CHAPTER 38❤️

437 18 17
                                    

ZEIDEN'S POV

Isang buwan na ang ang nakalilipas magmula nang madala sa hospital sina Cena at Autumn. Ngayon ay maayos na ang kalagayan nila. Balik normal na naman ang pamumuhay namin, wala nang gulong nangyayare. Ipinakilala ko din si Cena sa pamilya ko bilang girlfriend ko. Salamat at pumayag na din sila maliban lang kay Mommy at Lolo na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap. Nalulungkot akong isipin na habang tumatanda ako ay lalong lumalayo ang loob sa akin ni Mommy at Lolo. Hababg tumatanda ako, hindi na nila ako makausap man lang. Para na lang kaming magkakilala at ganon na lang ang iwasan namin sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ano bang meron kay Cena at bakit ayaw nila dito pero wala silang magagawa dahil mahal ko si Cena at mahal niya din ako, nagmamahalan kami.

Nagkikita kami paminsan-minsan ni Cena dahil masayado na kaming busy sa schools. Nabalitaan ko na lang din na si Paige at Cedrick ay magjowa na. Kahit naman hindi nila sabihin 'yon ay halatang-halata naman sila. Sa lagi ba naman nilang magkasama at talaga namang, napaghahalataan ang dalawang kumag!

Malapit na ang Monthsarry namin ni Cena kaya naman lubos ang paghahanda ko. Isosorpresa ko siya kaso wala pa akong maisip.

Nakangiti ako habang pababa sa hagdanan. Ang saya ko ngayong araw na ito dahil makikita ko na naman siya.

Pagkababa ko ay nakasalubong ko si Mommy. Natigilan ako sa paglalakad at nagtama ang paningin namin. Awtomatiko siyang umiwas ng tingin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

"Mommy" pigil ko sa kaniya. "Hanggang kailan na lang ba tayo ganito?" nakayuko kong sabi.

Naramdaman ko na lang ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.

"Mas pinili mo ang babae mo kaysa sa ina mo Zeiden" usal niya saka nagpatuloy na lang sa paglalakad at nilagpasan ako.

Tumulo na ang mga luha sa mata ko dahil sa bigat na nararamdaman ko. Nalulungkot ako dahil sa kagustuhan kong magmahal, meron akong taong nasasaktan.

Pinunasan ko yung luha ko at saka naglabas ng malalim ng hininga at lumabas na ng bahay.

Agad kong pinatunog ang kotse ko saka sumakay. Pinagbuksan ako ng guard saka mabilis na pinaandar ang kotse ko.

Maya-maya lang ay nakarating na ako sa bahay ni Cena. Nagdoor-bell ako, naghintay pa ako saglit at pipindutin na sana muli ang doorbell nang bumukas ito at makita si Cena.

Parang nawala bigla ang bigat ng nararamdaman ko nang makita ang taong mahal na mahal ko.

Nakangiti siya habang nakalagay ang kwintas na ibinigay ko sa kaniya. Nagulat ako nang tumingkayad siya at hinalikan ako bigla sa labi.

Tumawa siya sa reaksyon ko. Lalagpasan na sana niya ako nang bigla kong kuhanin ang braso niya at hilain papalapit dahilan para mapasandal siya sa dibdib ko. Iniangat ko ang baba niya at unti-unting inilalapit ang mukha ko sa kaniya hanggang sa tuluyang maglapat ang mga labi namin.

Iginalaw ko ang ulo ko para mahalikan siya ng mariin at gumanti naman ito.

Nang hindi na kami makahinga ay bumitaw na kami. Pinaglapat ko ang mga noo namin habang habol-habol ang hininga namin.

Ngumiti ako at ganon din siya. Natawa ako bigla dahil sa pagiging wild niya hahaha!

"Tara na nga ang landi natin" hinila niya ako.

"Wow ha, dinamay mo pa ako" natatawang asik ko sa kaniya at natawa din siya.

Pinagbuksan ko siya ng kotse at nakangiting sumakay siya. Sumakay na din ako at pinaandar ko na ang kotse ko.

Habang nasa byahe kamk ay napapatingin ako kay Cena. Nakatingin lang ito sa salamin at mukhang malalim ang iniisip.

"Okay ka lang ba?" tanong ko bigla at lumingon siya sa akin sabay tumango.

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Where stories live. Discover now