Kabanata 35

5.7K 162 30
                                    

35 - Trustworthy

A week have passed and our trip to Switzerland was over. Sa eroplano ay pinagbigyan ko na si mommy na tabihan ako. I asked Ayden to sit beside Joanna instead. Pumayag naman siya para hindi na naman gumawa ng eksena ang ina ko. She was holding my arm the entire trip. Imbis na mainis ay natatawa na lamang ako sa ikinikilos niya. Ni hindi ko nga alam kung alam ni daddy na sumama siya sa amin.

"Are you sure you're okay staying in his unit?"

I tilted my head to her. "Yes, mom."

She rolled her eyes and looked away. Isang malalim na paghinga ang binitiwan niya bago muling nagsalita.

"If you ever miss home, you can come back.." she cleared her throat. "Hindi ko pinakialaman ang kuwarto mo."

I smiled when I felt my heart melted. I think she misses me. Kahit na pakiramdam ko'y ang silbi ko lang ay maging sangkalan sa negosyo ay alam ko pa ring mahal niya ako.

I chuckled and rested on her shoulder. Iniiwas niya pa ang balikat niya ngunit nagpumilit akong sumiksik. She mumbled about me acting like a kid. Tumawa na lamang ako saka yumakap sa braso niya.

We separated when we landed. Si mommy ay may sariling sundo at ganoon din kami. Joanna said she still need to get some things she left on our house, kaya kay mommy na muna siya sasabay. Ako at si Ayden ay sinundo ng isa sa tauhan ni daddy.

"Did you enjoy the trip?"

I glanced at him and nodded. Akala ko nga ay magiging boring iyon dahil kay mommy pero mali ako. She made it even more exciting.

"Bitin nga lang.." ngumuso ako. "Sa susunod ay sana mas mahabang bakasyon."

Tinanggal niya ang iilang hibla ng buhok kong nakatabon sa mukha. His face really looks serious. Mabuti na lamang at sanay ako sa kaniya kaya madaling basahin kung anong na sa isip niya.

"You should've told me that you wanted to stay longer. Sana ay hindi muna tayo umuwi."

I shook my head. "May trabaho ka pa, Ayden."

"Work can wait."

Ngumiti na lamang ako at pinagmasdan ang kalsada. Kumunot ang noo ko nang mapansing iba ang dinadaanan namin. This isn't the way to Ayden's unit. Kung doon ang punta namin ay dapat lumiko na kami kanina pa.

"Saan tayo? This isn't the way to your condo." Puna ko.

Nilingon niya ako. "Sa pansamantala nating bahay."

Lalo akong naguluhan. Pansamantalang bahay? We have his unit. Hindi naman kailangan pa ng isang bahay habang naghihintay sa ipinagagawa.

"What do you mean?"

We parked in front of a huge house in a familiar village. Alam kong Quezon City pa rin ang lugar na ito. Iniabot ni Ayden ang susi ng bahay sa driver saka binuksan ang gate para maiparada ang kotse sa garahe. He carried our luggage and opened the gate for me.

The house was in warm wood tones. I was welcomed by the geometric steps before the main entrance. The living room has interesting textures and is high ceiling. Habang nililibot ang baba ay napansin kong mayroong access sa gilid ng dining patungo sa gilid ng bahay.

There is a divider from the salas to the dining area. The granite countertop looked classy in black tone. Ang mga cabinets ay magkakaibang laminates. Pati ang chandeliers ay nakamamanghang tignan.

Did he buy this?

"You bought this?" I raised my brow.

He nodded and placed the luggages on the side. Kumunot ang noo ko. Bakit bumili pa siya ng isa pang bahay?

It Had to be You (Valdemar Series #2)Where stories live. Discover now