Kabanata 27

4.4K 142 48
                                    

27 - Jealous

As graduating students, we were expected to do well and behave like seniors. Kahit na nahihirapan pa rin ako sa lessons ay sinubukan ko talagang ayusin ang grades ko. I still don't know what I want after highschool. Hindi ko alam kung magpapatuloy pa ba ako sa college o tutulong na lang agad sa kompaniya. Hindi ko rin kasi alam ang gusto kong kunin. My friends already know what they want to be. Ako ay napag-iiwanan. Hindi ko pa rin alam ang gusto kong maging.

Ang sabi sa akin ni Daniel ay kumuha na lang ako ng Business Management gaya niya. I don't know if I would want to study that. Hindi naman kasi ako interesado sa business. Ayden and Joaquin will pursue engineering. Si Amethyst naman ay dentistry, habang si Faye ay kukuha ng film. They're sure about what they want. Ako na lang ang hindi pa.

"Ang ganda sa school na ito, huh?"

Nilinga ko ang paligid habang kumakain ng ice cream. Malamig ang simoy ng hangin habang ang daan ay puno ng tuyong dahon. Sinipa ni Faye ang iilan sa mga iyon.

"Bakit kasi hindi ka na lang dito nag-enroll?"

Half day lang ang klase ko ngayon kaya naman naisipan kong bisitahin muna sina Amethyst at Faye sa school nila. Joaquin isn't here because of his immersion. Si Daniel naman ay may gagawin pa raw kaya hindi muna sumama. Ayden told me he's busy.

I glanced at the white building. Mayroong naka-marka sa pinaka unahan no'n ngunit hindi ko mabasa. Amethyst took her phone out to capture the leaves falling.

I shrugged. "Si mommy naman ang nag-enroll sa akin."

Ibinalik ko ang tingin ko sa puting building. It looks classy. Ang ganda ng design. Anong course kaya ang naririto?

"Anong building ito?" I asked.

Faye smiled. "College of Arts.."

Dahan-dahan akong tumango saka ibinalik ang tingin do'n. Arts? Hmm.

Magsasalita pa sana ako nang biglang may bumangga sa aking lalaking natakbo. I was about to fight when he glanced at me. Hinihingal siya na para bang hinahabol. Umawang ang labi ko nang maalala kung sino siya.

"Asia?"

Kumunot ang noo ko. "Spencer?"

Ngumiti siya nang malawak sa akin. I laughed at him and gave him a hug. Agad akong humiwalay nang maramdaman ang pawis niya. Ngumiwi ako saka lumayo.

"Long time no see!" He exclaimed. "Are you studying here?"

Nakangiti akong umiling. Spencer Aristizabal is one of the friends I met in parties. Hindi ko maalala ngunit sa Las Vegas yata ang party na iyon. His dad is my dad's colleague.

"No.." bumaling ako kay Amethyst at Faye. "Bumisita lang ako.."

Hinawi niya ang buhok niyang tumatabon sa mga mata niya. He smiled again at me and nodded. Umangat ang kilay ko nang mapansin ang lalong pag-guwapo at pag-ganda ng katawan niya. Guwapo na siya noon pero lalo na ngayon.

"Ikaw, dito ka ba nag-aaral?"

He nodded. Tinuro niya ang building na pinagmulan niya yata kanina. Tumango na lang ako saka ngumiti ulit.

"Mauna na ako, Asia.." he said. "May naghahanap kasi sa akin.."

He ran away after that. Kumunot ang noo ko at pinagmasdan na lamang ang papalayo niyang bulto. Bumaling ako kay Amethyst na ngayon ay namumula ang pisngi.

"You know Spencer Aristizabal?" Gulat niyang tanong.

Ngumuso ako at tumango. Nagtatatalon si Amethyst habang niyuyugyog ang braso ni Faye. Faye just rolled her eyes.

It Had to be You (Valdemar Series #2)Where stories live. Discover now