CHAPTER 26❤️

156 16 6
                                    

JESTER'S POV

Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda at laki ng Auburn International School. Maganda ito kumpara sa school ko sa states. Habang papasok ako sa school ay naigala ko ang paningin sa kabuuan nito. Mayroong tatlong malalaking gusali na kulay pilak. Sobrang ganda talaga.

I bit my lower lip when i see the girls in other building. Ngunit nagtaka ako nang puro babae lang ang nakita ko wala akong nakita ni isang lalaki sa building na iyon. Napabuntong-hininga ako  saka dumretso sa building na iyon.

"Uhmp!" natigilan ako nang makabangga ako ng isang babae dahilan para matumba ito at magsitalsikan ang mga gamit niya.

Nanlaki ang mata ko saka dali-daling pumunta sa kanya. "Miss are you okay?"

Namimilipit siya sa akin saka inis na tumingin sa akin. "Mukha ba akong okay sa ginawa mo?!" sigaw niya at napaiwas ako dahil sa sobrang lakas 'yon.

Tumayo ako saka nakapamulsang tiningnan siya.

Sinusubukan niyang tumayo pero dahil sa lakas ng pagkakatumba niya ay hindi niya na magawang tumayo.

Bumuntong-hininga ako."Let me help you" presinta ko dahilan para matigilan siya.

Hindi ako nagdalawang-isip at inalalayan ko na siyang tumayo. Nanatiling magkatitigan kami habang inaalalayan ko siyang tumayo.

Taka ko naman siyang tiningnan nung makatayo na siya at nakatingin pa rin siya sa akin.

Nakaramdam ako ng ilang sa babaeng ito.

"Are you okay mis--?"

"Mukha ba akong okay ha!" sigaw niya sa akin dahilan para mapaiwas ako.

"You don't have to shout" usal ko sa kanya.

"Wag mo akong ingles-inglesin ha! Dahil pilipino tayo!" sigaw niya na naman.

Bumuntong-hininga ako. "Okay i'm sorr--"

"Sorry mo mukha mo bwisit!" sigaw niya sabay tinuro ang mga papel na nagkalat sa sahig. "Tingnan mo ginawa mo"

"I'm sorry i did'nt mean to" usal ko.

"Sabing wag kang mag iingles eh!" nakapikit na sabi niya, nagpipigil ng inis.

Sumimangot ako. "Ano bang pakelam mo kung nag eenglish ako!" sigaw ko sa kanya.

Dinuro niya ako. "Hoy pulutin mo yung mga gamit ko!" sigaw niya.

Tiningnan ko lang yung gamit niya sa sahig saka muling tumingin sa kanya. "What if i dont want to?"

"Ano?!"

Bingi!

"What if i don't want to?"

"Hoy wag mo sabi akong ingles inglesin dahil wala akong pekalam sa sinasabi mo"

"Or you did'nt understand what im saying?" nakangising sabi ko dahilan para matigilan siya.

"H-Hoy" dinuro niya ako. "Anong akala mo sa akin tanga? Naiintindihan ko ang sinasabi mo ah! Ang sinasabi ko lang ay ayokong nageenglish ka dahil ang panget ng accent mo! Hindi bagay sa'yo" sigaw niya.

Rude girl!

Bumuntong-hininga na lang ako saka walang ano-ano'y pinulot ang mga gamit niya sa sahig, inayos ko muna iyon at ibinigay sa kanya.

Nakasimangot na kinuha niya sa akin iyon. "Thanks" she rolled her eyes.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya. Maganda siya,at perfect na perfect ang bawat anggulo ng mukha niya. Mula sa kulay abong contact lens niya papunta sa ilong niyang matangos hanggang sa marating ko ang labi niya.

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon