Kabanata 36

5.5K 188 49
                                    

36 – Obliged

"Asia.."

Mathias went in to place a folder on my desk. Tiningala ko siya at tinanggal ang reading glasses ko. I smiled at him and looked at the folder.

"Report galing sa marketing team." He said in a low voice.

Tumango ako saka binalikan ng tingin ang folder at itinabi iyon. Hindi pa ako tapos sa document na ginagawa ko kaya naman hindi ko pa muna iyon maaasikaso ngayong oras. I actually have lots of papers to read. Hindi ko alam bakit sa akin lahat ito ibinato ni daddy. Mukhang sinasanay na ako sa gawain.

"I'm going to be busy, Mathias.." I cleared my throat. "Huwag ka munang magpapasok ng kahit na sino. Don't accept calls unless it's important."

He nodded and slightly bowed his head before walking out the door. I sighed and looked onto my computer again. Hinilot ko ang sentido ko saka pinaglaruan ang reading glasses sa kamay ko.

Ayden and I got into a fight last night. Buong gabi ay hindi ako bumalik sa kuwarto at sa guestroom lang natulog. I even called Mathias to fetch me very early. Ayokong magkita sila ni Ayden. He's being unreasonable and I don't like it.

No matter how much I try to concentrate with my work, I still can't stop thinking about him. Is he still mad until now? Pumasok kaya iyon ng trabaho niya o wala pa rin sa mood hanggang ngayon kaya hindi na lang? Should I text Joanna so I would know?

Parang tumalon ang puso ko sa gulat nang tumunog ang phone ko. Agad ko iyong kinuha ngunit nilamon ako ng kaba nang makita ko kung sino ang tumatawag. It was him. I don't think I am ready to talk so I declined the call. I switched it to silent mode after. Itinuloy ko ang trabaho hanggang sa dumating ang tanghali.

"Mathias told me you're doing great in the office, darling.."

I chuckled and sliced my steak. Mathias arranged lunch for me and dad. Request daw ito ni daddy ngayong na sa parehong kompaniya lang naman kami ngunit halos hindi magkita. I wanted to laugh at that. Pangalawang araw ko pa nga lang ito.

"Nagsisimula pa lang ako ngunit ang dami kong nang trabaho.." napa-iling ako.

He laughed and sipped on his water. "That's normal, Anastasia. Kung gusto mo, bumisita ka sa asawa mo nang malaman mo kung gaano karami ang trabaho niya ro'n."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Did Ayden get the recognition he wanted? Dahil napakasalan niya ako?

"The eldest Valdemar stepped down as CEO of their Residential Real Estate. Ang alam ko ay ibinigay sa asawa mo ang posisyon ngunit hindi pumayag si Ezperanza. Ignatius is now the CEO again. Ang asawa mo ang COO."

I frowned. "Ezperanza? Their grandmother?"

Tumango siya saka nagpatuloy sa pagkain. I have heard of her. Siya iyong sinabi ni Atlas noon na ayaw tumanggap kay Ayden. She's the reason why he's separated from his brothers before.

"Well, I didn't know that.." I sipped on my juice. "Hindi po ba't may iba pang branch ang VPHI? Sinong humahawak no'n?"

Daddy shrugged. "The Commercial Real Estate and Land is also on Ignatius Valdemar. Kapag bumaba iyon sa pagiging CEO, then your husband will have the Residential Real Estate."

I gulped hard and nodded. Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi na lang inintindi pa ang iniisip ko kanina. Ayden will get there for sure. He's smart and confident. Ang tanging dahilan lang naman kung bakit hindi pa napupunta sa kaniya ang iniwan ng kaniyang kuya ay dahil sa lola nila.

Nang bumalik sa opisina ay wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang magbasa ng reports. Unti-unti nang sumasakit ang ulo ko ngunit natapos ko pa rin naman ang pinakahuling papeles. My job is done for today.

It Had to be You (Valdemar Series #2)Where stories live. Discover now