Kabanata 16

4.6K 145 29
                                    

16 – Naughty

Finishing 6th grade was a huge achievement for me. Hindi ako nagtapos na mayroong mataas na karangalan kung hindi normal na estudyante lang. I tried to convince my dad to attend my graduation but he told me he can't. Si mommy naman ay bumili agad ng magarang damit nang malamang magtatapos ako. She thinks that all I do in school was only fun and such. Ang na sa isip niya ay hindi ako nag-aaral kaya naman she didn't expected that I will graduate. Wala naman daw kaso iyon sa kaniya dahil hindi importante ang pag-aaral basta't makapag-aasawa ako ng mayaman balang araw.

That thought disgusts me. Aanhin ko ang pera kung wala naman akong alam sa buhay?

Ayden graduated as salutatorian. I was very proud of him. Nang tinawag ang pangalan niya ay talagang tumayo pa ako para pumalakpak. Gusto kong sumayaw sa tuwa ngunit nakakahiya namang makita ako ni mommy.

Danica was very beautiful on graduation. Mahaba ang buhok niya at kasama pa rin ang dalawa pang kikay na kaibigan. Gusto ko sanang magkaroon kami ng picture kaso baka ayaw niya na rin akong kasama.

"Congrats, Joanna! I'm proud of you!"

Niyakap ko agad siya nang malapitan ko. Tumatawa siyang niyakap ako pabalik. Dahan-dahang bumaba si Nanay Josephine sa hagdag habang hawak ang luma niyang phone.

"Saka mo na ako batiin kapag mayaman na ako gaya mo!"

These past few days, I noticed her being exhausted all the time. Ang sabi naman niya ay ganoon talaga kapag tumatanda na at rumurupok na ang buto. I want to tell mommy to just lift her duties pero siguradong hindi siya papayag.

Joanna was holding her medal when nanay captured a photo of us.

"Ang gaganda naman ng mga anak ko!" Bulalas niya.

Tumawa nang pagak si mommy na ngayon ay nagpapaypay na ng sarili. "Ano ka ba naman, Josephine. Akin iyong mas maganda. Hindi ba, darling?"

Pinanliitan ko ng mata si mommy para sawayin. Umismid siya sa akin na ikinatawa ko naman. I'm happy that mommy is here! Ito ang unang beses na pumunta siya rito sa school para panoorin ako.

I glanced at Ayden, still on the other side of the stage. Mayroon pa ring mga nagpapa-picture na mga estudyante sa kaniya. Karamihan ay babae. He's got seven medals. I can't help but to be very proud of him. Gusto ko na siyang puntahan ngayon ngunit marami pa siyang ginagawa.

"Asia, pwedeng pa-picture?"

Nilingon ko ang isa sa mga kaklase kong lalaki at tumango. I smiled in front of the camera while holding my cap.

"Ako rin, Asia." Sabi ng isa. "Pang album lang."

The other one smiled. "Pang profile picture kamo!"

Tumawa na lang ako saka pumayag sa gusto niya. Iilan pa ang sumunod bago ako tuluyang naiwanan. Isang lalaki pa ang kumalabit sa akin. May hawak siyang cell phone at ipinakita iyon sa akin.

"Pwedeng ako naman?"

I pouted when I realized who the boy was. Agad akong dumamba sa kaniya para yumakap na ikinatawa niya. He enveloped his arms on my waist to hug me back. Hindi ako bumitiw.

"Ako nga dapat ang magpapa-picture sa 'yo, kaso ang daming nakapila." Angal ko. "I didn't know you're famous."

He chuckled. "Ikaw din naman. What's with those boys? Manliligaw mo ba ang mga iyon?"

Binitiwan ko siya at hinarap. "They just requested a picture. Iyon lang!"

Pinanliitan niya ako ng mata. Umangat ang kilay ko sa kaniya. He pulled me again for a hug. Masaya ko siyang niyakap ulit saka sumumsob sa balikat niya.

It Had to be You (Valdemar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon