CHAPTER 36❤️

160 11 0
                                    

ZEIDEN'S POV

"Gusto ka ni Autumn, Zeiden... Gusto ka ng kaibigan ko!"

Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa sinabi ni Cena. Masyado akong naguguluhan sa mga nangyayare.

Kaya ba nagkakaganyan si Autumn ay dahil sa akin? Pero hindi ko naman alam na may gusto pala siya sa akin.

Nanatiling magkatitigan lang kami ni Cena. Patuloy pa rin sa pagbuhos ang luha sa mga mata niya.

Nasasaktan ako kapag nakikitang nasasaktan siya. Anong gagawin ko? Anong dapat kong gawin para hindi siya masaktan? Para hindi masaktan ang taong mahal ko.

Akmang tatalikod si Cena sa akin nang hawakan ko ang kamay niya. "Please Cena.. W-Wag ganito" nangingilid na luhang sabi ko.

Nasasaktan ako kasi nang dahil sa akin kaya nagkakawatak-watak ang pagkakaibigan nila ni Autumn. Ano bang dapat kong gawin? 

Inalis ni Cena ang kamay niya sa akin. Ngumiti siya sa akin pero kitang-kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya sa mga nangyayare.

Niyakap ko siya ng pagkahigpit-higpit. "Please naman, wag ganito" naluluhang sabi ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hindi ko napigilan ang sarili ko at tuluyan nang bumuhos ang mga luha sa mata ko.

"Okay lang ako" nakangiting sabi niya saka binitawan ako at mabilis na sumakay ng taxi.

Pakiramdam ko namanhid lahat ng katawan ko pero yung puso ko hindi dahil ramdam ko ang sakit, yung tipong tinusok ka ng karayom ng limang beses sa puso. Napakasakit! Napakasakit na makita na nahihirapan ang mahal ko at ang kaibigan niya nang dahil sa akin.

Nagtungo ulit ako papunta sa kwarto ni Autumn. Mabuti na lang at wala si Cedrick at kami lang dalawa ang nandito.

"Ayoko nang sabi ng--" hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang makita niya ako. Agad lumungkot ang mga mata niya at umiwas ng tingin sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya at bumuntong-hininga ako.

"Pwede ba kita makausap?"

"Tungkol saan na naman?!"

"Tungkol sa atin" sagot ko at natigilan siya at napatingin sa akin.

Lumapit ako sa kaniya st tinabihan siya. "Alam ko na ang lahat" sabi ko at nanlaki ang mga mata niya.

"P-Paano mo nalaman?" utal na tanong niya.

"Hindi na importante kung kanino ko nalaman," sabi ko at umiwas siya ng tingin sa akin.

"Alam ko naman na mahal mo siya eh, anong magagawa ko" sagot niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Look, Autumn i'm sorry, i'm sorry pero mahal ko si Cena, sana maintindihan mo"

Mapait siyang ngumiti sa akin. "Gaano mo siya kamahal?" tanong niya sa akin.

"Mahal na mahal," sagot ko at natigilan ako nang makita ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya.

Nasasaktan ako nang makitang nasasaktan siya nang dahil sa akin.

"I'm sorry Autumn, sana mapatawad mo ako"

Matagal siyang tumitig sa akin sabay ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm sorry din Zeiden, i'm sorry pati relasyon niyo pa ni Cena, nasisira ko--"

"You don't have to say sorry, kaya kong ayusin ito" nakangiting sabi ko.

"I'm sorry Zeiden" naluluhang sabi niya.

"It's okay" nakangiting sabi ko.

Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya. "Mahalin mo ang kaibigan ko ha, second jowa ka niya kaya alagaan mo siya" natatawang sabi ni Autumn at natawa din ako.

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon