CHAPTER 23💙

160 16 4
                                    

ZEIDEN'S POV

Bakit ko ba nasabi yon? Tss! Badtrip!

Nakita ko kung paano unti-unting kumunot ang noo niya. Nakita ko rin ang sunod-sunod na paglunok ni Cena.

"Okay nakapili na ba lahat ng ka partenrs?" pareho kaming napalingon ni Cena ng magsalita ang teacher sa harapan.

"Yes" silang lahat.

"Okay mabuti kung ganon, so magsiupo na po ang lahat" usal niya.

Humarap ako kay Cena. "Babalik na ako dun" sabi ko. Lumingon siya sa akin.

Tumango siya. "Okay" sabi niya.

Bumuntong-hininga muna ako saka bumalik na sa upuan ko.

"Okay students, at dahil nakahanap na kayo ng mga partners niyo for audition...ang audtions ay magaganap sa Wednesday. So you have to days to practice with your partners...Excuse kayo dalawang subject para makapagpractice kayo..." nakangiting sabi ng teacher.

Tumaas ang kamay ng lalaking nasa harapan ko" Dito rin po ba magpapractice sa loob ng school?"

"Pwede rin naman dito, pwede rin sa labas or sa mga bahay ninyo... It's up to you kung saan kayo magpparactice.."

Natigilan ako saka dahang dahang lumingon kay Cena at gano' na lang ang gulat ko nang magtama ang paningin naming dalawa.

Tumingin siya sa akin na para bang nagtatanong at ako naman ay nakatingin sa kanya na sinasabi niyang sagutin ko ang tinatanong niya pero wala naman siyang tinatanong sa akon maski isa. Tss naguluhan ka rin ba? Eh bahala ka!

Bumilis kaagad ang pagtibok ng puso ko.

Aish! Kainis!

Awtomatiko niyang iniwas ang paningin niya sa akin at bumaling na lang sa teacher na nasa harapan.

Parang nagslow-mo ang mundo ko, pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao dito. Gano'n.. ganon yung pakiramdam ko,ganon yung nararamdaman ko ngayon.

Itinuon ko na lang ang paningin ko sa harapan.

"So again goodluck students, i hope na sana galingan niyo sa audition....sorry dahil hindi kami ang mag jujudge sa inyo."sabi niya dahilan para maglitawanan na naman ang mga nagtatakang mga bulungan.

"Yes.. Iba ang magjujudge, hindi sa school na ito kundi sa ibang bansa. Mga guest natin sila dito. Kaya galingan niyo dahil sila rin ang magtuturo ng sayaw sa inyo" nakangiting sabi niya. "Again students have a wonderful day, GOODLUCK!" sabi niya at nagpalakpakan naman ang mga estudyante.

Tumingin ulit ako kay Cena. Nakangiti siya habang kinakausap ang katabi niya.

Hindi ko na namang maiwasang mapangiti dahil sa ganda at maamong mukha ng babaeng aking minamasdan.

Cena

Nagsimula na namang gumala ang aking mata sa kabuuan ng mukha ni Cena kahit na tatlong dipa ang layo namin sa isa't- isa ay talaga namang naaaninag ko ang maamo at gumagandang mukha niya. Kahit na talong dipa ang layo namin sa isa't isa ay kita ko ang mapupulang mga pisngi niya.

Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi ng magtama ang paningin naming dalawa. Napalitan na iyon ng pagkakunot ng pagkagulat habang nakatingin sa kanya.

Bahagya namang kumunot ang noo ni Cena,gusto kong matawa ng itagilid niya ang ulo niya habang nakatingin sa akin.

Cute.

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon