Kabanata 18

4.4K 148 32
                                    

18 – Angel

I ran fast to catch Amethyst. Ngayon ay na sa field na siya para sa P.E class. Naka-angat ang kamay ko habang hawak ang camera na ibinigay ni Ayden. I'm smiling so wide because of happiness. I got a camera!

Malawak ang field kaya naman kailangan ko pang tumakbo sa pagitan para lang makita siya. I immediately walked towards her when I saw her stretching. Mukhang magsisimula na ang grupo nila.

"Amethyst!"

Kunot ang noong tumingin siya sa akin. She's now stretching her arms. I smiled and showed her my camera.

"Alright. Maghanap ka na ng subject tapos i-send mo sa akin. Gagawan ko ng article."

She continued stretching. Tumango na lang ako dahil mukhang busy sila ng grupo nila. I walked away and looked around. Ano naman kayang magandang subject? Dapat ay makabuluhan, 'di ba?

Naglakad-lakad muna ako sa paligid ng campus, baka sakaling may makitang magandang subject. Today is Friday so it's P.E day. Nagkalat ang mga estudyante. Ang iba ay naglalaro sa damuhan, ang iba naman ay na sa court. Kanina ay may nakita pa akong nag t-try out na ata sa soccer. I didn't see Ayden there. Matapos niyang ibigay sa akin ang camera ay hindi ko na siya nakita.

I took pictures of some of the students. Maayos naman ang mga kuha ko pero hindi ko gaanong gusto. I am not satisfied. I think I should capture an important event or something. Mas magandang meaning ng picture, mas magandang article ang magagawa dahil may paghuhugutan. Tiwala naman akong magagawa ni Amethyst iyon. She's smart.

School hours ended and I didn't get any picture to pass. May mga litrato ako pero hindi ko talaga gusto ang mga iyon. I still have two weeks, though. Malayo pa ang deadline kaya hindi naman problema kung wala akong nakuha ngayon. Maybe I can find a subject next week.

Nagliwanag ang mukha ko nang may maalala. Nanay Josephine! I told her I will take a picture of her once I get the camera! Siya ang magandang subject! I'm sure it will be a good article. Sasabihin ko kay Amethyst na si nanay ang nag-alaga sa akin simula pagkabata. She love me so much. She's the perfect subject for this!

Nang makasakay ako sa kotse ay agad iyong umandar. I frowned.

"Kuya, si Joanna pa po.."

Tinignan niya ako mula sa salamin. "Umuwi na si Joanna kanina pa, Miss Asia.."

Kumunot ang noo ko. Half day? Bakit naman siya umuwi agad? Is she sick?

Hindi ko na kinulit pa si manong kung ano ang nangyari. Inisip ko na lang ulit kung paano ko pipicture-an si nanay mamaya. Habang naghahanda ba ng hapunan? Habang nagdidilig? Habang nagwawalis? Hmm. Ano kayang maganda?

Nanatiling seryoso ang driver namin habang ipinagmamaneho ako pauwi. I am not used to him being serious. Lagi kasi siyang madaldal at mapagbiro sa amin ni Joanna kaya naman nakakapanibago ang ekspresyon niya.

I didn't mind him. Nang pumarada sa malaking garahe namin ay agad akong lumabas. The camera was hanging on my neck. Medyo may kalakihan iyon kaya naman nangangalay na ang leeg ko. Nang makapasok sa bahay ay naabutan ko agad si Ate Tessy na pabalik-balik ang paglalakad. She's one of our maids. Siya ang kadalasang tumatao sa kusina.

"Kumalma ka, Tessy. Baka naman atakihin ka rin niyan. Nako po!"

I frowned. Binitiwan ko ang bag ko sa sofa. I held my camera and walked towards them.

"Are you okay, Ate Tessy?" Tanong ko.

Agad siyang humarap sa akin at tumigil sa paglakad. "Ay! Oo naman, be! Ayos lang ako!"

It Had to be You (Valdemar Series #2)Where stories live. Discover now