CHAPTER NINETEEN💙

152 19 9
                                    

CENA'S POV

"WHAT ARE YOU GUYS DOING?"

Agad akong kumalas sa pagkakayakap ko kay Zeiden saka dali-daling lumingon sa  pinanggagalingan  ng boses na iyon.

At gano'n na lang ang gulat ko nang makita si.....

JESTER!

Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa aming dalawa ni Zeiden. Papalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa. Ang kanina nga  kunot-noo na tingin ay napalitan  ng salubong na kilay na tingin habang magkakrus ang mga braso niya.

Napako ang paningin niya kay Zeiden na tila bang inaalam niya kung ano ang ginagawa niya.

Tumingin ako kay Zeiden. Nagtama ang paningin naming dalawa.

Bumilis kaagad ang tibok ng puso ko dahil sa tingin niyang hindi ko naman alam kung ano ang dahilan at bakit ganon siya tumingin.

Itinuon ko ulit ang paningin ko kay Jester na sa akin na nakatingin. Taka ko naman siyang tiningnan habang salubong ang kilay niya.

Bumuntong-hininga ako. "A-Anong ginagawa mo dito?" utal na tanong ko,pilit na inaayos ang pagsasalita ko pero sa tono ng tinig ko ay mahahalata nila na kinakabahan ako.

Umangat ang gilid ng labi ni Jester. "Bakit binalik mo sa akin ang tanong na iyan? Kayo ang tinatanong ko---anong ginagawa niyo?"

Naiilang na tumingin ako kay Zeiden pero deretso siyang nakatingin kay Jester habang ang mga kamay niya ay nakapasok sa bulsa.

Agad ko naman iyon iniwas at muli itinuon ang tingin ko sa epal at bwisit kong kapatid. "Wala lang... A-ahhh.. Nag uusap lang"

Ngumiwi siya. "Nag uusap?.... Pwede pa lang mag usap habang magkayakap noh?!" sarkastikong usal niya sabay tumawa. "I'm just kidding" natatawang sabi niya.

Sumama ang tingin ko sa kanya. "Jester?"

Inosente siyang tumingin sa akin. "What? Hahaha i'm just kidding hahaha"

Napailing ako saka palihim na tinignnan si Zeiden.

Seryoso siya tila hindi nagustuhan ang sinabi ni Jester.

"Teka, kumain ka na ba?" tanong ko kay Jester.

Tumango siya. "Yes, actually ang sarap-sarap ng pagkain dito diba Zeiden?" tanong niya dahilan para mapatingin ako kay Zeiden at inosente lang siyang nakatingin kay Jester.

Ngumiti siya saka tumango. "Yes" kaswal na usal niya.

SANDALING KATAHIMIKAN!!!

Nakangiti si Jester habang nakatingin kay Zeiden habang si Zeiden ay pilit na ngiti lang ang naiganti niya kay Jester at ako naman ay hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko.

Hindi ko rin alam kung bakit niyakap ko si Zeiden kanina. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yon dahil ang tanging nasa-isip ko lang nung mga sandaljng iyon ay kailangan niya ng kadamay kaya ko ginawa yon.

Pero mas lalong nakakakaba ang nanging pakiramdam ko nang maabutan kami ni Jester na magkayakap. Dahil kilala ko si Jester,alam ko na magdadaldal na naman to kila Mommy at Daddy panigurado.

Hays!

Nanatili lang silang magkatitigan.

Umubo ako. "Teka nasaan na nga pala sila?" baling ko kay Jester. Tumingin siya sa akin.

Bumuntong-hininga siya. "Nandoon sila ate' hinihintay na kayo" sabi niya. "Una na ako ha" paalam niya sa aming dalawa. Tumango muna siya sa amin saka umalis.

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon