when I clearly saw his achingly annoying smile.

"What?" Pagalit kong tanong.

He chuckled again, making me shiver. Nasaan na ba si Amethyst? Bwisit!

"Nothing.." he shrugged. "Just checking out in the party."

Umirap ako. "The party is inside. Makakaalis ka na."

Sumimsim ako sa baso ng Vodka na hawak ko at pinilit na hindi na siya intindihin. I am chilling here earlier! Kung party pala ang habol na ay sana na sa loob siya ngayon!

"I know. I wanted to check someone here also.." he smirked.

I darted my eyes to him. He raised his brows when he saw me looking at him darkly.

"Well, that someone doesn't want to be checked.." I rolled my eyes again.

Umiwas na ako ng tingin. Kung hindi ko titigilan ang ka-iirap ay baka ma-stuck na at tumirik na lang ang mata ko!

"You're hoping that someone is you?" He teased.

Wala sa sariling natawa ako. "I am the only one here."

He bit his lower lip, still staring darkly at me. Madilim man ay sapat na ang mga lamp post para makita ang repleksiyon niya ngayon.

His clean-cut hair still complements his mestizo look. Kahit kailan ay hindi ko na siya nakitang nagpahaba ng buhok.

Hindi ko inalis ang tingin sakaniya, ganoon rin siya saakin. Why would I look away first? There's nothing I should be scared about. Does he thinks that I haven't moved on? Or maybe, I am not really the one he wanted to check.

Lumagabog ang dibdib ko nang makitang humakbang pa siya nang isang beses. Mabilis kong kinuha ang wine glass sa bato saka tumayo. I played it cool and looked at him. I flashed a teasing smile. Hinawi ko ang buhok ko saka humakbang palapit. Nakita kong umawang ang labi niya sa ginawa ko.

"Looking good, Ayden.." I finally said his name. "Happy to see you here."

Nanliit ang mga mata niya. My teasing smile is still plastered on my face. He knows me better than anyone else. Kung gaya pa rin siya noon, alam niyang peke ang ipinapakita ko. O baka naman nalimutan niya na rin.

"You look beyond gorgeous tonight, Anastasia.." he said with a low voice.

I stiffened with what he said. Lalong nagwala ang puso ko. Kahit na ganoon ay hindi nawala ang nakaiiritang ngiting ipinapakita ko.

He's just trying to sway you, Asia! Damn it!

Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko mula ulo hanggang paa. I have never felt so conscious in my entire life!

It Had to be You (Valdemar Series #2)Where stories live. Discover now