CHAPTER TEN💙

220 21 3
                                    

ZEIDEN'S POV

Nang makalabas na ako sa kwarto ay nakangiting napailing ako dahil sa ginawa ko ngunit bigla akong napahinto sa tapat ng elevator

Bigla na lang tumakbo sa isip ko, kung tama ba ang mga ginagawa ko kay Cena.

Tama ba ang mga pinag gagagawa ko sa kanya?

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko to ginagawa sa kanya.

Zeiden nagiging bastos ka na!

Hindi na tama ang mga pinag gagagawa mo!

Matuto kang rumespeto sa babae!

Napapikit na lang ako dahil sa mga gumugulo sa isipan ko.

Naimulat ko lang ang mata ko nang bumukas na ang pintuan ng elevator, agad akong pumasok at pinindot ang letter g na button.

Nang magsasara na ang pinto ng elevator ay nagulat ako nang biglang may humarang na isang kamay ng elevator upang hindi ito magsara.

Nang bumukas ulit ang elevator ay nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang babae, kasing tangkad ko lang siya, blondie ang kulay ng buhok niyang mahaba,naka crop top siya na color blue at nakapalda ito dahilan para mamula ang pisngi ko.

Nagulat ako nang magtama ang paningin namin ng babaeng iyon.

Naawang ang labi ko nang bigla siyang ngumiti sa akin,may kung anong epekto sa akin ang magandang ngiti niya.

Nang makapasok siya, ay napaatras ako para bigyan siya ng espasyo.

Sinumdan ko ng tingin ang ginagawa niya, na patingin ako sa button nang pindutin niya ang g button.

"Hi"

Napaigtad ako nang bigla siyang magsalita, tumingin muna ako sa kaliwa at kanan saka gulat na napatingin sa kanya. Nanatiling nakaharap ang kanyang mukha sa pintuan ng elevator.

"A-Ako?" tanong ko sa kanya habang nakaturo ang hintuturo kong daliri sa dibdib ko.

Tumawa siya. "May iba pa bang tao dito?" natatawang aniya.

Nakaramdam ako ng pagkapahiya dahil sa katangahan ko.

Hindi ka nagiisip Zieden!

Bobo ka talaga!

Nakakahiya shet!

"S-Sorry" sabi ko saka tumingin na lang sa mga button.

"Hindi mo man lang ba ako babatiin?"

Gulat akong napatingin sa kanya. "Ha?" gulat na tanong ko sa kanya.

Tumawa siya. "Ha?" panggagaya niya sa akin.

Kunot-noo ko naman siyang tinitigan..

Epal to ha!

Tss!

"Hindi mo man lang ba ako babatiin ng 'Hi' man lang?" tanong niya, nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin.

Bakit ganyan siya tumingin sa akin?

Bakit ganyan ka tumingin?

Pero mas nanlaki ang mata ko nang bigla siyang ngumiti sa akin sabay kindat."Bye" nakangiting sabi niya saka lumabas.

Hindi ko namalayan na nakabulas na pala ang pintuan ng elevator.

Naiwan akong tulala nang nakalabas na yung babae.

WTF! Sino yun?

Bakit ganyan siya?

Tss!

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Where stories live. Discover now