CHAPTER 35❤️

170 11 0
                                    

CENA'S POV

"Kayo na?" gulat na tanong sa akin ni Paige. Tinakpan ko ang bibig niya at tumingin ako sa paligid namin baka may makarinig.

Tinanggal ko yung kamay ko sa bibig niya. "Wag ka namang maingay"

Hinila niya ako at pinaupo sa swing. "So kayo na nga?"

Umiling ako. "Hindi pa, nagkaaminan lang" naiilang na sabi ko.

"Tamo, sinasabi-sabi mo pa sa akin na hindi mo siya magugustuhan pero ikaw din ang nahulog!" pagtataray niya sa akin. Natawa ako.

"Natatakot ako" biglang sabi ko dahilan para matigilan siya.

"Natatakot ka?" tanong niya at tumango ako. "Saan?"

"Sa sitwasyon namin ni Zeiden"

Totoo naman natatakot ako sa sitwasyon namin ni Zeiden. Paano na lang kapag sinabi na ni Zeiden sa pamilya niya ang tungkol sa amin. Natatakot ako na kung anong gawin sa akin ng pamilya niya.

"Alam mo Cena, dapat hindi ka matakot, mahal ka ni Zeiden at ipaglalaban ka niya" nakangiting usal ni Paige sa akin.

Bumuntong-hininga ako. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko, paulit-ulit na lang sumasagi sa isipan ko yung sitwasyon naming dalawa."

Hinawakan ni Paige ang kamay ko. "Wag kang matakot, andito lang ako, kami ng mga kaibigan mo.. Hindi ka namin iiwan" saad ni Paige at ngumiti ako sa kaniya.

"Hi guys!"

Sabay kaming napalingon ni Paige nang biglang may magsalita. Nakita namin na paapdating sila Autumn at Thea sa gawi namin.

"Kamusta?" tanong ni Thea pagakalapit sa amin.

"Okay lang" saad ko.

"Cena, kamusta na si Zeiden? Okay na ba siya? Nakita na ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Thea sa akin.

Lumingon ako kay Paige at nagtama ang paningin namin bago ko ibinaling muli ang tingin ko kay Thea. "Oo"

Naglabas ng malalim na hininga si Thea. "Hay, salamat din at nahanap na din"

"Magkasabay silang pumasok ni Cena" usal ni Paige sa kanila. Tumayo si Paige. "Alam niyo ba guys, nagkaaminan na sila ng nararamdaman nila, gusto ni Zeiden si Cena, gusto namin ni Cena si Zeiden" kinikilig na sabi ni Paige.

Kinurot ko siya sa tagiliran. "Aray ha!" asik niya.

Napatingin naman ako kila Autumn at Thea. Bakas sa mukha ni Thea ang pagkagulat ngunit nagtaka ako kay Autumn na seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Oh my gosh! Kinikilig ako sa inyo" biglang sabi ni Thea sa akin at sinabunutan ako.

Habang hinaharot ako ni Thea, nanatiling nakatingin lang ako kay Autumn na kasalukuyang seryoso pa rin yung itsura. Umiwas siya ng tingin sa akin at ibinaling na lang sa likuran namin.

"Kayo na ba?" tanong ni Thea.

"Hindi pa, nagkaaminan pa lang sila" si Paige ang sumagot.

"Kinikilig ako sa inyo--"

"Alis na muna ako"

Napatingin kaming tatlo kay Autumn nang bigla itong magsalita. Hindi siya nakatingin sa amin.

"Huh? Aalis ka na, eh kararating pa lang natin"

"May aasikasuhin pa ako"

Hindi na kami nakasagot at mabilis na lang kaming tinalikuran ni Autumn at naglakad papalayo. Hindi ko alam kung bakit naging gano'n na lang ang naging kilos ni Autumn. Hindi ko alam kung bakit siya ganon?

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Where stories live. Discover now