Kabanata 7

6.5K 243 63
                                    

07 – Unblock

Nang matapos kumain ay nagmamadali akong lumabas ng restaurant. Halos matapilok na ako sa bilis ng lakad ko pero wala akong pakialam. Being around that man really makes my skin itchy. May allergy kasi ako sa aso.

I chuckled with my thought. Naalala ko tuloy ang sinabi ng kapatid niya.

Hindi ko na hinintay pang makalabas siya ng restaurant. He’s going to pay, for sure. Kahit na hindi siya kumain ay kailangang siya ang magbayad. Huh. Ginulo niya ang lunch ko. Magbayad siya ngayon.

“You’re naturally not a fast walker, Anastasia..”

I rolled my eyes. Hindi ko siya sinilip kahit na magkalebel na ang lakad namin ngayon.

“I hate being around you. Nangangati ang balat ko.”

I heard him chuckle. Umirap akong muli at lalo pang nagmadali. Nang makalabas ng mall ay tumama agad sa balat ko ang sikat ng araw. I covered my face with my palm. Kahit na nag sunblock ako kay ayaw ko pa ring matamaan ang sikat ng araw ang mukha ko.

“Stop walking fast, Asia..” habol niya. “You might trip.”

“Bakit ka ba sumusunod? I am going to get my car. Huwag mong sabihing sasabay ka saakin?” I giggled out of irritation. “Mangangati sabi ako.”

He let out a soft laugh. Umirap na naman ako nang malakas na dumagundong ang puso ko. Damn his sexy laugh. Damn his eyes. Damn his existence. Damn him.

“You’re allergic to hot men?”

“No. I am allergic to cheaters.” I smiled.

Natigilan siya sa paglalakad at nawala ang ngiti sa labi. Ako naman ang napangisi saka tuluyan siyang nilampasan.

Nang matanaw ang kotse ko ay pinatunog ko iyon. Ilang sandali lang ng paglalagay ng paperbags sa compartment ay naramdaman ko na naman ang presensiya ni Ayden. I rolled my eyes. Pang-ilang irap ko na ba ‘to?

“Well, I am man with a very long patience..” He sighed. “We’re still cool, yeah.”

Natatawa akong humarap sakaniya. “Are you talking to me or to yourself? Parang kinukumbinsi mo lang ang sarili mo na mahaba ang pasensiya mo para hindi ka magalit saakin.”

I walked towards the door and opened my car. Walang pasabing pumasok ako roon. Akmang isasara ko na ang pinto nang pigilan niya iyon.

“I paid the bill.” He said.

I smiled. “That’s you pleasure, Ayden. You paid for Anastasia Elissa’s food.”

Napabuga siya ng hangin saka binitiwan ang pinto. Magiliw ko iyong isinara. Nang mabuksan ang makina ay kinatok niya ang salaming bintana. Kunot ang noo niya at may kaunting pawis sa noo dahil na rin sa init.

I opened the window and didn’t look at him. “Yeah?”

“Why did you block my number?” may halong inis na sabi niya.

I wore my shades and looked at him. His jaw clenched. He bit his lower lip, waiting for my answer.

“Uhm.. Because I find it funny?” pang-aasar ko.

“Unblock me.” He demanded.

I chuckled. “No, honey.. Nope.. Not gonna happen..”

“Unblock me, Anastasia.” Ulit niya habang igting pa rin ang panga.

I don’t know why I am full of confidence now. Samantalang noong unang nagkita kami ay para akong kuting na gustong magtago, hindi ko nga lang ipinahalata. Well, sino ba siya para matakot ako? He’s not somebody!

It Had to be You (Valdemar Series #2)Where stories live. Discover now