CHAPTER 27❤️

143 17 2
                                    

CENA'S POV

"Just dance" he whispered.

Agad na nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa bulong niya. Muli akong tumingin sa kanya, seryoso na ang kanyang mukha. Gano'n na lang ang gulat ko nang bigla niya akong hawakan ng mahigpit sa kamay at sinimulang isayaw.

Hindi ko masyadong madama ang pagsasayaw ngayon dahil nakatuon lang kay Zeiden ang utak ko. Para akong bangag nang mga oras na ito.

Spinning my heart go around, tell me.

How can you walk away, i don't care what you say, but i'm loving you anywhere. It's the way you make me feel.

Muli kong narinig ang kanta at para akong tanga nakatulala sa kaniya habang ang kaniyang paningin ay naka iwas sa akin.

Muling nag abante-atras na naman kaming dalawa ni Zeiden.

Pabilis na pabilis ang tibok ng puso ko,hindi ko mawari kung bakit ganito kabilis.

Umiwas ako ng tingin at itinuon na lang ang isipan ko sa pagiisip ng step habang nasayaw kami.

Muli akong nag-angat ng tingin kay Zeiden at saktong pagkatingin ko sa kaniya ay siya ding tingin niya sa akin.

Napatingin siya sa kamay naming magkahawak, napalingon din ako don.

Para akong hinahabol ng hininga, hindi dahil sa pagsasayaw kundi dahil sa galawan ni Zeiden na hindi ko naman maintindihan kung ano iyon.

Nanatiling magkatitigan kami ni Zeiden. Huminto kami sa pagsasayaw at nanatiling magkatitigan lang.

Parang bumagal ang takbo ng oras nang magkatitigan kaming dalawa, hindi ko na alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko basta ang alam ko lang ay sumasayaw kami.

Nang makabalik na sa ulirat ang isip ko ay bumitaw ako sa kaniya sabay umiwas ng tingin,nakaramdam ng ilang sa kaniya.

Pumunta na lang ako sa speaker ara kuhain ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kamay ko na nanginginig habang kinkuha ang cellphone ko.

Napapikit ako ng mariin dahil sa hiya na nararamdaman ko ngayon. Agad ko ring minulat ang aking mga mata.

Lumingon ako kay Zeiden dahilan para mapalingon din siya.

"O-Okay na s-siguro yon" sabi ko.

Kumunot ang noo niya."Ang alin?"

"Yung s-sayaw natin... Pwede na yon"

Napangiwi siya. "Hindi ko naman solo yon eh"

Nanlaki ang mata ko habang nakatitig sa kaniya. Hindi niya solo yon? Pero nakasayaw siya.. Tss!

"S-So hindi mo alam?" pilit ang ngiting tanong ko sa kaniya.

Napakamot siya sa ulo niya. "Hindi eh"

"Eh ano yung kanina?" tanong ko ulit dahilan para matigilan siya.

Dahil sa mga titig niya ay bumilis na ang tibok ng puso ko. Bakit ba ganiyan siya tumingin sa akin? Nagtanong lang naman ako pero bakti ako nagiging ganito? Bakit ba kasi ganito? Naguguluhan na ako! Ang gulo gulo na!

Nagkibit-balikat siya. "Experience" usal niya.

Experience?

Napanguso ako. "Okay" saka tumalikod sa kaniya at itinuon na lang sa cellphone.

Tinaggal ko ang cellphone ko sa pagkakasaksak saka pumunta sa couch at umupo.

Nang makaupo ako ay binuksan ko ang fb ko,nag-scroll na ako. Nakita ko ang mga picture nila Autumn at Paige. Etong dalawa lang talaga ang laging updated pagdating sa socila media, kaming dalawa naman ni Thea hindi masyadong tutok sa social media dahil wala naman kaming pakelam sa mga nangyayare.

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon