Kabanata 47

5.7K 185 58
                                    

47 – Beginning

Within a month, the Valdemar Prime Holdings Inc. and the Salazar Group of Companies managed to clear each and everyone's name. Daddy assured me that no one died in that incident. Ang dalawa kong guard ay parehong nakaligtas at ipinag-utos kong tulungan ang pamilya nila, pati na iyong mga tinamaan ng ligaw na bala. I asked dad for a counseling for those who witnessed the shooting. Sinigurado din niyang na sa kulungan na ang shooter at kasabwat nila.

We stayed in the Valdemar mansion for a month. Ang dati naming bahay ay hindi na namin binalikan. Ayden wanted it to be demolished dahil hindi niya gusto ng kahit anong bakas ni Joanna. I suggested it to be sold but he refused. Gusto niya talagang ipagiba ang bahay na iyon.

Joanna was sent to jail after staying three weeks in the hospital. Daddy mention that half of her face was burnt. My heart is hurting for her. Wala nang nabanggit na iba ang ama ko tungkol sa kaniya kung hindi iyon lang. Ni hindi niya sinabi sa akin kung nakapag-usap man lang ba silang dalawa.

I am really eager to see her. Kahit na sa kulungan na siya ngayon ay gusto ko pa rin siyang puntahan at kausapin. I want to tell her that I still see her as a friend after all. She's my sister. Mahal ko siya. Binulag siya ng galit kaya nakagawa siya ng mali pero alam ko, sa isang banda ay minahal niya rin ako. Lalo na noong mga bata pa lamang kami.

Tahimik ang paligid at tanging paghampas ng simoy ng hangin sa mga dahon lamang ang gumagawa ng ingay. I looked down and smiled. Nag-angat ako ng tingin sa langit saka nakangiting pinagmasdan ang mga ulap.

As I stand before nanay's grave, I can't help but to be emotional. Wala pa akong sinasabi sa kaniya ay naluluha na ako. Tinititigan ko pa lamang ang litrato niya ay nasasaktan na ako nang husto.

"Matagal akong hindi nakadalaw.." malungkot akong ngumiti. "Siguro, nagtatampo na kayo sa akin, 'no?"

I kneel down the grass placed the flowers beside the stone. Tinanggal ko ang iilang tuyong dahon na tumakip sa pangalan niya.

"Siguro, nagtataka kayo kung bakit ngayon lang ako nakarating.. Did you miss me, nay?"

Pinilit kong ngumiti nang kunin ko ang picture frame niya. I traced her sweet face as my tears started to fall.

"Ikinasal na nga po pala ako.. You know Ayden, nay, right? Nagpakasal kaming dalawa.. Hindi nga lang katulad ng sa iba ang sitwasyon namin, pero ikinasal kami."

I sniffed and lay down the grass. Ang tanging nakikita ko lamang habang nakahinga ay ang asul na langit at puting mga ulap. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Gusto kong sabihin sa kaniya ang lahat ng nangyari. Gusto kong ilabas ang lahat ng nararamdaman ko sa kaniya.

"Nanay.." I closed my eyes. "Joanna and I got into a serious problem."

I smiled when I remembered myself back when I was a child. Hindi naman ako sumbungera ngunit kapag ayaw ibalik sa akin ni Joanna ang strawberries ko ay isinusumbong ko siya.

"S-siguro kung naririto kayo ngayon, pagagalitan ninyo kami dahil sa nangyari.. Dahil, hindi niyo naman kami pinalaki nang ganito."

Kinagat ko ang labi ko at tinabunan ang mga mata ko gamit ang braso ko. Tuluyan na akong lumuha. No matter what I do, I am still hurting. I am hurting for her.

"Joanna was hurting. She masked her sadness with anger. S-she almost killed me.."

Humikbi ako saka pinunasan ang mga luha ko.

"We needed to send her to prison, nanay.. I'm sorry.."

Marahan akong bumangon saka pinadulas ang daliri ko sa pangalan niya. Kinuha kong muli ang litrato niya saka niyakap iyon nang mahigpit.

It Had to be You (Valdemar Series #2)Where stories live. Discover now