Kabanata 44

5K 161 8
                                    

44 – Regrets

I clenched my jaw to build my anger. Sikreto kong tinignan si Joanna na mahinang tumatawa habang hinihithit ang sigarilyo niya. Faye didn't betray me. She's here to help me.

"Sa tingin mo ba ay hindi malalaman ni Joaquin ito!?" I shouted. "He will know this, one way or another!"

Pasimple kong sinimulang tanggalin muli ang tali. I am losing hope with this rope. It's too tight. I can't remove this alone.

"Manahimik ka! Hindi ito malalaman ni Joaquin dahil ako mismo ang magtatahi r'yan sa bunganga mo!"

Her voice was full of rage and anger. Mukha na siyang galit ngayon ngunit ang mga mata niya ay maamo at may takot pa rin. How long will it take for the police to arrive? Gaano kami katagal na ganito?

I looked down to glance at my tied ankle. It is now swollen. I angrily looked directly to Faye.

"Kahit mamatay ako ngayong gabi, lalabas ang katotohanan.." Mariin kong sabi. "Hinding-hindi niyo iyon maitatago."

Ang pintong gawa sa yero ay bumukas. Mathias enter with a gun on his hand. Agad na humampas ang dibdib ko nang makita ko iyon. He gave it to Joanna and sat down beside her. Natatawa kaming itinuro ni Joanna sa kaniya.

"Babaunin ko ang lihim na ito hanggang sa hukay ko. Kaya huwag ka nang umasang malalaman pa nila kung anong nangyari sa 'yo!"

Tumulo ang luha ni Faye. It hurts so see her like this. She is sacrificing for me. Puwede niyang ipasa na lamang sa mga pulis ang responsibilidad na hanapin ako ngunit itinaya niya ang buhay niya para puntahan ako.

Nakita ko ang pagtayo ni Joanna mula sa upuan. She walked to us with a cigarette in between her teeth. Hawak niya na ngayon ang baril na ibinigay ni Mathias.

"You cannot conceal the truth forever.. Aalingasaw ang baho ng kasinungalingan hanggang sa sumiwalat ang katotohanan."

And it wasn't meant for Faye. It is for Joanna and Mathias. Kahit mapatay ako ngayong gabi, hindi titigil ang pamilya ko sa paghahanap ng ebidensya. Hindi sila matatahimik, lalo na ang asawa ko.

"Masyado nang maraming sinasabi ang kaibigan mo, Adelia.."

Inilapag ni Joanna ang baril sa mesang malapit sa akin. Faye glanced at it. Tinignan ko siya nang mariin nang makita ko ang takot sa mga mata niya.

It's do or die. Kung hindi niya kukunin ang baril at magpapanggap na ako ang papatayin, kami ang mamamatay.

"Do what you need to do, I'll stay outside." Paalam ni Mathias.

Pagak akong tumawa saka idinura ang nalalasahan kong dugo. "Bakit, Mathias? Hindi mo kayang panoorin akong patayin?"

Joanna hissed. Dahan-dahang gumapang ang kamay ni Faye sa baril na inilapag. She held and stared at it. Isa pang luha ang tumulo mula sa kaniyang mata habang tinititigan ang baril.

"Patayin mo na siya ngayon, alam ko kung gaano ka kagalit sa kaniya." Seryosong sambit ni Joanna.

Lumuluhang itinutok sa akin ni Faye ang baril. She bit her lower lips to stop it from shaking. Namumula ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak. She looked so scared but determined.

"Ngayon na, Adelia!"

She immediately turned to Joanna and pointed the gun at her. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang baril na nakatapat sa kaniya. Her jaw dropped with so much confusion and anger.

"Hindi ko tatalikuran ang isang kaibigan kailanman."

I teared up with the sight of her standing up, fighting for me. Sinubukan ko muling kalagan ang sarili sa isa pang pagkakataon. I can't let Faye fight alone.

It Had to be You (Valdemar Series #2)Where stories live. Discover now