CHAPTER 31:THE CONFESSION❤️

137 13 2
                                    

ZEIDEN'S POV

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko sinabi yon. Nakakainis!

Naiinis ako sa Levin na ito, matapos niyang saktan si Cena, babalik siya na para bang walang nangyare? Gago ba siya!

Ngayong nasabi ko na ang totoong nararamdaman ko,nakahinga na din ako ng maluwag pero dahil sa mga tingin ni Cena ngayon para naninikip na naman ang puso ko na para bang pinipigilan akong huminga.

Nanatiling nakatingin sa akin si Cena, gulat na gulat dahilan para makaramdam ako ng ilang sa kaniya.

Sa mga tingin niyang iyon para akong tinutusok sa dibdib. Hindi ko maipaliwanag ng maayos pero ganon ang nararamdaman ko sa kaniya ngayon. Parang ang sakit lang sa akin!

"See" napalingon kaming dalawa ni Cena kay Levin. "Lumabas din ang tunay na nararamdaman mo sa kaniya diba" usal ni Levin dahilan para uminit ang ulo ko.

Tumingin siya kay Cena. "See Cena, may gusto sayo ang taong yan!" sigaw niya kay Cena at napalingon naman ako kay Cena at lumingon siya sa akin dahilan para magtama ang paningin naming dalawa.

Awtomatiko niyang iniwas ang paningin niya sa akin at bumaling na lang kay Levin. "Umalis ka na Levin"

"Cena--"

"Pwede ba Levin!" ubos na ang pasensya ni Cena. "Tama na, hindi na maniniwala sa mga sinasabi mo! Wala na akong pakelam diyan sa nararamdaman mo kaya pwede ba tigilan mo na ako!" gumagaragal na tinig ni Cena.

"Hanggang pinagsisisihan ko yung ginawa ko sayo Cena, mahal na mahal kita" umiiyak na usal ni Levin dahilan para uminit ang ulo ko.

'Tang ina ka pala eh'

"Matapos mo akong lokohin, sasabihin mo sa aking mahal mo ako GAGO!" sigaw ni Cena sa kaniya.

Lumapit si Levin sa kaniya at hahawakan sana ang kamay niya pero mabilis na binawi ito ni Cena. "Please Cena,gagawin ko ang lahat Cena bumalik ka lang sa akin" pagmamakaawa ni Levin.

"Tangina tama na! tama na! Parang awa mo na, kung may natitira ka pa na respeto sa nararamdaman ko parang awa mo na Levin, umalis ka na!" sigaw ni Cena sa kaniya at natigilan si Levin.

Ngunit natigilan ako nang makita ang paggalaw ng balikat ni Cena at ganon na lang ang gulat ko nang makitang umiiyak na ito.

"Buong buhay ko wala na akong inisip kundi ang kapakanan ng relasyon natin" umiiyak na sabi ni Cena. "Minahal kita Levin! Pero anong ginawa mo? Tangina ginago mo ako Levin! Ginago mo ako!" sigaw niya.

Umiiyak na lumapit si Levin kay Cena, hahawakan niya ulit ang kamay ni Cena pero mabilis na binawi ni Cena ang kamay niya. "Habang buhay kong pagsisisihan ang ginawa ko sayo Cena, mahal na mahal kita Cena mahal na mahal" pagdidiin niya sa mga katagang iyon.

'Tangina ka pala eh kung mahal mo siya bakit mo siya niloko?! Isa kang malaking hayop Levin!'

"Kung minahal mo ako, hindi sana tayo aabot sa ganito Levin! Kung mahal mo ako, sana hindi mo ako niloko, sana hindi ka nakipaghalikan sa ibang babae!" sigaw niya dahilan para matigilan ako sabay gulat na mapatitig kay Cena.

'sana hindi ka nakipaghalikan sa ibang babae'

'sana hindi ka nakipaghalikan sa ibang babae'

'sana hindi ka nakipaghalikan sa ibang babae'

Nagpaulit-ulit yon sa tenga ko. Parang ang sarap suntukin nung mukha ni Levin nang paulit-ulit, paulit-ulit hanggang sa mawalan siya ng malay.

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Where stories live. Discover now