CHAPTER 24💙

143 14 4
                                    

ZEIDEN'S POV

Maaga akong nagising para sa practice namin ni Cena for audition.

Hindi ko maitago ang saya dahil sa nagaganap sa amin ngayon.

Agad akong bumangon at dumeretso na sa banyo. Matapos ko maligo ay iniayos ko na ang sarili ko. Nagsuot ako ng uniporme. Buong oras na yon ay nakangiti lang ako. Minsan napapailing ako kapag naaalala ko yung nangyare kagabi.

Napatingin muli ako sa infinity sign necklace. Ngumiti ako. "Aalis na ulit ako heheh... Mag-iingat ka palagi ha" nakangiting sabi ko saka lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ng kwarto ay sakto din ang labas ni Phoebe. "Oh saan ka pupunta?" tanong niya.

"Papasok" matamlay na sabi ko.

"Oo nga pala noh heheh"

Tss! Stupid!

"Nasaan sila Mom and Dad"

"Nasa meeting" usal niya. "Kumain ka na ba?"

Umiling ako. "Hindi pa"

"Tara kain ta--"

"Sa school na lang ako kakain"

"A-Ahhh hehehe okay" napapahiyanv usal niya.

Nanliit ang mata ko habang nakatingin sa kanya. "Saan kayo nagpunta?" tanong ko sa kanya dahilan para matigilan siya.

"Sa school"

"Hindi kita nakita sa school ate"

"Ahhh hehehe umuwi na din kasi ako kahapon eh"

"Nang hindi pa natatapos ang klase?" usal ko dahilan para matigilan si Phoebe saka gulat na mapatitig sa akin.

"A--Ahh"

"Saan kayo galing?" tanong ko.

"N-Nino?"

"Oh come on ate" natatawang usal ko na isinuko pa ang dalawang kamay ko saka muling tumingin sa kanya. "Don't pretent yourself so just tell the truth... Saan kayo nanggaling"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Zeiden"

"Maaaring hindi ko alam kasi walang nagpapaalam sa akin" seryosong usal ko.

"Zeiden i don't understand yo--"

"Baka kayo ang hindi ko maintindihan"

"What?!"

"Nevermind forget it" sabi ko saka mabilis na tinalikuran siya.

"Zeiden" dinig kong tawag niya sa akin pero nagpatuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kotse ko.

Agad akong sumakay don at mabilis na pinaandar iyon.

Habang nasa byahe ako ay hindo ko maiwasang hindi magalit sa kanila.

Bagaman tutok sa pagddrive,lumilipad ang isipan ko.

Bakit ba kasi sila gano'nsa akin? Ano bang nagawa kong mali sa kanila?

Magmula naman ng magkaroon muli ng pasukan ay wala na akong ginawang tama sa paningin nila.

Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n silang lahat sa akin.

Pamilya ba nila ako? Parte ba ako ng pamilya nila? Kasmaa ba ako don? Ewan ko! Naguguluhan ako! Hindi ko na alam.

Maya-maya lang din ay nakarating na ako sa parking lot.

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum